Hoy, Chenniah Jaime! Bakit ka niya hahabulin ha? Nababaliw ka na ba? Isang hamak na kasambahay ka lang ng mga Walkins! Porket nagpapicture sa'yo, feelingera ka na agad?

"Hindi ako 'to," umiiling-iling ako at akmang sasabunutan ang sarili nang matigilan.

Magugulo ang buhok ko. Sayang naman ang pagkulot sa akin ni Ate Berna.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. Siguro kung narito si Mama, tatawanan ako noon sa mga naiisip kong imposible. Lalo na niyon akong ipapahiya kapag narinig pa ang itinanong ko sa lalaki kanina.

Nalilimutan ko na yatang kasambahay ako nila Jerace dahil lamang sa mga nangyari ngayong gabi.

Tiningnan ko ang suot kong dress. Mamahalin ang mga suot ko pero hindi naman ako ang bumili.

Hindi ako dapat maghangad ng mas mataas pa. Alam kong hanggang doon lang ako sa guhit. Sisikapin kong hindi lumagpas doon.

Tiningnan ko ang gate nila ganoon na rin ang buong bahay.

Sana hindi na tayo magtagpo ulit, Axel. Sana huling beses na ito. Bukod sa nakakaasar ka, ayaw kong mas mahulog pa sa sariling bitag.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin sila Jerace. Umuwi na rin kami noon at nagpahinga. Mabilis akong nakatulog at maaga ring nagising dahil nangangatok si Jerace at sinabing paparating si April.

"Ayos ka lang ba, Chen?"

Nabulabog ang iniisip ko nang makitang nakadukwang sa akin si Ate Berna habang may hawak na mga trash bags.

"A-Ate!" Tumayo ako agad at inayos ang hawak sa walis tingting. "N-Nakakagulat naman kayo."

Kumunot ang noo niya sa akin saka tiningnan ang kanina ko pang winawalis.

"Ikaw ang nakakagulat, kanina pa kitang inutusan dito, hindi ka pa rin tapos."

"Ah!" Napakamot ako sa noo. "Pasensya na, Ate Berna..nawili akong magwalis eh..ayaw kong matapos agad."

"Ganoon ba?" Tumingin siya sa hawak niya. "Oh sha, itapon mo nga ito roon sa labas, may mga lagayan doon. Ayusin mo ang mga lagay ha, bukas pa yata dadaan iyong mga nangongolekta."

Tumango ako at itinabi na muna ang walis. Binigay niya rin agad sa akin ang dalawang trash bag at tinitigan ako.

"Ayos ka lang ba? Namimiss mo na ba ang papa mo?"

Natigilan ako.

Sa mga dumaan na araw, ni hindi ko naisip ang mga tao sa bahay. Kahit si papa. Ano ang dahilan bakit nakalimot ako?

"A-Ah, opo.."

Ngumiti siya sa akin. "Magpaalam ka lang sa akin kapag gusto mong umuwi, papayagan ka naman nila Kate."

Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya. Tahimik kong tinungo ang labas at bumungad sa akin ang tahimik na daan.

Ito rin talaga ang maganda rito eh. Palibhasa ay subdivision kaya wala talagang katao-tao sa labas. Hindi tulad sa mga payak na kabahayan lamang.

Iniayos ko na lamang ang mga bitbit doon sa lagayan at nang matapos ay handa na sanang pumasok sa loob nang may bumusina sa likuran ko.

Nagtataka ko iyong nilingon. Isang sasakyan na kulay black, hindi ko alam ang tawag sa ganoong sasakyan, pero mukhang mahal.

Baka bisita nila Ma'am Kate. Hinintay kong bumaba ang bintana noon ngunit mukha kaming timang dahil para lang kaming nagtititigan ng sasakyan.

Muli iyong bumusina! Aba't!

Lost Stars (On-Going)Where stories live. Discover now