AT YOUR WORST

440 31 4
                                    

FB_MAIN_STORIES

AT YOUR WORST

Chapter18:

*Nagpaalaman na si alex at natasha para bumalik na sa kani kanilang room..pero malalim parin ang iniisip ni natasha..*
Natasha: bakit parang galit sa akin si katherine ni hindi man lang nya ako kanina tiningnan..."saan kaya sya galing"(bulong nya sa sarili.)
*kinahapunan ay sinundo sya ng tatay nya dumaan sya sa room ni katherine pero wala na eto roon hinanap ulit nya sa kung saan saan wla rin eto maski sa parking lot ng school ay wala na naalala nyang sabi ni katherine ay naghire ang dad neto ng bodyguards..*
Natasha: kung andito pa sya dapat may mga bodyguards pa dito pero mukhang wla na eh so wala na din sya umalis na.(sabi nya sa sarili.nalungkot si natasha..)
Natasha:"sa isang banda napakalambing..sa isang banda ubod ng sumpungin..napakarami naman nyang hindi sinasabi sakin...pakiramdam ko tuloy ibang tao parin ako sa kanya..girlfriend kaya turing nya sakin bakit parang hindi naman ako parte ng mga problema at pang araw araw nya..bakit may sarili syang mundo..kung girlfriend nya ako bakit ni hindi man lang kami nagkikita dito sa school o kahit magsabay kumain man lang..iisipin ba ng mga estudyante dito na magsyota sila eh pareho silang babae..pwede ko naman sabhin na anak ako ng empleyado nila kung naiilang sya...gusto ko lang tlga sya makita at makasama dito sa school...bakit nya pa ako sinabihan kagabi na pumasok kami pareho at magkita nalang dito sa school kung di rin lang naman yun ang mangyayari"(nalulungkot na nagtungo na sa minamaneho ng tatay nya si natasha) *.pagkauwi nya ay andon parin sa higaan nya ang mga damit ni katherine..naligo muna sya at nagbalik ulit sa higaan ska humiga amoy na amoy parin nya ang mababangong damit na andoon..napapaluha na nman sya.*
Natasha: ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ba ako nagkakaganito?simula ng pumasok ako sa university na yun hindi na natahimik ang buhay ko...gumulo ang mundo ko...pati puso kong nananahimik lang naman minsan sobrang saya minsan malungkot...ang lahat ng yan ay dahil lang sa iisang tao...kasalanan mo din to natasha..nakipagsiksikan ka kasi sa mga nagkakagulo kay katherine...di kalang nakipagsiksikan sumingit kapa sa unahan...yan ang napapala ng mga sumisingit masyadong nafafall..pero hindi ko naman iyon pinagsisihan kasi ginantihan naman iyon ni katherine..sobra sobra pa...(pero ngyon ano ang nangyayari sa kanila)

*Nakatulog si natasha na hindi nakapaghapunan..ilang beses na kumatok yung tatay nya ay hindi na nya eto narinig...kinabukasan pagpasok nya sa school ay doon agad sya dumiretso sa room ni katherine pero hindi daw eto pumasok...nanlumo si natasha...si katherine lang ang dahilan kung bakit sobra syang sipag sa pagpasok araw araw..inspired na inspired sya sa mga lesson kasi nsa campus na eto ang crush at mahal nya...pero ngyon wla eto ni hindi neto sinasagot ang mga tawag nya ni hindi nga din siniseen ang mga message nya...kinahapunan papunta na sya sa minamanehuan ng tatay nya ay nakita nya si alex tumatakbo at himahangos eto papunta sa kanya.*
Alex: natasha..ahhm may sundo kaba?(tanong neto.)
Natasha: yes alex..yung tatay ko sinusundo nya ako gamit yung sskyan ng amo nya..(sagot nman nya.)
Alex: ihahatid sana kita sa inyo.
Natasha: hindi na alex..andyan na ang tatay ko.
*Sinamahan sya ni alex papunta sa sasakyan*
Alex: hello po sir..remember me po im alex...minsan napo ako nagpunta sa inyo
Tatay: ah oo iho  nakikilala kita
Alex: salamat naman po kung ganon..magiging manugang nyo po kasi ako balang araw kaya sana po tandaan nyo na ako mula ngyon.(pagbibiro neto na hindi kinatuwa ni natasha na ikinatawa naman ng tatay nya.)
Tatay: ahahaha...abay maswerte ka kapag ka nagkaganun iho kasi di naman sa pagaano ayaw naman magpaligaw ng anak ko na yan ikaw palang ang pinapayagan nyan na mapadikit sa kanya.(sabi pa ng tatay nya na ikinagulat nya.)
Natasha: pinayagan na mapadikit??(sa isip isp nya).pinayagan ko ba tlga si alex na mapadikit sakin? isa pa binusted ko naman na sya at gusto nalang maging kaibigan...sabi ng mga kaibigan ko wala naman masama kung makikipagkaibigan si alex...pero hindi ko naman pinapayagan na mapadikit sakin.
Alex: ahh sir total po ayaw po sumabay sakin si natasha sa kotse ko baka po pwede po sumama sa bahay nyo..maihatid ko man lng sya.
Tatay: aba'y kung papayag ba iyang anak ko eh..
*pero hindi na nagpaalam si alex basta nalang eto pumasok ng kotse...sa likuran sila pareho...hindi nagsasalita si natasha kasi hindi nya gusto ang mga nangyayari...madilim na ng makarating sila sa bahay nila kasi makulit si alex marami silang dinaanan bumili ng flowers chocolates at kakainin ngyong gabi..at doon pa yata makikikain sa kanila*

*Bumaba na si natasha sa kotse hinayaan nya si alex na magbitbit ng mga pinamili nya total naman sobra sobra ang pang-aabala neto sa kanila imbes na maaga silang nakauwi at nakapagpahinga mag-ama..aanhin naman nya ang chocolate at flowers...medyo natigilan sila ng tatay gary nya ng maliwanag sa loob ng bahay nya...kaya't bumalik si tatay gary sa sasakyan para kumuha ng selfdefense at dahan dahan binuksan ang pinto...pero nagulat sila pare pareho ng naghahain ng pagkain si katherine sa lamesa..*
Tatay: se-señorita??ano po ang ginagawa mo rito?
*Napatitig naman sa kanya si katherine at napalipat kay alex...ska sa mga dala neto.*
Katherine: nagutom po kasi ako sa bahay..naisip ko na pumunta dito kasi gusto ko po kayo kasalong kumain...pero mukhang magkakaron po tayo ng dagdag kasalo..(sabi pa nito na pilit ang ngiti..)
Tatay: ah señorita kaibigan po ni natasha gusto kasi nya ihatid si natasha kaya sumabay na sya samin at iniwan sa school yung sasakyan nya.(paliwanag ni tatay gary.)
*tumango tango lang si katherine na napapasulyap sa kanya...itinuloy na neto ang paghahain..at pumunta narin si alex sa kusina para kumha ng mga plato para narin sa dala nyang pagkain...maya maya ay naupo na sila pare pareho kagaya ng nakasanayan ni alex ay kay natasha sya tumabi na ikinailang naman ni natasha dahil nakatitig na si katherine...nilagyan nya ng pagkain ang plato ni katherine ngunit hindi eto umiimik...kukuha sana sya ng niluto ni katherine pero nilagyan na sya ng pagkain ni alex..*
Alex: tikman mo muna to tash alam mo favorite kong restaurant yung binilhan natin nito ...ikaw palang ang makakatikim ng kinakain ko sa favorite restaurant ko.
*Tatanggi sana si natasha pero nilagyan na ni alex ang plato nya...napatingin sya kay katherine..namumula ang mukha neto na parang nagpipigil ng galit.*
Natasha: a-alex allergy kasi ako sa shrimp..kaya please wag mo na lagyan ang plato ko..(sabi nya na nakatingin kay katherine)
Alex: ganun ba..ay sorry...(at kinuha non yung plato nya at ipinalit yung sa kay alex...at nilagyan sya ng bacon lasagna pepper )
Alex: ayan sure ako na hindi kana maallergy jan wla na yan seafood tikman mo..(nagulat sya ng akmang susubuan sana sya.)
*.sa harap pa mismo ng tatay nya??
Lalong lalo na sa harap pa ng taong pinakamamahal nya??ng biglang tumayo si katberine..*
Katherine:"excuse me"at lumabas ng pinto

*Sinundan agad eto ni natasha..naglalakad eto papalabas ng kahoy na gate nila natasha..
Ng maabutan nya eto ay niyakap nya eto ng mahigpit sa likod..*
Natasha: katherine please dont go...
(Nakita nyang nagpupunas eto ng pisngi at mukha.)
Natasha: I'm sorry katherine..I'm really sorry.(humarap eto sa kanya)
Katherine: sorry for what natasha? na nagdala ka ng lalaki rito sa bahay mo? Na pinagmukha mo akong tanga? ilang beses na natasha...dipa rin ba kayo tapos kahapon...alin ba ang mas matagal na conversasion sa inyo o sa atin...(sabi pa neto na pulang pula ang labi dahil nangingilid ang mga luha sa mata.)
Natasha: katherine kaibigan ko lng si alex-..
Katherine: nang p**tang*nang kaibigan yan!!may kaibigan ba na nagdadala ng mga chocolates at bulaklak?? matalino tayo pareho natasha pero wag mo akong gawing tanga para sang-ayunan ka na kaibigan mo lng sya..dahil kahit ikaw alam mo kung bakit ka niya binibigyan ng bulaklak...at kung hindi mo tlga gusto dapat diba hindi mo tatanggapin..e ano yang ginagawa mo..halos kulang nalang ipaframe mo ang bulaklak na bigay sayo ng alex na yan..yung totoo kung may feeling kaba sa kanya o kayo..bka kasi laro laro lang para sayo yung sa atin eh..sabhin mo nalang para malinaw para sakin..(tumulo na ang luha neto..)
*sapo sapo neto ang kaliwang dibdib at tumalikod..hindi sya makapagsalita at makasagot sa sunod sunod na tanong neto..ni hindi rin nya namalayan na natawag na pla neto ang driver at nakaalis na.*

*******************************************

"Masakit makita na ang taong pinaka mamahal mo ay minamahal din ng iba...
Gustuhin mo mang ipaglaban ang pagmamahalan nyo,ngunit paano?
Paano mo ipaglalaban ang mahal mo kung kayo lang ang nakakaalam nito?
Paano mo aangkinin ang sa iyo kung hindi mo maipagsigawan ang magmamahalan nyo?
Hanggang kailan mo ito kayang itago,hanggang sa huli na ang lahat???"

Please follow my fb account and dont forget to like and comment your thoughts for this chapter 😊 ☺️ 🙂

*Shei lie

At Your Worst Where stories live. Discover now