"Promise, kanina ko pa tina-try mag-relax pero parang matatae na talaga ako."

Lumakas ang tawa ni number eleven. Tignan mo 'to. Tawang-tawa na naman. Ang saya, saya niya palibhasa, e, hindi man lang nakaramdam ng kaba no'ng siya ang pinapakilala ko kina mama. Sobrang feel at home pa nga niya no'n no'ng pumunta kaming Baguio at sa bahay namin siya nag-stay. Hindi man lang ako bahagian ng confidence ngayon. Tsk.

"Baby, there's nothing to be nervous about. They just want to formally meet you. That's it," malambing na sabi niya pero wala talagang effect sa 'kin.

Gusto ko nang sumigaw ng "Stop the car!"

"What if sabihin nating may LBM ako?"

"Nope," ngumisi siya.

"Or sabihin natin na may emergency ako?"

"Nope."

"Or sabihin nating nagka-wardrobe malfunction ako?"

"What?" Tumawa na naman siya.

In the end, sumuko na lang ako kasi wala talagang balak si number eleven i-postpone ang pagpapakilala niya sa 'kin sa parents niya. Pero naisip ko rin no'n, bakit ko pa ba patatagalin, e, makikilala at makikilala ko pa rin naman sila kasi sila ang parents ng boyfriend ko. Isa pa, nakakahiya rin sa kanila kasi sila mismo ang nag-invite sa 'kin ngayon doon sa bahay nila.

Kinakalma ko ang sarili nang maramdamang kinuha ni number eleven ang kamay ko saka niya hinalikan ang likod no'n. Nilingon niya ako nang nakangiti at parang magic na nag-relax ang isip at katawan ko kahit paano.

Pero bumalik din iyong kaba nang makarating na kami sa malaki nilang bahay. Alam kong mayaman sina number eleven pero... grabe. Iba pa rin pala kapag nakikita mo na sa harap mo kung gaano siya ka-rich kid.

"Baby," rinig kong tawag niya pagbaba namin ng sasakyan.

Nilapitan niya ako at hinalikan sa noo. Saglit akong napapikit dahil do'n.

"Feeling better now?" Tanong niya.

"Hindi," umiling ako at natawa. "Pero nandito na tayo, e. Ilaban ko na 'to."

Ngumiti siya.

Ilang segundo pa kaming nagtitigan doon saka ko nilipat ang tingin sa hawak kong bouquet ng bulaklak at sa basket ng fruits na hawak naman ngayon ni number eleven.

"Okay na ba itong mga dala ko? Baka may something specific na gusto ang mama mo o iyong papa mo."

"These are fine, baby."

"E, iyong hitsura ko? Hindi ba ako underdressed?"

Tinignan ko naman ang suot ko ngayon. Color white iyon na short-sleeved polo, black pants, at loafers. May suot din akong wristwatch at iyong kwintas na regalo ni number eleven.

Actually, halos pareho nga kami ng suot ngayon, e. Ang kaibahan lang ay naka-long sleeves siya na white na nakatupi iyong manggas hanggang sa siko niya. Suot niya rin iyong regalo kong kwintas.

Sobrang gwapo niya nga ngayon, e. Okay naman iyong hitsura ko no'ng last kong tingin sa salamin pero baka kasi sa sobrang kaba ko on the way rito at nahulas na agad ako. Ayoko na kapag nakita kami ng parents nitong isa ay bigla nilang maisip na hindi pala kami bagay kasi ang dungis ko tignan.

Nakita kong ngumiti ulit si number eleven.

At medyo nagulat ako nang mabilis niyang pinatakan ng halik ang labi ko.

"Baby, you look handsome today."

"Today lang?"

Natawa siya at hinalikan na naman ako.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now