'Sina Jerome.'

'You're beside him?'

'Yep.'

Hindi agad siya nag-reply. Napatingin tuloy ako sa court kung lumalabas na ba ang mga players para sa official warmup pero wala pa naman.

Wait, naiisip ba niya na baka kami naman ni Jerome ang gawan ng video?

Napangiti ako. Seloso talaga ng number eleven.

'Nasa gitna naman ako ng mga teammates ko. Wala naman sigurong gagawa ng video.'

'So there's no vacant seat beside you?'

'Wala po.'

'Good. I don't want to see Carlos sitting beside you again.'

Natawa ako sa huling message niya kaya napalingon sa 'kin sina Jerome. Umiling-iling pa sila sa 'kin kaya pinigilan ko ang ngiti ko at pasimpleng tinago ang phone. Tsk. Nahuli pa akong kinikilig.

"Sana lahat may jowa," sabi ni Kiko.

"Oo nga. E, 'di sana, hindi lang si Kai ang nakangiti ngayon. Dalawa na kami," si Vince naman.

Nagtawanan sila ro'n at napailing na lang ako.

"Alam na ba sa inyo, Kai?" Bulong ni Jerome.

Ngumiti lang ako saka umiling. "Hindi ko pa nasasabi. Si Carlos pa nga ang iniisip nila na boyfriend ko, e."

"Pero... alam na ba nila na..."

Hindi ko pa gets no'ng una kaya kumunot ang noo ko.

"Na alin? Na bading ako?" Natawa ako at nahihiya namang tumango si Jerome. "Hindi pa nga rin, e."

"Pero, Kai, basta, kung ano, alam mo naman na iyon. Dito lang kami ng team. Kung may problema ka, magsabi ka lang."

Lumaki iyong ngiti ko. "Thank you, cap."

"Wala iyon, future cap."

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong future cap? 'Wag mo sabihing last playing year mo na 'to?"

Ngumiti lang si Jerome. "Hindi pa naman sure."

May sasabihin pa sana ako nang marinig na naming tinawag ang both teams para sa warmup. Nililingon ko pa si Jerome na tumatawa lang at sinasabing 'wag ko raw muna masyadong isipin. Pero paanong hindi ko iisipin iyon kung malakas ang feeling kong wala na siya sa team next year?

"Kai, bebe mo," sabi ni Vince nang lumabas na iyong Westmore team.

At hindi ko alam kung paano nagawa ni number eleven iyon pero nahanap niya agad iyong mga mata ko sa gitna ng maraming tao.

May maliit na ngiti sa labi niya habang inaayos iyong jersey niyang bagay na bagay talaga sa kaniya.

Ngumiti rin ako.

"Gago, Kai, nakatingin sa 'yo! Kinikilig ako!" Malakas na tawa ni Kiko.

"Siraulo ka, Kiko. Kay Kai na iyan," si Paul.

"H'wag kang epal, bro. Dito na nga lang ako kinikilig 'tsaka kapag umiihi."

"Para kang bulate na inasinan, tanga."

"Daming sumisigaw kay Alejo. Iba na talaga kapag gwapings, 'no, Kai?" Si Vince.

Natawa ako. At akin iyang gwapings na iyan.

"Mga loko, ang iingay n'yo," saway sa kanila ni Jerome kaya nanahimik din naman ang mga mokong.

Nagsimula ang official warmup. Inoobserbahan ko si number eleven at mukha namang good mood siya. Good mood meaning ready na siyang maging halimaw laban sa archrival nila.

Jersey Number ElevenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora