Chapter 3 (Commission)

197 40 12
                                    

Commision

Arthea's POV

"Hala... Okay lang d-di naman k-kailangan" shit ba't ka ba nauutal, kalma.

"Di naman ako masamang tao, I just want to help you it's a bit risky na kasi and you're alone pa." Seryosong sagot nya, wala naman akong nararamdamang takot, kinakabahan lang ako, basta di ko maexplain.

Lumabas na sya ng sasakyan at pinagbuksan na ako ng pinto kaya naman hindi na ako nakatanggi. Di ko alam ang gagawin maging ang sasabihin.

"San ka ba nakatira, I mean san kita ihahatid?" Tanong nya habang nagmamaneho.

"Sa plaza nalang ako" sagot ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.

"Malapit ka ba doon?"

"Hindi, doon kasi nagcha-chalk art yung mga kaibigan ko, bumili lang ako ng materials for art commission pero magcha-chalk art din ako ngayon" actually ang balak ko talaga ay umuwi nalang at tapusin ang commission kaya lang nahihiya akong magpahatid sa bahay, kaya naman sa plaza ako magpapahatid. Tapos pag andon na ako magpapahatid nalang ako kay Aizeth.

"So magaling ka pala sa arts, mga minsan if may time ako, I'll watch you do chalk arts" saad nya sabay tingin sakin na nakangiti. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ang init ng pisngi ko, kinikilig ba ako?

"Hindi naman magaling, yung mga kasama ko ang magagaling" di ko kayang mag-yabang tumitiklop ako aba, muli na naman syang ngumiti.

Nawawala ang mata nya pag ngumingiti, singkit kasi.

Nagpatuloy lang sya sa pagmamaneho, kinuha ko naman ang cellphone ko at ang airpods upang magpatugtog at makaiwas narin sa usapang nakakakaba. Ambilis kasi ng tibok ng puso ko.

"Andito na tayo sa plaza" narinig kong saad ni Mr. Journal habang tinatanggal ang airpods sa tenga ko, jusko nakatulog pala ako. Nakakahiya naman, humihilik pa naman ako pag tulog.

"Sorry nakatulog ako" bumaba na sya at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan nya ang mga pinamili ko tumayo sya at parang naghihintay na lumakad ako.

"Huy, ako na magdadala nyan nakakahiya na sa iyo" saad ko habang inaakmang abutin ang pinamili ko ngunit umiwas lang sya at ngumiti.

"Sige na ako na magdadala, di ko naman itatakbo ito." Tumawa pa sya, kaya naman nagsimula na akong maglakad papunta sa gilid ng plaza at sumunod naman sya. Maraming tao doon na nanonood sa mga nagsasagawa ng chalk art. Pero ang gawa ni Aizeth ang dinudumog.

Papunta pa lamang ako ay natanaw na nya ako, tumayo naman sya at lumapit sakin. Ng makalapit ay tumingin sya sakin na parang nagtataka kung sino ang kasama ko.

"Hinatid nya lang ako" kinuha ko na ang mga gamit ko kay Mr. Journal at nagpasalamat, matapos iyon ay umalis na sya at sinabing may kailangan daw syang gawin kaya hindi na sya makakanood. Okay lang naman yun sakin, hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Tiningnan naman ako ni Aizeth na parang sinusuri ang mukha ko.

"Alam mo para kang tanga, tapos kana magchalk art?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Background nalang, patapos na, maiba ko sino yun bat may pahatid- hatid na nagaganap?" Natawa naman ako at naalala lahat simula ng nasa mall ako.

Ikinwento ko kay Aizeth ang mga nangyari, at hindi ko mawari ang reaksyon nya, andaming tanong pero mukha namang walang pakealam.

"Crush mo" ngumiti pa sya na parang nang-aasar.

"Pogi sya pero hindi, loyal ako sa baby ko noh" sagot ko at tumawa na naman sya ng nakakaloko.

"Loyal ka parin kay can't lie quotes na di ka naman pinapansin" tiningnan ko sya ng masama at ngumiti sya habang naka peace sign.

When Words Collide Where stories live. Discover now