Nag iwas ako ng tingin habang pinipigilan ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko.

Tumikhim ulit ako bago humarap sa kanya at kinuha ang dalawang kamay nya.

I intertwined our fingers.

"Hindi mo rin alam ma'am kung gano kita kagusto.. pero.." napayuko ako nang may maisip na naman ako.

"Hindi ka ba naco-confused lang? I know you're hella straight. Baka.."

She lifted my chin for me to face her.

Nginitian ako nito bago hinamas ang kaliwang muka ko.

"I know what I'm feeling calliopi.. I love you.. yes, at first I was confused. I even deny it a couple of times. I don't know what real love is. Madami na akong naririnig tungkol sa love.. but I just shrug it off. Heck, I don't even want to love someone in the first place. It's a waste of time for me. Not until you came. I always question myself why it has be you. You know that I have high standard calliopi.. and honestly hindi ka pasok don." Napangiwi naman ako.

Takte naman! Ok na sana eh, bat may ganun? Bat hindi ako pasok??? Seryoso ba talaga sya?

"Ang sakit naman non." Napanguso ako pero tinawanan lang ako nito saka ako mabilis hinalikan sa labi na nagpangiti nalang sakin.

Tch. Sige na nga, tanggap ko na basta may kiss.

"Patapusin mo muna ako ok?" Pangiti ngiti akong tumango bago sya nagpatuloy. "But then I realize.. I realize that it's not all about the standards. It's about how you feel to that person. How she make you happy or sad, how she make you care for her, and how she makes you comfortable. And that is why.. I found out what love is. At ikaw yun calliopi.. you make me feel those. Hindi ko alam kung anong minahal ko sayo, pero narealize kong ganun pala ang pag magmahal. Mararamdaman mong mahal mo na ang tao kung palagi mo ng kini-question kung pano at bakit mo sya minahal." She sighed. "I hope you get my point.. what I want to imply is that.. I love you coz I'm blind."

Sa hinahaba haba ng sinabi nya ay nag blanko ang isip ko.

Wait, so mahal nya ako kasi bulag sya? Ha? Bakit naman ganun??

Pinitik nya ang noo ko dahilan para mapadaing ako.

"Gosh, you look dumb. Forget what I said."

Napanguso nalang ako habang hinihimas ang noo ko pero nagulat nalang ako ng nakawan na naman ako nito ng halik.

"Don't pout calliopi, it's too cute that everytime you did that I can't help but wanting to kiss you."

Dahil sa sinabi nya ay mas lalo pa akong ngumuso bagay na ikinatawa nya.

"Well I guess I just have to restrain myself--"

Hindi ko sya pinatapos dahil ako na mismo ang humalik sa kanya.

We kissed passionately.. slow and gentle as we feel ourselves.

Nilagay nya ang dalawang kamay sa ulo ko dahilan para mas lalong dumiin at lumalim ang halikan namin.

We both close our eyes while savoring the warm kiss we shared that only the river and moon are witnessing this unforgetable moment.

"Ay! Jusmeyo marimar!"

Pareho kaming agad na bumitaw sa isa't isa nang marinig namin ang paghiyaw ng kung sino.

Napalingon kami sa tao na yun.

Isang matandang babae pala na may dala dalang walis tambo na batid kong isang cleaner dito sa River Park.

And judging from the look of the old woman, halatang hindi sya makapaniwala sa nakita nya. Para syang nakakita ng multo.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now