Chapter 1

1 1 0
                                    

Kakatapos ko lang maglinis at masaya akong tiningnan ang aking kwarto na maaliwalas at mabango. Wala na akong nakikita na alikabok at mga papel na tinapon ko sa ilalim ng kama. Pinalitan ko rin ang bed sheet at punda ng aking unan na maraming tulo ng laway.

Wala kaming sariling kasambahay na maglilinis sa bahay dahil hindi kami mayaman. May kaya lang kami iyong kaya namin kumain sa araw-araw, mabili kung anong gusto namin at makapag-aral kaso hindi ako nakapag-aral ng college dahil kailangan kong bantayan ang kapatid ko.

Si Papa ay nagtatrabaho bilang bus driver at si Mama naman ay nagtatrabaho sa isang shop kaya walang magbabantay sa kapatid ko at maghahatid sa kanya sa school.

“Heaven, sunduin mo na ang kapatid mo." sigaw ni mama mula sa kusina.

Day off niya ngayon sa trabaho at nagluluto siya ng hapunan namin. Ako rin ang magsusundo kay Joseff sa school kapag may pasok siya.

“Opo, mama!" sagot ko.

Kahit minsan ay tinamad akong sunduin ang kapatid ko ginawa ko pa rin dahil utos ni Mama at hindi ko rin hahayaan na umuwi ng mag-isa si Joseff.

Christ Joseff is a six-year-old boy. Hindi pa niya kayang umuwi ng mag-isa, maglakad at tumawid sa kalsada.

Palabas na ako ng bahay habang nagtatali pa ng buhok na basa kasi kakatapos ko lang maligo. Naglakad lang ako papunta sa school nila Joseff dahil malapit lang naman sa amin. Nakarating na ako at hinintay ko lang siya dito sa harap ng gate kung saan naghihintay ang mga magulang ng mga bata.

“Ate…” tawag sa akin ni Joseff.

Nakangiti siyang tumatakbo patungo sa akin halos mawala na ‘yong mata niya. Masaya siya kapag nakikita niyang ako ang sumundo sa kanya.

Umupo ako para salubungin siya ng yakap.

“Amoy pawis ka na naman, Joseff." mabilis akong kumalas sa kanya nang maamoy ko ang pawis niya.

Tumayo ako at kinuha ko na ang bag niya tapos nilagyan ng towel ang likod niya. Napatigil ako sa ginawa ko nang may umiyak na bata dahil nadapa. Tiningnan ko siya binuhat siya ng lalaki at nagkatinginan pa kaming dalawa.

Ang gwapo naman. Mas lalo siyang gumagwapo sa suot niyang black shirt at jogger pants.

“Hindi tapa tapos, ate?”

Ipinagpatuloy ko ang paglagay ng towel sa likod niya.

“Tapos na po."

Umalis na kami at hinawakan ko siya ng maagi sa kamay.

“Ate, dusto ko magyayo sa ayaya." masigla niyang sabi.

“Joseff, gusto hindi dusto, maglaro hindi magyayo, at ayala hindi ayaya.” pagtatama ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Imbes na umuwi na kami ay sinunod ko ang gusto niya. Nakarating kami sa ayala at pinalaro ko siya sa Kids Paradise ng isang oras. Medyo nagulat pa ako dahil nakasabay pa namin yung lalaki at bata na nadapa kanina sa school.

Hinayaan kong maglaro si Joseff sa loob at nakaupo lang ako sa labas. Tumabi sa akin yung lalaki kanina.

Gusto ko sanang i-text si Mama kaso naiwan ko ang phone sa bahay kaya wala akong nagawa kundi manood na lang kay Joseff na masayang naglalaro sa loob. Masaya na ako na makitang napasaya ko ang kapatid ko sa ganitong bagay.

“Is he your brother?” tanong ng lalaki.

Lumingon ako sa kanya at nagkatitigan kaming dalawa.

SerialGhoster

When She Said GoodbyeWhere stories live. Discover now