7

4 0 0
                                    


Ang daming himala ang naitala.
Ang paghuli sa maraming isda.
Ang mga may sakit na gumaling sa isang haplos.
Ang tubig na naging alak.
Ang paglalakad at pagtayo sa gitna ng karagatan.
Ang pagpapakain sa limang libong tao.
Ang pagkabuhay muli.

At napakadami pa pero..
Sa tuwing tumitingin ako sayo.
Sa tuwing naririnig ko ang boses mo.
Sa tuwing pinapagaan mo ang aking loob.
Sa tuwing binabanggit mo na mahal mo ako.

Sa mundong puno ng sakit.
Sa mundong puno ng galit.
Sa mundong makasalanan.
Sa mundong magulo.
Sa mundong iilan na lang ang totoo.

Bukod sa kung ano ang meron ako.
Bukod sa mga kaybigan.
Bukod sa aking pamilya.
Bukod sa aking buhay.
"Ikaw ang aking himala."

-L🌙na

"Miracles happen everyday, change your perception of what a miracle is and you'll see them all around you."

-Jon Bon Jovi

12:59 ThoughtsWhere stories live. Discover now