Kabanata 11: Sa Los Baños

234 2 0
                                    

Pumunta ang Kapitan Heneral sa Busobuso upang mangaso kasama ang banda ng musiko. Ngunit wala itong nahuli kaya ipinag-utos din na bumalik sa Los Baños.

Naglaro si Kapitan Heneral kasama sina Padre Irene, Padre Sibyla, at Padre Camorra ng tresilyo. Sinadyang magpatalo ng dalawang pari upang mabigyang kasiyahan ang heneral, habang galit naman si Padre Camorra.

Hindi lingid sa kaalaman ni Padre Camorra ang sadyang pagpapatalo ng dalawa ay para sa akademya ng wikang Kastila na nais ipatayo ng mga mag-aaral. Nagkaroon ng talakayan at pagtatalo tungkol dito ang mga prayle at si Simoun.

Sumang-ayon din ang Kapitan Heneral na palayain si Tandang Selo.

Talasalitaan:

Mangaso – manghuli

Tresilyo – sugal gamit ang braha

Lingid – lihim, sikreto

Talakayan – pagtuturo ng isang leksion

Prayle – pari

EL FILIBUSTERISMOWhere stories live. Discover now