Chap 27

180 13 15
                                    


Calli

"Ma'am Vastes" Pagtawag ko.

Hindi agad sya lumingon sakin pero nang dahan dahan syang humarap, isang nakakamatay agad na tingin ang sumalubong sakin.

Mula sa ilaw na nagmumula sa poste, kitang kita ko ang itsura nito na halatang hindi na mapinta sa sobrang galit.

"M-ma'am... bakit.. nandito.." mas lalong sumama ang itsura nito bago dahan dahang naglakad papunta sakin kaya napaatras din ako ng wala sa oras. "pa po kayo.." naidagdag ko ng wala sa sarili habang napapaatras parin.

Nakakatakot ang muka nya ngayon. Parang anytime pwede nya akong saksakin at itapon dito sa ilog.

"STOP MOVING BACKWARD STUPID!"

Nagitla naman ako sa biglang pagsigaw nito kaya automatikong napatigil din ako.

Akala ko susugurin nya ako ng sampal o ano dahil pinaghintay ko sya ng matagal pero ganun nalang ang gulat ko nang paglapit nya sakin ay inamoy amoy nito ang leeg ko pati narin ang suot kong damit.

Tumaas ang tingin nya and this time, isang malamig na tingin na ang ipinukol nya.

"You're with her earlier, aren't you?" Naguluhan naman ako.

"Ha?" Pumikit sya at humugot ng hininga.

"I'm gonna kill this idiot"

May binulong sya na hindi ko naintindihan pero pag dilat ulit ng mata nya ay isang nag-aalab na naman na tingin ang ibinato nya sakin.

"Averi.. you're with her earlier.. right?" Napalunok naman ako bago dahan dahang tumango.

"Opo, magkasama kami."

Dahil sa naging sagot ko ay gumuhit ang disapointment sa muka nya.

"I knew it." Napaiwas sya ng tingin.

"Pasensya na po kayo ma'am.. hindi ko naman alam na.. totohanin nyo talaga yung pakikipagkita sakin--"

"Are you stupid or what?! You think I'm not serious when I said that I want to meet you?!" Napayuko ako. "Tell me, bakit hindi ka pumunta on time? Bakit mas pinili mong sumama sa kanya? Bakit hindi mo sinasagot ang mga messages and calls?! Why? Coz you're busy with her all day and you forgot that there's someone waiting for you to show up?! I told you to come with me and not be late but here you are! God calliopi it's almost half of the night how could you do this to me?!"

Galit na sabi nito na nagpabuntong hininga sakin.

I felt bad kasi naghintay pa sya ng matagal dito at hindi talaga sya umuwi. Pero...

"Hindi ko po sinabing pupunta ako."

Nag angat ako ng tingin at kitang kita ko sa mga mata nya na mas lalo syang nadisapoint.

Tumatango tango sya "So it's my fault then, it's my fault na umasa akong pupunta ka. Na hindi ka sasama sa kanya. It's my fault na naghintay ako ng almost 8 hours at hindi umuwi kasi hindi ka pa dumarating. But calliopi.. sana man lang hindi mo nakalimutang tingnan ang phone mo para man lang i-update kung dumating ba talaga ako dito. Sana nag text ka at gumawa ka ng maraming rason na hindi ka talaga makakapunta para tigilan nalang din kita."

Napaiwas ako ng tingin.

Mas lalo akong nakaramdam ng konsensya.

May kasalanan din talaga ako. Ni hindi ko man lang natingnan ang mga messages at calls nya.

"Tatanggapin ko po yung galit nyo sakin. Pasensya na kayo ma'am.."

"Forget that." Napatingin ulit ako sa kanya. "I just wanted to say.. stop avoiding me."

Never ThoughtWhere stories live. Discover now