Chapter 20

328 17 0
                                    

Calliopi

Nakangiti akong naglalakad ngayon kasama si Ma'am Vastes.

Yup, si ma'am vastes.

Nasurpresa talaga ako nang makita ko sya kagabi at ganun rin naman sya. Grabe, hindi talaga ako makapaniwala na isa sya sa mga apo ni Don Enricko at talagang nagkita pa kami sa hindi inaasahang pangyayari. Is it a destiny? Chorr, destiny amp.

Pero yun nga, hindi ko inaasahan na makita sya dito at lolo rin pala nya si Don Enricko. Nakita ko naman na yung picture nilang magpamilya pero wala ang lolo nya don.

Nong makita ko sya kagabi agad ko syang tinawag at masaya pang lumapit sa kanya na ipinagtataka ng lahat. She looks surprised nang makita ako and after that encounter, sinabi nya na mag-usap nalang kami kinabukasan which is now.

Hehe, kala nya malilimutan ko yung sinabi nya ha.

Maaga palang kasi sumama na agad ako kay dad papunta sa mansion at pagdating ko dito ang una ko kaagad na hinanap ay si Ma'am Vastes na natutulog pa pala. Inaya kami ni don enricko kasama ang kamag anak nya tapos nagpakilala naman ako sa kanila at sinabing student ako ni ma'am vastes, timing naman at bumaba si ma'am at sinaluhan kami kanina sa hapag kainan. 

"Ma'am kaya po pala kayo maganda kasi maganda rin po ang mommy nyo, hehe." Pagsisimula ko ng kwento.

Yung may edad na babae pala na nakita ko kagabi ay ang mommy ni ma'am, while yung lalaki naman na gwapo ay kuya nya.

"Pati kuya nyo ma'am, ang gwapooo." Medyo may kilig kong sabi.

Eh ang gwapo naman kasi! Sayang di ako straight.

Nawala ang ngiti ko sa labi nang tumigil sa paglalakad si ma'am at tiningnan ako ng matalim.

"Bakit po?" Tanong ko na ikinaikot ng mata nya. "Nevermind" nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.

"So this is the place that you talked about huh?" Napatango tango ako.

"Opo ma'am, ang ganda po pala dito sa place ni Don Enricko. Parang paraiso at maaliwalas pa." Sagot ko habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

"Agree, but as much as I wanted to visit this place especially grandpa, paminsan minsan lang ako nakakapunta dahil sa busy sched." Napatango ulit ako.

"Bakit hindi nyo po subukang mag day off ng mga ilang days para bumisita dito?" She look at me deadpan.

"It's not easy so shut up." Napakamot nalang ako. "Parang nagsu-suggest lang eh, nga po pala ma'am, nabanggit po ni Don Enricko kung gaano nya po kayo na-miss lahat. Nalulungkot nga po ako kasi parang ang lungkot nya, syempre kayo ba namang walang kasama at walang masyadong bumibisitang pamilya malulungkot ka talaga. Pero nawala po yung lungkot nya nang dumating kayo." Huminto si ma'am at umupo sa buhanginan malapit sa may puno at umupo naman ako katabi nya.

"Wala talagang masyadong bumibisita kay grandpa unless kung banggitin niya ang tungkol sa mana." Napatingin agad ako kay Ma'am. "Ako at si Mom lang ang bumibisita sa kanya kapag may mga oras kami, but our other relatives.. I don't know, I know we have different lives and we are busy dealing of it but they forgot visiting the old man even if they know that he is sick. Pumupunta lang sila kapag sa oras na binabanggit ni grandpa ang tungkol sa plano nyang pagbibigay ng mana. Actually kailangan pang banggitin ni grandpa yun para lang makapunta sila eh. And when they do, they got bored hearing his repeatable statement and as a result, umaalis agad sila." Ma'am sighed as shake her head. "They are bunch of hypocrites. Ngayon nga na kinontak namin sila ni mommy na pumunta sa birthday nya, hindi man lang pinansin ang imbitasyon. I mean, I get it that some of them suffer from my grandpa's hands before but can't they just at least attend even once on his special day?" Nakita ko namang ikinuyom nito ang kamao. Ramdam ko ang galit nito.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now