43

87 7 0
                                    

Sumakay na ako ng kotse at agad nang umalis para hindi ako ma-late sa prom. Excited na ko! Yearly itong ginagawa ng school namin, from grade 7 to grade 12 ang Highschool Night.

Hindi nila ginagawang JSH Prom para lahat ay makasali. Ito ang pinakaantay kong event every school year dahil sobrang saya nito, marami kang makikisayawan at makakapag-bond pa kayo ng friends mo!

"Belle!" sigaw ni Sydney nang makababa ako ng kotse, kararating lang din niya dahil nakita ko ang kotse ni Tita na kakaalis lang. "Excited na ko! Sana'y makasayawan ko yung crush ko sa 12-HUMSS!"

"Excited na rin ako, no! Wala pa si Riela? Si Kieth? Ang tagal naman ng mga 'yon, imbis na makapag-picture pa tayo rito sa labas eh!" tanong ko sakaniya.

Talagang ginawa namin ang hairstyle na napili namin sa sinend na inspo ni Riela. Habang nagpi-picture kaming dalawa ay dumating na si Riela. Ang ganda talaga niya!

"Riela!" sigaw ko at nag-wave. Lumapit naman agad kami sakanya. "Ang tagal mo! Antayin lang natin si Kieth tapos pasok na tayo."

Saaming tatlo, si Riela ang may pinakamabigat na gown. Marami kasing charms sakanya at mabigat ang mga ginamit sa gown niya.

Ako naman ay white ball gown lang, hindi ito tube dahil mayroong naka-connect na mga beads na nakapalibot mula leeg ko hanggang sa braso pero clear ang pinagdikitan. Ang ganda.

"Si Kieth? Kanina pa nasa loob ang lalakeng 'yon! Sinabi niya, chinat ko siya nung papunta na 'ko eh." sabi niya saamin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa lalaking 'yon.

"Tara na!" sabi naman ni Sydney. Halata talagang excited sila dahil highschool night na.

Nakasabayan namin si Enzo sa pinto pero pinauna pa niya kami, bagay sakanya ang black Italian cut suit niya. Naka-white polo rin siya sa loob at may black necktie, sobrang fit pa sakanya ng suit.

"Excited na 'ko sa rigaudon!" sabi ni Riela nang makaupo kami sa table namin, kasama na namin ngayon si Kieth pero kausap pa niya yung ibang tropa niya.

"Ako hindi, hindi ko gusto yung partner ko!" umirap ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong venue at napangiti sa ganda ng pagkakaayos. Ang galing naman ng SGC, sila ang nag-organize nito.

May nakakalat na ring mga videographers at photographers, LED ang backdrop. Magkakahiwalay at magkakaibang size na LED, sky lantern yon at sa gitna o sa pinakamalaking LED ay nakalagay ang logo ng school namin.

"Grabe! Sobrang ganda ng pagkaka-organize nila, no? Look at the sashes, Belle. Balita ko'y SGC din ang may gawa niyan. Ang galing nila compared sa dating mga SGC, no?" sabi saakin ni Riela.

"I agree! Ang ganda sigurong kasama ni Pres, no? I mean, knowing him, ayaw niya sa irresponsible so siguro yun ang reason bakit sobrang hands-on lahat ng officers niya." dagdag ni Sydney.

"Agree naman ako sa mga sinabi niyong dalawa, maganda at maayos ang pagkakagawa ng highschool night natin ngayon. Pero... huwag niyo nang i-compare ang mga bagong SGC Officers sa dati, naging hands-on din naman sila pero iba lang talaga yung ngayon." I smiled.

Nag-simula na ang event at nagsalita na ang mga emcees, napansin kong libot ng libot si Enzo. Pabalik-balik siya sa table nila, lagi siyang pumupunta sa lights and sounds para i-check kung may mali ba.

Sobrang hands on talaga niya, deserve niya ang position na binigay sakanya ng mga students.

you belong with me Where stories live. Discover now