Nagulat ako sa mga lumabas sa bag ko. Excuse me lang, di ako magnanakaw noh. Tss Tss Panay ang pagtanggi ko sa guard kase wala.naman talaga akong kinuha. Pero ayaw maniwala ng guard.
Tumigil ako ng pakikipagtalo sa
guard at lumingon ako sa direksyon kung saan nakaupo ang Master kong Psycho kung saan walang humpay na tawa ng tawa.
Tiningan ko sya ng masama at
sinabi "Patay ka saken!!!!"
"Mabuti pa sumama ka na lang sa main office at dun ka na lang magpaliwanag." sabi nung guard habang hinihigit nya ako papuntang main office daw.
Pilit kong pinipigilan yung guard sa paghigit nya saken. Tumingin ako sa Master kong Baliw at doon nakita ko sya habang naka-baby face at nagwawave ng kamay na nagsasabing "bye bye !"
Naiinis ako kasi alam kong sya ang may gawa ng lahat ng ka-engotang ito. Papatayin ko agad sya pag nakita ko sya sa Campus bukas.
Dinala na ako ng guard sa Office nila at doon nag explain at speech ng bonggang bongga. Noong una ayaw nilang maniwala pero nung huli naniwala na, kasi nakita sa CCT. Si James nga. Nakita sa CCTV Ang ginawa nya sa bag ko. Kaya pala nagtatago sya sa likod ko.
Wilcreast Academy
Jennica Louise Martin's POV
Uhm. Sa wakas. Nandito na rin ako sa school kung nasaan ag boyfriend ko. Hinahanap ko sya pero hindi ko makita. Minabuti ko munang umupo sa bench at nagpahinga.
Medyo Out of Place ako kasi wala pa akong kakilal kasi nga ngayon lang ako pumasok kasi nga exchange student.
Ma. Katarina Lazaro's POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa Cafetiria kasama yung classmate ko. Bumili na lang ako ng strawberry Juice. Nagpahinga muna ako ng konti tapos nauna na akong bumalik sa classroom dala yung binili kong Juice.
Palabas na.ko ng Cafetiria ng biglang mabangga ko si James. Hindi ko inasahan pero nabangga nya ko at nabangga ko sya.
Nagulat ako at nagulat din sya. Di agad nag sink in sa utak ko ang mga pangyayare.
"Hoooy!!!! Bumalik ka dito. Patayin kita ng buhay !!!!!!!!"sabi ko habang hinahabol sya kasi tumakbo sya palayo saken.
Noon ako hinahabol pero ngayon ako na nanghahabol. Haaay. Ang hirap pala manghbol. Nakaka-huggard pala. Hahaha.
"hoy! Bumalik ka dito !!"sabi ko habang takbo ng takbo.
"In your face !!" sabi ng Master kong Psycho sabay dinilaan nya lang ako at tumakbo na sya palayo.
"James !!!!" hinahabol ko parin sya hanggang sa makarating kami ng gymnasium at doon may babaeng nagulat at sumigaw pagkadaan ni Master sa harapan nya.
"James !!!! " gulat na pagsigaw nung babae.
Takbo ako ng takbo at doon nakita ko ung babae kanina. Bigla syang napalingon saken at ikinagulat ko ito.
BAM!!!!!!!!!!!
Nagcollide ang dalawang magandang nilalang. Hahaha Joke.
Nabangga ko si Ms. at di lang yon.
Natapunan pa ng juice na dala ko. Patay na naman ako.
Bakit ba kapag natakbo ako lagi na lang may nababangga? Tss Tss
Napaupo ako sa sahig pagkatapos ng mga pangyayare. Nagulat sya sa nangyare kasi natapunan ng juice ang damit nito.
"Uwaaaaaaaa.. Anong ginawa mo!! whaaaaaaa !!!!!!!! " sabi nung babae sabay linapitan nya ako at sinabong na para bang manok na walang kalaban laban.
"Anoo ba!! Wag! Tama na !! Wag .!!" pagmaMakaawa ko sa kanya habang umiiyak kasi nasasaktan na ako.
James Wilcreast's POV
Tatakbo na sana ako palayo pero nakita ko ang slave ko na binangga ang babaeng nakatayo sa harap nya. Natapunan pa ng juice.
Kaya ayun nabugbog ng wala sa
oras. Kaya wala akong nagawa kundi bumalik sa lugar kung saan dinidikdik na dya sa sahig nung babaeng kaaway nya.
"Hey!!! Stop that. Tama na yan!!" sabi ko habang pinipigilan silang dalawa.
Pinipigilan ko silang dalawa sa pagtatlo nila habang nakatingin ako kay slave na para bang natatawa na di maintindihan.
"JAMES ??!!" sabi nung babaeng kaaway ni Slave.
Nagulat ako sa narinig ko. Di ko inaasahan pero nagulat ako kaya lumingon ako sa likod at doon nakita ko.
"JENNY ??!!!!!"
YOU ARE READING
I'm Your Slave
Teen FictionPaano kung isang araw makatagpo ka ng lalaking may sayad ang utak? Psycho in short. Paano kung Magiging Alipin ka ng isang Tao na katulad nya. Ano kayang mangyayari sayo? Mahirap ka na nga, pinapahirapan ka pa. Panget ka na nga, pinapapanget ka pa g...
Chain 24
Start from the beginning
