Kabanata 28: Pagkatakot

145 2 0
                                    

Naibalita sa pahayagang El Grito ang nagkatotoong hula ni Ben Zayb na makakasama ang ang pag-aaral sa Kapuluan ng Pilipinas.

Ang balita tungkol sa pagkuha ng mga paskin sa pinto ng Pamantasan ay ikinatakot ng mga Intsik maging ang Heneral. Maging ang mga prayle na pumupunta sa tindahan ni Quiroga ay hindi nagsiputan. Malas naman si Quiroga dahil napataong natanggap niya ang bagong bahay.

Nagtungo ito sa bahay ni Simoun dahil sa pag-aakalang iyon na ang oras upang gamitin ang mga armas na nasa kaniyang bodega. Ngunit ayaw makipagkita ni Simoun kaninuman. Sunod itong pumunta kay Don Custodio upang itanong kung dapat ba nitong balutihan ang kaniyang tindahan.

Katulad ni Simoun, ayaw ding makipagkita ni Don Custodio kahit kanino. Pinili nitong tumuloy sa bahay ni Ben Zayb upang doon makibalita. Dinatnan niya itong nakabaluti mula ulo hanggang paa, at ang ginagamit na pabigat sa mga papel ay dalawang rebolber.

Dali-dali itong umuwi, nahiga at nagdahilang maysakit. Patuloy parin sa pagkalat ang balitang magtutulong ang mga mag-aaral at ang mga tulisan. May mga kumakalat ding nagtungo sa Malakanyang ang mag-aaral upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila.

Ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan Tiago na may ilang nag-uudyok sa Heneral na barilin ang ilan upang bigyan ng aral ang mga binata. Ang pagkahuli kay Basilio at ang pagkahalughog sa mga akalat at papel nito ay lalong nagpalubha kay Kapitan Tiago.

Samut’saring patayan ang nangyari dahil sa maling akala. Marami ang pinagkamalan at pinaghinalaan. Nagkaroon ng usapin kung sino ang may kagagawan ng mga paskin.

Ayon sa platero’y si Padre Salvi ang may kagagawan. Para naman sa iba ay si Quiroga ang may gawa.

Kinabukasan, habang naglalakad ay may natagpuang bangkay na babae si Ben Zayb sa Luneta.

Talasalitaan:

Paskin – isang limbag na tumutuligsa sa pamahalaan

Prayle – pari

Nagsiputan – nagdatingan bigla

Tagapamahala – nangangalaga,

Palatuntunan – schedule, program

Naghihingalo – nag-aagaw buhay

Tulisan – rebelde

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now