Chapter 1 (Celebration)

Start from the beginning
                                    

Bago sya maupo sa katabi ko ay niyakap nya muna ako ng mahigpit, na naging dahilan na naman ng pagtulo ng luha ko.

"Iyakin ang bebe" pang-aasar nya at natawa nalang ako.

"Natouch kasi ako, love you pogi" saad ko sabay pisil sa pisngi nya.

Inintay ko nalang ang matapos ang closing remarks at ang kanta ng mga nagsipagtapos. Nagpicture muna lahat ng sections at naghintay nalang ako dito sa upuan.

"Papicture na po ate" saad ng lalaking nasa unahan namin kanina, pumayag naman ako. Pumunta kami sa gilid ng stage kung saan napakaganda ng gayak. Matapos iyon ay may anim pang lalaki ang nagpapicture sakin. Ang ku-cute naman ng mga batang ito.

Nakita ko din na andami pang nagpapapicture kay Xyjan na mga babae. Panay tilian ang mga bata.

"Naaalala mo ba ang sarili mo sa kanila? Ganyan ka dati, nagpapapicture ka pa kay Marcus the gangster" biglaang saad ni Zeyschell na nasa gilid ko ngayon. Tiningnan ko sya ng masama.

"Kadiri ka, don't say bad words" tanging saad ko nalang, dahil oo crush ko dati si Marcus nung bata pa ako pero ngayon natatawa nalang ako jusko.

Nagtawa naman ng malala si Zeyschell with matching hampas pa.

"Jusko ka Zeyschell, sakit ha, pwede ka namang magtawa ng hindi ako hinahampas" reklamo ko. Pero mas lalo lang syang tumawa, hay nako nababaliw na naman.

"Uwi na tayo, pagod na ako." Saad ni Xyjan habang nakababa ang dalawang balikat na animo'y pagod na pagod na.

"Low battery na naman ang bebe" pangungulit naman ni Zeyschell.

"Sige, Zeyschell una kana sa bahay. Uwi muna ako samin at para may kasama si Xyjan, wala pa don si nanay eh" pumayag naman si Zeyschell at nauna na.

"Ikaw na magdrive ate" pang-iinis ni Xyjan. Palibhasa hindi kaya ng kamay ko. Pero nagbibiro lang naman sya, pumunta na kami sa parking lot at sumakay na sa motor ni Xyjan.

"Kain muna tayo sa restaurant, nila kuya Von" gusto ko sya ayain, para konting celebration lang kasi proud na proud ako sa kapatid kong ito. Pero ang totoo aayain ko muna syang kumain kasi nagre-ready sila mommy ng surprise para sa kaniya. Andon na din si nanay, hindi ko na isinama si Zeyschell kasi pupunta pa iyon sa mama nya.

"Wag na ate hindi pa naman ako gutom" sagot nya, di pa kasi tapos magluto sila mommy don, pero okay na daw ang surprise. Ilang taon na kasing nagrerequest si Xyjan ng Electric guitar, pinilit ko lang sila mommy na ibili na nila kasi dobrang deserve naman ni Xyjan.

" Dali na kain muna tayo gutom na gutom na ako"

"Sige na" sagot nya at natawa nalang ako.

Ng makapunta kami sa restaurant nila kuya Von ay bumaba na agad ako. Hay nako kung ako kay Xyjan hindi ko aalisin sa leeg ko ang mga medal. Ewan ko ba bakit tinabi nya pa, saya kayang ipagyabang, kimmy.

"Good afternoon kuys Von" bati ko sabay yakap kay kuya. Nakaclose ko si kuya Von dahil anak sya ng dati naming katulong sa bahay na si manang Sylvia. Akalain mo ba naman bigatin na sila ngayon.

Bumati din sa kanila si Xyjan at tuwang tuwa naman sila kuya Von kay Xyjan dahil nga sa mga award na napakadami.

"Kuys Von black coffee sakin no sugar, tsaka lasagna at steak na welldone" request ko kay kuys Von, wala naman tao kundi kami lang kaya pwede ako magkulit.

"Sayo Xy?" Tanong ni kuya kay bebe.

"Yun nalang din po"

Kumain na kami at ng matapos ay agad na nagpaalam. Ililibre sana kami ni kuya Von pero hindi ako pumayag, nagbayad parin ako, nakakahiya aba.

Chineck ko ang phone ko at saktong okay na daw ang lahat ng surprise. Excited na ako sa reaction ni Xyjan lalo na pag nakita nya yung gitarang gusto nya.

Ng makarating na sa bahay ay agad na akong bumaba at pumunta na sa bahay hinintay ko si Xyjan na buksan ang pinto ng bahay.

"Congratulations Xyjan!" Sigaw ng mga tao sa bahay. Kitang kita ko ang pagkabigla ni Xyjan at hindi nya narin napigilang maiyak, lalo na ng makita si mommy agad nya iyong niyakap habang umiiyak. Umiyak na din si mommy. Pumasok na ako at nagmano kila nanay at tatay.

"Manang mana ka talaga sakin" sabi ni tatay habang kumakain na ang lahat. Nakaupo lang ako at hindi na kumain kasi busog pa naman ako.

Naging masaya ang gabi na iyon, napuno ng kwentuhan, tawanan. May paspeech pang naganap jusko. Pero ng mag 8pm na ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat at nagcommute nalang papunta sa condo namin ni Zeyschell. Hindi pa yata sya nakakauwi, dahil sarado pa ang mga ilaw.

Pagpasok ko ng bahay ay agad akong umakyat sa taas para magpahinga na.

Naligo lang ako saglit at ng magbabalak na akong matulog ay biglang nagtunog ang phone ko. Nagnotif, may bagong post si crushiee.

3 taon na akong humahanga sa may ari ng page na "Can'tlie quotes" na mayroong 258k followers dito sa facebook. Lagi syang nagpopost ng mga kung ano anong tula na related sa nangyayari sa buhay nya gamit ang 12 salita.

"Ang mga hiling ko sana ay dinggin, gayon narin ang bawat dalangin." Ayan ang post nya 2 min. ago palang pero may 5k reacts na agad. Lalaki ang may hawak ng accounts pero never pa syang nagface reveal. Pero nakakatuwa dahil may mga araw na ang mga pinopost nya ay nakakarelate ako. Para bang tila parehas kami minsan ng pinagdadaanan.

Nagreact lang ako at nagcomment narin ng "diringgin yan, basta ako ang hilingin mo" natatawa nalang ako sa iniaasta ko pag dating sa kaniya.

Ipinatong ko sa lamesa ko ang cellphone ko at naisipan ng humiga upang matulog pero nagring iyon kaya bumangon ako at sinagot ang tawag.

"Hello, good evening po" bati nya.

-sollunaart-

When Words Collide Where stories live. Discover now