50

76 6 0
                                    

Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko ang gulat sa mga mata ng mga magulang ko nang makita si Enzo sa likod ko.

"M-ma... si Enzo po..." utal na pagpapakilala ko. Naramdaman ko ang lamig sa kamay ni Enzo nang sabihin ko 'yon sa mga magulang ko. "Nanliligaw po saakin."

Parang nabunutan ng tinik ang Mama ko nang sabihin ko 'yon dahil malakas itong napabuntonghininga. Si Papa naman ay nakatingin pa rin sakanya.

"Halikayo, kumain muna tayo." nakangiting aya saamin ni Mama at naglakad na papunta sa dining. Si Papa ay naka-krus ang braso, nakakunot ang noo at mukhanh iniimbestigahan si Enzo.

Nagmano si Enzo kay Mama sabay bigay ng dala niyang pagkain. "Tita, here's your cassava cake po. Belle told me na that's your favorite so I bought one."

Napalawak ang ngiti sa mukha ni Mama nang sabihin 'yon ni Enzo. "Naku, salamat... Enzo! Enzo, diba? Tama ba? Oh, Renzo?"

"Enzo po..." he laughed a little.

"Salamat dito, ha? Ang tagal ko nang hindi nakakatikim nito, si Belle kasi! Ayaw akong pakainin ng matatamis!" sinisi pa ko.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Diabetic si Mama, pero okay na 'yan, minsan lang naman."

Umupo kaming apat sa upuan at nagsimula nang kumain. Hindi pa rin nagsasalita si Papa at nakatingin pa rin kay Enzo.

"Ilang... Ilang linggo ka nang nanliligaw rito kay Ysabel?" tanong ni Papa. Tumigil sa pagkain si Enzo at pinunasan ang bibig gamit ang table napkin..

"Nagsimula lang po ako nung highschool night, Sir. Pero... kilala ko na po si Belle since April 21, 2023." he answered professionally.

April 21, that was the day I confessed my feelings for him.

"Close kayo nitong anak ko? Bakit mo naisipang ligawan siya?" tanong nanaman ni Papa.

Siniko siya ni Mama at pinanlakihan ng mata.

"No, I mean... Seryoso ka na talaga sa anak ko? Kasi ayaw kong nasasaktan 'yan, nag-iisa lang 'yan eh." Papa stated.

"One hundred percent sure, Sir... I have never seen another woman as beautiful as Belle." he looked at me with his soft eyes. "Of all the things in my life that are uncertain, Belle is the only one that is certain."

"Papayagan kita... Kung maiipangako mo saamin ng Mama niyang kahit kailan ay hinding-hindi iiyak ang anak namin sayo." bilin ni Papa kay Enzo.

Enzo held my hand tightly under the table and squeezed it. "Yes po."

"I will never hurt her, sir. I love your daughter very much, she is the only one who showed me true love."

you belong with me Where stories live. Discover now