Kabanata 7: Si Simoun

274 2 0
                                    

Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig na mga yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan. Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na mag-aalahas. Inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay.

Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing tatlong taon na ang nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay Elias.

Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay. Nagpakikila si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya’t siya naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun.

Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.

Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil.

Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di pagkakaunawaan. Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio. Aniya ang Kastila ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan.

Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang wikang Kastila ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito.

Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang planong paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Kastila. Ngunit hindi pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na walang katapusan ang karunungan. Ang galing ng tao ang siyang magiging paraan upang maging malaya ang lahat ng tao.

Talasalitaan:

Yabag – tunog ng lakad

Nagulintang – nagulat, nabigla

Pagpawi – pagalis

Naniniil – nang-aapi

Hahantong – darating

Taliwas – kabaliktaran, hindi pagsunod

Paghihimagsik – pagsuway, pagrerebelde

Pinaunlakan – pinayagan

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now