2

3 2 0
                                    

Reese

"Atee.." hinawakan ako sa balikat ni Raziela at pina inom ng tubig. Tumingin ako kay Roxanne ngayon ay nakatingin rin sa akin habang umiiyak.

"Mga anak, hindi dapat kayo nag aaway away. Maaring may mga bagay na hindi niyo alam at di niyo kayang mainitindihan sa ngayon lalo na sa sitwasyon ng ate niyo. Magkakapatid kayo dapat kayo nag mamahalan at nagka kaunawaan.." mahinahong saad ni Mama habang pinapa upo si Roxanne.

"Itatak mo yan sa utak mo Roxanne, habang tumatagal tinutubuan kana ng sungay dahil jan sa barkada mo!" Inis na sabi ni Rhea at tumayo niligpit ang kinainan.

"Akyat na po ako Mang at Ate, salamat po sa hapunan." paalam ni Rhea samin.

Tumayo si Beboy at niyakap si Roxanne na umiiyak. Ano bang nangyayari sakanya ngayon lang siya nagsalita ng ganoon saakin.

Oo ngat nag babangayan sila ni Rhea pero kahit kailan hindi ako dinuro ng kapatid ko o pagsalitaan ng masama.

Natapos kaming lahat kumain at si Beboy naka akap padin sa Ate nya.

"Ate ganda, wag kana iyak po. May pageant ka pa po sasalihan tige ka po mababawasan yang ganda niyo." mahinang saad ni Beboy .

"Lakas mo mambolang bata ka, di nako iiyak. Ayaw ko maging pangit no maging kamukha ko pa si Rhea." natatawang sabi ni Rox

"E? Pano yun kamukha naman po talaga kayo?" kinurot ang pisngi ni Beboy. Pinanuod ko silang mag kulitan at huminga ng malalim.

"Rox pwede ba tayong mag usap?" putol ko sa masaya nilang usapan. Tumingin ito sakin at tumango.

" Goodnight mga ate kung magaganda, tweetdreams." kanda ugagang sabi nito. Bulol sa S nitong saad.

Ewan ko at lage nalamang ilag saakin si Beboy. Nang mag bagong taon ngayong taon ay hindi na ito masyadong lumalapit at nakikipag kwentohan.

"Pasensyahan mo na kung nasampal kita kanina. May problema kaba Roxanne, mag sabi ka sakin." hinaplos ko ang buhok nito niyakap staka ito humagulgol ng iyak.

"Kasi naman Ate, naiinis ako at naiinggit. Nakita ko sa balita na dumating na sila. Parang ang saya saya nila tapos tayo nag hihirap. Hindi ko matanggap..." Hagulgol nitong sumbong sakin kaya naman hinigpitan ko ang yakap sakanya.

"Tas alam mo ba ate nag transfer si Remi sa pinapasokan namin. Lahat ng gamit niya branded staka si Khalib nilalapitan niya. Lahat nalang inaagaw nila at kinukuha. Gusto ko sumali sa pageant ate para ipamukha ko na mas angat tayo sakanila mas magaling at maganda."

"Shhhh...hindi natin kailangang mainggit sakanila. Masaya tayo at magpasalamat tayo sa kung anong meron satin hindi natin kailangag ipakita kung sino ang mas angat. Ang mahalaga makapagtapos kayo ng kolehiyo magkakapatid at hahanap ako ng paraan para sa pageant mo. Mag enjoy kalang wag mo isiping gumanti sa kapwa...naiintindihan mo ba ako." pagpapaliwanag ko sakanya. Tumango ito at ngumiti staka nagpa alam na matutulog na.

Alam kung matigas ang ulo ni Roxanne at alam ko kung ano man ang sinabi ko o ni Mama hinding hindi niya susundin. Napabuntong hininga nalamang ako.

Ngayong araw ang huling pasok namin sa karenderya. Parehas nang nag daang araw di gaano karami ang tao. Umupo muna ako sa kilid ng counter upang mag hintay ng panibagong costumer na darating.

Napatayo ako ng may apat na kalalakihang dumating. Puro naka ngisi ang mga ito at halata mong may karangyaan sa buhay dahil sa pananamit nila. Umupo ito at nag taas ng kamay ang isa.

"Reese ako ng kukuha ng order ni--aray!" daing ni Paula ng batukan siya ni Madam Ivy.

" Heh! Hindi mo trabaho ang trabaho ni Reese. Dun ka sa kusina at mag hugas ng pinggan." striktang saad ni Madam Ivy na siya namang ikinasimangot ni Paula at staka ito pumunta sa kusina.

"Magandang umaga po sir, ano pong order niyo?" magalang na sabi ko at ngumiti.

"Uy diba ikaw yun! hahaha"

"Hi.. Menudo at adobo miss, tapos kanin narin tig iisa kami, softdrinks narin para saming apat yung in can sana na Sprite. Salamat." maligalig na saad ng nakaputing lalaki at tinignan ako. Nagulat pa ito ng makita ako.

"Okay sir apat na serve ng menudo, adobo, kanin, at in can na Sprite, yun lang po ba?" Ngiting sabi ko at tinignan silang apat.

Halos manlamig ako ng dumapo ang tingin ko sa lalaking naka royal blue at ngising nakatingin sakin. Mapaglaro ang kanyang tingin na kala mo hinuhubaran na ako.

"Anong pangalan mo?" tanong ng insik sa kaliwa. Tinignan ako nito ulo hanggang paa at nag isip.

"Yun lang po ba ang order niyo? Babalik po ako 1-2 minutes sir darating po dito ang order niyo." sabi ko at inignora ang pag hingi nito ng pangalan ko.

Marami ng turista ang nang hingi ng number at pangalan ko. Iba't ibang pangalan ang ginagamit ko dahil iyon ang sabi ni Madam Ivy saakin.

"Excuse me Sir, here's your order." Ngiting balik ko sa table nila aalis na sana ako ng mag salita ang lalaking naka royal blue na damit.

"Did we meet before? You look kinda familiar?" Kunot noong saad nito. Napalunok ako at kinagat ang loob ng pisnge ko. At ngumiting binalingan siya ng tingin.

"Pasensya na po, pero ngayon ko lang kayo nakita. Baka ho kamukha ko iyon." mahinahon kung sabi at tumayo ng matuwid sa harap nila.

"Anong pangalan mo?" Ulit niyang tarong

" Ahhss..Saya po, Saya po ang pangalan ko." pagsisinungaling ko dito. Tinignan nito ang gilid ng mukha ko malapit sa tenga, dali dali kung iniwas ang mukha at nag mamadaling umalis sa harap nila.

Akala ko ba nasa ibang bansa siya? Anong ginagawa niya dito sa Cebu? Ilang taon naba ng nakalipas at ni hindi niya man lang ako mamukhaan ng maayos. Sa bagay sa rami ba naman ng babae nun hindi na ako magtataka pero kasama niya ba si Simon?


itsmee_AGEB

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just One Night  Mistake (Del Altamura Sestra #1)Where stories live. Discover now