ONE SHOT

0 0 0
                                    

"Congrats, nak!" Masayang bati sakin nila Mama at Papa pagkatapos nga ng oath taking ko. Halos maingiyak din si Mama--lola ko pero Mama na din ang tawag ko-- pagkatapos ko siyang yakapin.

"Congrats, Ate!"

"Congrats, Chloe!"

Sabay-sabay na bati ng pamilya ko saakin. Nandito kami sa isang restaurant para kumain at i-celebrate na din ang oath taking ko.

It still feels surreal. Everything I had to endure after four long years and months of reviewing for the exams. Finally, nandito na ako.

"Ayaw ko na." Humahagulgol na sabi ko habang kausap ang mga kaibigan sa video call.

Bukas ay ang huling exams naming for this semester at ilang buwan na lang ay gra-graduate na din kami.

"Hoy, akla! Last na nga eh!" Natatawang biro ni Mel. Siya ang pinaka-nakakatawa saamin.

"Kaya natin to, girl!" Sabi naman ni Lin. Ang bestfriend kong hindi ko alam kung bakit Nursing din ang kinuha. Nang tinanong ko nga siya kung bakit Nursing, ang sabi niya lang ay dahil trip niya lang daw.

Lin actually doesn't need to really work her ass off. She already has a pilot license kaya naman dagdag degree na lang daw kaya kumuha siya ng Nursing. Ewan ko ba dito!

"Huy! Tumigil ka nga diyan! Ang pangit mo pa man din!" Biro naman ni Gelo.

Apat silang magkakaibigan simula pa lang high school. Mas Lalo lang silang naging close nang nag-college na silang apat.

Si Lin at siya, Nursing ang kinuha at si Gelo at Mel naman ay MedTech. Lahat talaga nasa medical field. Best friends Goals nga naman.

Napabalik ako sa reyalidad nang tanungin ako nila Mama.

"Oh? Ano pa lang plano mo?" Tanong ng tita ko na ang tawag ko na din ay Mama.

I'm already fixing my resumes and all the papers needed for me to apply in a hospital. Hindi ko pa lang talaga napapagdesisyonan kung saan ako mag-a-apply.

"Nag-iisip pa nga po ako kung saan ako mag-a-apply." Magalang na sabi ko.

"You can go to Canada, mataas din ang bayad ng mga nurses don. Or New Zealand, your Tita Jona is there." Mama (my tita) said.

Tumango-tango ako ng maisip yon. "Pwede naman po."

"Or if you want, stay here muna sa Pilipinas." Sabi naman ng isa ko pang Tita.

I just nodded. I'm still thinking about it.

AFTER THE LUNCH, we just went to visit around the town and went home after. Napagod nga din ako pagkatapos ng mga pinag-gagagawa naming kanina.

I was lying on my bed when I thought of the possible things that I should do.

"Dito muna kaya o sa ibang bansa na?" Tanong ko, para na nga akong tangang nakatitig lang sa kisame at kinaka-usap ang sarili.

'Hmm, if speaking of salary, hindi hamak na mas mataas sa ibang bansa. That's their advantage. Pero kapag dito naman sa Pilipinas, hindi ko na kailangang malayo sa pamilya ko.' I was busy debating on my head.

"Hayst! Bahala na!" Naiinis na sabi ko na lang at nagpapa-padyak pa ng paa sa hangin.

Five months later....

"Nurse, saan po yung Room 214" Tanong saakin ng babaeng mukhang kaedaran ko lang at kapapasok lang dito sa ospital.

"Wait lang po, Ma'am. Tanong ko na lang din po." Sabi ko at tinanong mula kay ate na nakaharap sa computer. Pagkatapos ko ngang malaman kung nasaan ang kwartong hinahanap niya.

"Excuse me po, Ma'am. Sa second floor daw po tapos kaliwa lang po kayo at nandon na po ang Room 214." Paliwanag ko sa kaniya.

"Okay po. Thank you!" Masayang sabi ng babae saakin at pumunta na nga sa direksyong sinabi ko.

And yes, I'm still here in the Philippines. I still chose to stay here in the country. I'm even doing some voluntary works for small communities. It's fulfilling even though it's also an exhausting job. Masaya ako na nakakatulong ako.

But a small part of me is still thinking, how about if I go abroad?

I just shrugged my head off. Maybe years more bago pa ako makapag-ipon at makabili na ng sariling Bahay sa ibang bansa.

Three years later....

Now, I'm in our house here in New Zealand. It's my day off today kaya naman I took this opportunity to just rest for a while.

I was about to go upstairs to sleep in my room when I saw my album.

I did that maybe more than three years ago? When I was still in the Philippines.

And I felt nostalgic when I looked at those photos. Yun yung mga larawan kong nakuhanan ng mga kasama ko tuwing my voluntary missions kami. I miss those moments.

But still, now it is different.

I worked in the country for almost four years, and it's already enough. Masasabi ko na din naming 'Bayan Muna'. I chose to serve my countrymen before leaving.

I am happy now in my life here in New Zealand. Hindi lang naman sweldo ang habol ko dito kung hindi ang katahimikang gustong-gusto na ring matamasa. And the sense of fulfillment?

The feeling of being content with everything that I have right now. And to think that I worked hard for everything. I'm so proud of myself.

Serving my country taught me many things, but now? It's a new chapter.

Chapter 100. New Life here in New Zealand.

Bayan Muna?Where stories live. Discover now