Webtoon

18 3 1
                                    

Prologue

When I was a kid lagi ko ng pinapangarap na magkaroon ng sariling book cafe balang araw pati na rin matulungan ang magulang ko but some of my relatives always saying na hindi ko daw matutupad yung pangarap ko.

Tsaka ang panget daw magtayo ng sariling business dito sa probinsya namin, sa Bataan kasi ako pinanganak at lumaki.

Nakasanayan ko na rin ang pagsasaka sa probinsya namin kaya lumaki akong hindi naka-depende sa iba. But now, I'm a college student at entrepreneurial management ang kinuha kong course.

At dahil sa Quezon na kami tumira ay sa Adamson na din ako nag-aral ng college, kahit na mahirap maging estudyante, kakayanin ko pa rin para sa pamilya ko.

"Ayan? Ayan na ba yung magiging business manager niyo balang-araw?" natatawang tanong ng magaling kong tita na wala ng ginawa kung hindi ang manglait at insultuhin ako araw-araw.

"Baka naman maaga 'yang mabuntis ha? Ang mga kabataan pa naman ngayon---" hindi ko na pinatuloy yung sasabihin niya, "Nakakahiya naman po sa nursing student niyong anak tita na maagang nabuntis ng boyfriend niya," napalingon sa'kin si mama dahil sa gulat, ganun na rin ang magaling kong tita.

Bakit pa kasi sila sumunod dito sa Quezon? Ang tahimik na nga ng buhay namin ng magulang ko tas may gugulo na naman sa'min na mga manglalait.

"Ano kamo? Hoy Amora---" tinitigan ko naman siya, "Bakit tita? Totoo naman ho diba? Ayaw niyong tanggapin na maagang nabuntis ang anak niyo---" nagulat ako nang bigla akong sampalin ni tita.

Bigla namang humarang si mama kay tita, "Tumigil ka Lyn!" humarap sa akin si mama at saka agad na pinunasan yung luha ko.

Tinignan ko si tita, "Wala na ba kayong magawa sa buhay tita? L-lagi na lang kayong nangunguna sa lahat ng mga nagiging desisyon ko! Ikaw ba ang magulang ko ha?! Ikaw ba?!!" medyo napataas ang boses ko sa sobrang inis, gulat na nakatingin sa akin si tita pati na rin si mama.

Ilang taon na akong nagtitimpi sa ugali niya pati na rin sa ibang kapatid ni mama, halos ipahiya rin nila ako sa maraming tao noon noong birthday ko. Hindi ko man lang daw sila in-invite sa birthday ko kaya sinigawan nila ako at isumpa.

"A-anak tama na..." pero hindi ako nagpaawat, "I-ilang taon niyo na akong nilalait at laging pinapangunahan sa lahat ng mga desisyon ko tita!!!" dinuro-duro ko siya.

"Lagi na lang kayo ang bida at laging ako yung mali! Puro na lang mali ang mga nakikita niyo sa akin! Napaka-walang kwenta niyong kamag-anak, nakakasuka kayo!!!" pagkasabi ko nun ay agad akong umakyat sa taas at saka nagkulong sa kwarto ko.

My life always sucks, ang daming nagju-judge sa'kin dahil sa pangarap ko, bawal na ba akong maging owner ng magiging business ko someday? Bawal na ba akong mag-desisyon sa sarili ko? Gosh!

I'm already 19 years old kaya sana naman makapag-desisyon na ako nang walang mga tita at tito ang haharang sa akin.

...

Weeks had passed nang mabalitaan kong may dini-date na pala yung crush kong si Ivan, akala ko ba study first siya? Pero bakit may dini-date siya ngayon?

Ahh baka mayaman yung babae kaya niya dinate.

While me? May kaya sa buhay pero hindi mayaman, kaya marami sigurong mga tao ang hilig sa mga mayayaman at sa magaganda ang mga pananamit. Pero ako? Ang panget ko daw manamit, para daw akong may suot na basahan na tinahi-tahi lang yung damit.

Ang panget din daw ng itsura ko, kaya pala isa akong model. "How's your study, penguin?" napatingin ako sa nagsalita and it was Stevan---my bestfriend.

"O-okay naman" nangunot naman agad yung noo niya nang matitigan niya ko sa mata, "Umiyak ka ba penguin?" agad naman akong umiling at saka umiwas ng tingin.

"You're liar, tignan mo nga yung mata mo oh, umiyak ka" agad naman siyang umupo sa tapat na upuan ko at saka ako hinawakan sa pisngi, bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko.

Teka anong nangyayari?

"Nilait ka na naman ba ng tita mong mukhang shrek?" bigla naman akong natawa sa sinabi niya, "Baliw!" hinampas ko naman siya sa balikat.

"Ayan, ngumiti ka lang penguin, ang ganda-ganda mo pa naman tsk tsk tsk" napairap ako sa pangbobola niya.

"Oo na lang Stevan" tumawa naman siya at saka ginulo yung buhok ko.

----
Author’s note: Hi philos! About this story po, hinaluan ko po siya based on my experience sana po ay magustuhan niyo, enjoy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Webtoon (On going)Where stories live. Discover now