Chapter 15: Fashion Show Madness

Start from the beginning
                                    

Humarap si Daddy sakin at nakita niya ang mga luha sa aking mata. Yinakap niya ako agad at tinangkang patahanin. Pero mas lalo akong napahagulhol dahil namiss ko ang mga yakap niya. Nararamdaman ko rin ang yakap ni Papa Shino kapag yakap ko si Daddy.

"Norvin.. May kailangan kang malaman tungkol sa relasyon namin ni Vina.. Alam kong nahihirapan kang tanggapin iyon pero hindi ako nagtaksil sa Papa mo.. Tinupad ko lang ang kanyang kahilingan. Alam kong marami kang katanungan pero anak, malalaman mo lahat kapag sumama ka sakin ngayon. Hindi ko na gustong itago sayo ang buong katotohanan."

Kumalas ako sa pagyakap kay Daddy at pinahid ko ang mga luha ko. Kung ito man ang magpapalinaw sa akin ng lahat ay sasama ako sa kanya.

"Sasama ako Dad. At sana nga maliwanagan na ako sa lahat ng bagay."

"Sige anak, tara at malayo pa ang pupuntahan natin. Malapit na iyon magsimula."

At agad naman akong sumunod sa kanya. Tinawag ko muna si Aileen at binilin ko ang ilang bagay. Alam ni Aileen kung ano ang dapat niyang gawin kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

"Dad? Saan ba ang pupuntahan natin? We are outside the city now." tanong ko kay Daddy nang mapansin kong malayo na kami sa siyudad. Nakikita ko na ang nagtataasang buildings mula sa skyway na tinatahak namin. LED Neon ang nagpapaliwanag sa buong daanan kaya nararamdaman kong isang espesyal na lugar ang pupuntahan namin ni Daddy.

"We are going to a show. And that show will not end without a blast. Kaya anak, magtiwala ka sakin. I am doing this for you."

Di na ako kumibo at hinayaan ko nalang imaneho ni Daddy ang kanyang Cedan at hinintay ang pagdating namin sa destinasyon namin.

At di nga ako nagkamali sa hula ko. We were going to the Fashion Show of the Edge Underwear. Ang brand na ineendorse ni Eli. The venue was full of laser lights and fake clouds. It was like a party of angels and humans and all other creatures. Napakaraming tao at napakaganda ng set up. May apat na ramps na nakaset at may malaking screen sa gitna nito. Hinatak ako ni Daddy at tinungo namin ang pinakamalapit na upuan sa front ng ramp stage. Napakaraming nanonood. Binigyan ako ni Daddy ng isang black Mask at pinasuot niya sa akin. At siya naman ay puting mask ang sinuot. Sumasaliw sa tugtog ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Daddy.

"Ladies and gentlemen. Please welcome, the EDGE UNDERWEAR!!" hiyaw ng event host at biglang namatay ang mga ilaw na maliwanag. Puro laser lights at madilim na ilaw at spotlights lang ang naaaninag sa buong paligid.

Isa isang naglalabasan ang mga lalaking naggagandahan ang katawan. Suot suot ang mga boxer briefs. It was nerve wrecking to look. Napakaganda nilang tingnan lahat. Pero mas nangingibabaw ang aking kaba. Paano kung makita ko si Eli na ganun ang itsura. Makakaya ko bang nakikita siyang pinapakita sa iba ang katawan niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan na naiinis. At di nga nagtagal, lumabas na siya. Suot ang isang high cut na briefs na kulay itim. May nakainscribe na dragon design sa likod ng breifs niya. At naghuhumindik ang kanyang sandata. Lalo akong nainis ng may nagbubulungan sa tabi ko na masarap daw tikman si Eli.

"See that guy there Norvin. Anak siya ni Jonathan Saavedra. Di ko alam na buhay pa pala ang hayop na yun." biglang saad ni Daddy na kinalingon ko sa kanya.

"Ngayong nahanap ko na ang anak niya, alam kong nasa malapit lang si Jonathan. Akala ko nawala na siya nang tuluyan sa buhay natin, ngayon ginugulo naman tayo nang anak niya." dagdag pa ni Daddy.

Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit ganun nalang ang kanyang reaksiyon? Alam niya ba ang tungkol sa amin ni Eli? Di ko maalis ang tingin ko kay Daddy.

"Hindi pwedeng hayaan nalang kita sa pakikipagrelasyon mo sa lalaking iyan. Kaya ngayon palang, tatapusin na natin ang kung ano man ang namamagitan sa inyo."

Napatayo ako at itinapon ko ang suot kong maskara. Akala ko ba iba ang malalaman ko? Bakit mas nasorpresa pa ata ako sa mga nasabi ni Daddy?

"Dad? What is this all about? Wala idea kung ano ang sinasabi mo. At kung pinaghihiwalay mo man kami ni Eli, Dad! Hindi ko yun magagawa, mahal ko siya. Bakit ba nagkakaganito lahat? Naguguluhan na ako Daddy!!"

Napasigaw siguro ang hiyaw ko dahil nagtinginan sa amin ang lahat nang nandoon sa front row.

Hinila ako ni Daddy at inakyat niya ako papunta sa stage. Nagulat si Eli dahil di niya inaasahan na nandoon ako. Napatitig ako sa kanya at agad ko siyang linapitan. Nagkaroon na ng komosyon sa buong venue ng fashion show. Nandoon ang lahat ng media kaya di ko na naiwasang mag alala sa reputasyon naming lahat kung magkaroon man ng eskandalo.

"Please Dad? Wag po dito.. Huwag mo gawin ang iniisip mo."

Di niya ako pinakinggan at pumunta siya sa isang part ng stage para kumuha ng isang microphone.

"Good evening everyone. I am very sorry to cut the event short. Can I have the attention of my lovely wife? Mrs. Vina Gaston Diaz?" tawag ni Daddy na halatang may galit sa boses.

"Dad! Please! Ano bang ginagawa niyo?"

Di niya ako pinakinggan at patuloy siya sa paghihintay kay Vina.

Dumating sa stage ang Vina na parang natutulala parin sa nangyayari. Pati siya siguro ay naguguluhan. Di ko na alam kung ano ba talaga ang ibig gawin ni Daddy.

"Everyone listen up. This guy that I brought here on stage is my one and only child, my beloved Norvin Negro Diaz. Siya ang anak namin nang nasira kong asawa noon. Kilala niyo siya."

Nagbulong bulongan ang ibang mga nandoon pero ang iba ay nagsimulang makinig sa kung ano mang sasabihin pa ni Daddy.

Palinga linga ako kay Eli, kay Vina at kay Daddy. Hinawakan bigla ni Eli ang aking kamay na tila ba sinasabi niyang umalis na tayo bago pa may mangyaring hindi maganda. Pero hindi ko siya hinayaan. Dapat malaman ko na ngayon kung ano ang ibig sabihin ni Daddy.

"Norvin anak, mahal na mahal kita. Alam mo yan. At wala akong hindi gagawin para maging masaya ka at mapabuti ang buhay nating dalawa. Wala na ang Papa mo at hindi ko akalain na nung nawala siya ay may dumagdag pang sakit sa nararamdaman ko. Anak, mula nang ikasal ako kay Vina, akala ko mawawala na noon ang pangungulila ko sa Papa mo, pero mali ako. Dahil alam mo anak. Tama ka noon pa. Simula palang dapat naniwala na ako sayo. Dahil ang babaeng to at ang lalaking katabi mo, ay magkasabwat.. Plinano nila lahat ng ito para gantihan ang pamilya natin Anak."

Naparalisa ako sa narinig ko mula kay Daddy. Hindi ko alam kung totoo yun o gawa gawa lang niya pero bigla akong napaluhod at para akong sinaksak sa aking dibdib na hindi ko maintindihan.

Nabibingi ako sa bulungan ng mga tao. Napatingin ako kay Eli at halata sa kanya ang pamumutla. At napatingin ako kay Vina at nakita kong papalapit sa akin si Daddy. Inabot niya ang kamay ko at agad akong hinatak pababa sa stage.

"Wag kang maniniwala sa kanya Norvin! Hindi totoo ang sinasabi ng Daddy mo!" hiyaw ni Eli. At bigla ko siyang liningon. Nasa mukha niya ang pagkabalisa at pagkalito. At hindi ko alam kung arte iyon o totoo.

Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman. Para akong napunta sa isang madilim na lugar at wala akong makitang liwanag. Nabulag ako bigla.

Wala akong makita at maramdaman..

-----to be continued

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Where stories live. Discover now