"Number eleven," tawag ko sa kaniya no'ng nasa daan na kami papuntang arena.

"Hmm?" Saglit niya akong nilingon.

"Ang gwapo mo."

Natawa ako nang makitang unti-unti siyang mamula. Nagsimula sa tenga hanggang sa kumalat sa buong mukha niya. Kinikilig na naman 'to for sure.

"Bagay sa 'yo gupit mo," dagdag ko.

"Uh, thank you."

"Buhay pa gumupit sa 'yo?"

Kumunot iyong noo niya at saglit ulit akong nilingon. Kinagat ko iyong dila ko. Oo nga pala. Nakalimutan kong laki sa aircon nga pala siya kaya aircon jokes lang din ang nage-gets niya.

"Joke lang," bawi ko. "Pero aware ka naman siguro na gwapo ka, 'no?"

"Well," tumikhim siya, parang gusto na yatang lumubog sa driver's seat. "I haven't given much thought to it..."

"Naks. Pa-humble pa. Hindi ka napopogian sa sarili mo kapag tumitingin ka sa salamin?"

Natawa na rin siya. "Why do I feel like you're just teasing me? Hmm?"

"Hindi, a! Legit question iyon," sabi ko kahit nagpipigil nang tumawa. "Tapos ang galing mo pa mag-volleyball. Parang ang dali lang sa 'yo humampas ng bola."

Malakas siyang tumawa saka umiling-iling pero nando'n pa rin iyong pamumula ng tenga niya. Kilig na kilig na naman sa 'kin si number eleven.

"Kaya mag-promise ka sa 'kin," sabi ko.

"Okay, baby. I promise," mabilis na sagot niya.

Natawa kami parehas tapos mahina kong pinalo iyong braso niya. "Wala pa nga, e."

"Whatever it is, I'm already promising."

"Hindi mo pa nga alam, e."

Tumawa lang ulit siya. "Alright. What is it, then?"

"Kung mag-aaway man tayo in the near future, 'wag mo ako hahampasin, a?"

Nagsalubong iyong mga kilay niya. "And what makes you think that I can do that to you?"

"Malay mo, bigla mo akong mahampas dala ng bugso ng damdamin mo."

"I'll never do that. Ako na lang ang hampasin mo."

"Just in case lang naman iyon! Ayoko lang matulad sa bola kapag pinapalo mo. Sure ako na masakit iyon kasi kita mo iyang braso mo?" Sabay pisil ko sa bicep ng kanang braso niya. "Ang laki tapos ang tigas-"

Natigilan nga lang ako nang ma-realize na ang pangit pakinggan no'ng sinabi ko. Nakita kong napatingin si number eleven sa kamay kong nasa braso niya at para akong napaso kaya mabilis ko ring binawi iyon.

Nagkatinginan kami pagkatapos at buti na lang ay nagda-drive siya kaya hindi rin nagtagal iyong titigan namin. Tumingin na lang ako sa labas at tinanong ang sarili kung building ba iyong nakikita ko kahit building naman talaga.

Badtrip ka, Kaizen.

Ang awkward tuloy bigla!

Malaki tapos matigas? Nakakaasar itong bibig ko. Tsk.

At... uminit yata? Nakatapat naman iyong aircon sa 'kin...

"So, you like my arms, huh?" Nakangisi niyang tanong.

Pakiramdam ko, e, mukha ko naman ang namumula ngayon. The tables have turned daw. Tsk.

"Wala akong sinabi na like ko ang arms mo."

"But you find it huge and hard?"

Inulit pa talaga ng mokong!

At mukhang nakakita ng ipang-aasar niya sa 'kin ang number eleven kasi nakarating na lang kami sa arena ay hindi na siya natigil sa pagbanggit tungkol sa braso niya. Tapos no'ng tinutulungan niya akong bumaba sa sasakyan ay tinaas pa niya iyong manggas ng shirt niya sabay sabing doon daw ako kumapit. Hinampas ko na. Loko, e.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon