AT YOUR WORST

462 30 2
                                    

FB_MAIN_STORIES

AT YOUR WORST

Chapter17:

*Nakatulugan nalang ni natasha ang pag iyak dahil sa pangungulila kay katherine..hindi narin sya nagawang istorbohin ng ama at inisip neto na bka napagod sya ng husto...sunod sunod ang katok sa kanya ng ama kinabukasan...*
Tatay: natasha anak papasok kaba? anong oras na aalis na kasi ako anak punta na ako sa mga Villamor..
*ngunit wla syang gana tumayo at pumasok dahil nakasisiguro sya na hindi pinapasok si katherine ng mga magulang nya...naamoy nya ang mababangong amoy ng mga damit ni katherine...kayat lalo lang sya sumobsub doon tumigil narin ang ama sa kakakatok...miss na miss nya ang mga yakap ni katherine..ang mga halik...miss nya etong katabi yung mga himas sa kanya...napapaiyak na  nmn sya at nakatulugan n nman nya ang pag iyak habang yakap ang mga damit ni katherine..marahil kaya ganun dahil first crush,first kiss at syempre si katherine din ang naka-virgin sa kanya...puro first pano ka makakalimot sa mga first experience nya dito...maghapon nakatulog si natasha ni hindi sya nag almusal ,nagtanghalian, nagmeryenda o lumabas ng kwarto man lng...ni hindi nya na alintana ang pag alis at pagdating ng ama...kahit yung mga sunod sunod na pagkatok ay di rin nya pinansin iyon...basta't gusto nlang nya matulog...itutulog nalang nya ang buong araw kasi kapag gising sya nangungulila lang sya ng husto kay katherine.*

*Nagising sya ng pakiramdam nya ay may humihimas himas sa mukha nya...humahagod sa mahaba nyang buhok...amoy na amoy nya ang pamilyar na pabango na yun pero di sya nagmulat ng mata kasi bka panaginip lang kaya ayaw nyang magising.*
Katherine:"Natasha" wake up babe"(napakalambong na boses neto.)
*lalo lang siyang pumikit kasi bka panaginip lang to...pero namulat sya ng hinalikan neto ang mga labi nya.*
Katherine:*Hiii*(nakangiti etong bati sa kanya.)
*isang napakagandang mukha ang nasa harapan nya.*
Katherine: hi babe...(ubod ng lambing na boses neto).what are you doing? get up...
*bumangon sya at yumakap kay katherine..*
Katherine: come on natasha..umuwi lng ako ng bahay hindi naman ako lumayo,bakit ka nagkakaganyan?
Natasha: because i miss you...(parang bata na nagpapababy.)
*Hinimas ulit neto ang mga pisngi nya at hinalikan sa labi.
*Hinawakan sya ni katherine sa kamay at dinala sa labas ng kwarto...nagulat sya ng mabungaran nya ang maraming bouqet ng tulip..cakes and chocolates.*
Katherine: halika pagsaluhan natin yang sweets na dala ko.
Natasha: sayo galing lahat yan..(tuwang tuwa sya sa mga bulaklak at inamoy amoy eto.)
Katherine: san paba manggagaling sa manliligaw mo?(seryosong sagot sa kanya.)
Natasha: ang sweet sweet nmn ng mahal ko thank you.
Katherine: because i love you...alam ko nabigla ka sa pagsundo sakin ng parents ko kahapon kaya bumabawi ako sayo ngyon...ayaw ko din kasi na malulungkot ka to the point na pati pagpasok sa school ay nadadamay mo pa.
Katherine: kaninang umaga ko pa gustong pumunta dito pero hindi pumayag sila dad kailangan daw antayin yung mga hinire nyang bodyguards para sakin...ngyon lang dumating hapon kaya ngyon lang din ako nakapunta..im sorry babe.
*Tumango tango lang si natasha dahil gustong gusto nyang naririnig ang boses ng girlfriend. .kahit na di naman eto magpaliwanag ang importante nasa kanya eto ngyon.
Kumuha si natasha ng mga platong gagamitin para sa meryenda nila ni katherine at tinawag narin nya ang tatay nya sa kwarto pero hindi na eto lumabas ng kwarto at nagpahinga nalang*
Katherine: maya't maya ako tumatawag kay tatay gary kasi parang tingin ko hanggang ngyon nkapatay pa ang phone mo.(ani katherine)kaya alam ko hanggang ngyon di kapa rin kumakain.
Natasha: sapat na sakin ang andito ka katherine busog na ako basta kasama kita..(nangingilid ang luhang banggit nya.)
Katherine: natasha andito lang ako di naman ako lumalayo nasa bahay lang ako..
Anytime na gusto natin magkita pwede nmn diba..kaya wag kana malungkot..(sabay niyakap sya neto)."i love you natasha,"
papasok na ako bukas sa school kaya't inaasahan ko na papasok na rin ang mahal ko (sabi neto habang sumusubo)
*.hindi parin nagsasalita si natasha parang ninanamnam nya ang mga dalang cakes ni katherine at mga sinasabi neto...yung mga gamit ko dito hindi ko na kukunin bka isang araw dito ulit ako matulog..(nakangiti eto sa kanya na ikinangiti din nya.)saka sa iyo narin yun kahit alin don...pero kukunin ko lng isang bagahe doon..(ung sinasabi nya ay yung mga laman na may medical kit)
*.napatango nalang sya dahil gamit naman neto yun kaya't di narin sya nagtanong.
Maya maya pa ay nagpaalam na etong umalis at yumakap muna sa kanya at humalik*
Katherine: wag kana malungkot ha..magkikita naman tayo parati.(sabi pa neto.)
*pagkaalis ni katherine ay nagtungo na sya sa loob.
Nabawasan na ang pangungulila nya dito hindi na sya gaanong nalulungkot...kinuha nya ang mga sangkaterbang tulip na bigay sa kanya ng mahal nya at nilagay sa flowervase pagkatapos ay nilagay nya sa kwarto nya.*

Kinabukasan ay maagang pumasok si natasha nasasabik na ulit sya makita si katherine..

Red: hey andto na pla ang ating prinsesa..(sabi neto,)
Daphne:"kmusta nman ang bakasyon with the princess charming of yours...(nakakalukong sabi pa neto.)
Natasha: anong princess charming..
Mandy: akala mo ba hindi namin nahahalata na parang iba ang tinginan nyo ng anak ni gov na yun?
Red: sinong magaakala na ang tulad mong maganda ay sa maganda rin pla nagkakagusto?
Timothy: at alam mo ng matagal ko ng gusto si katherine sya rin pla ang ginusto mo!(galit na sumbat ni timothy sa kanya.)di ko alam na may ugali ka palang ahas..
Natasha: timothy sorry hindi ko nman sinasadya na mahulog sa kanya..(paliwanag nya)
Mandy: so totoo ngang gusto mo si katherine??(at tumango si natasha na lalong ikinainis ni timothy.)
Hi guys!!!bati ng isang boses nakangiti eto kay natasha.(si alex..)
*Napalingon sila lahat dito sabay lipat ng tingin kay natasha.*
Timothy: sya, sya ang nararapat sayo wag kanang makisingit sakin sa matagal ko ng minamahal..(sabay tulak kay natasha,
papunta kay alex na ikasubsob naman ni natasha kay alex.)
Natasha: sorry alex..(at hinawakan sya ni alex para alalayan.)
Alex: i'ts ok tash..(sabi neto na akmang hahawakan ang dalawang braso nya...)
Aaahhhhermmm!!!!(mga tuksuhan ng mga kaibigan nya)
Alex: ah guys aayain ko sana kayong kumain sa labas ngyon kayong lahat treat ko
Daphne: kasama si natasha??
Alex: syempre kasama si natasha.(nakangiti eto sa kanya.)kung papayag sana sya?
Timothy: syempre papayag yan dba natasha?
Natasha: ahhm kasi guys..
Mandy: (hinawakan ang mukha ni natasha para kunyari tumango)
Red: yes!pumayag sya.
Natasha: huh??wla namn ako sinasabi ah.
Mandy: tumango kana eh..ibig sabhin non oo..
*wla ng magawa si natasha..total ngyon tanghali lng naman isa pa kasama naman nya mga kaibigan nya...isa pa para hindi narin neto pagisipan si katherine ...ayaw nyang maging laman ng usapan si katherine sa buong campus na ang anak ng may ari ng university o anak ng governor ng buong lungsod ay may babaeng kasintahan..iniisip nya plang na maging laman ng tsismisan si katherine ay hindi narin nya eto kaya at papayagan...kaya hangga't maari ay sa kanilang dalawa nalang muna eto. ..*

*Kumain sila sa mamahaling chinese restaurant at kagaya ng dati ay pinagtabi na naman sila ng mga kaibigan wla syang magawa kasi binibigyan sila lagi ng space ng mga kaibigan...maya't maya ang sulyap sa kanya ni alex habang kumakain..inaabutan sya neto ng kung anu ano basta't masasarap na nsa harapan nila...panay naman ang tukso ng mga kaibigan nya...ng makatapos na silang kumain ay nauunang lumakad ang mga kaibigan nya at tlgang pinahuli sila na para bang sinasadya ng mga to magkasarilinan sila...ng makabalik na sila sa school ay naisipan nyang daanan ang room ni katherine pero gusto sya samahan ni alex.*
Natasha: hindi na alex hindi naman kasi pwedeng kahit saan nalang pwede kita kasama.
Daphne: natasha mauuna na kami..kung ako sayo pabayaan mo nalang yan si alex isa pa hindi naman nanliligaw dba?bka nakikipagkaibigan lng tapus panay ka tanggi wla naman masama kung sasamahan ka ng kaibigan.
Mandy: oo nga kung wala lang kami klase ng ganitong oras ay sinamahan kana din namin kung saan ang punta mo..pero si alex kasi ang may oras kaya sya lang sasama sayo kaya hayaan mo na..(sabi ng mga eto).
*kaya't wala syang magawa bakit nga ba nya tatanggihan si alex masyado naman ata syang maarte kung sasamahan lng sya...kaya't naglakad na sila papuntang room ni katherine..pero pagdating doon ay wla eto...may klase naman pero wala eto roon...kaya't naglakad sila para hanapin si katherine.*
Alex: natasha bakit mo hinahanap si katherine..
Natasha: ah kasi susunduin kami ni tatay mamaya kailangan ko masabi sa kanya..(pagsisinungaling nya)
*...nilibot at kung saan saan na nila eto hinanap at wala eto..kaya't minabuti na muna nilang magpahinga sa hagdanan at tumabi sa kanya si alex..*
Natasha: thank you sa pagsama sakin ha...may klase kapa kaya pwede kana bumalik sa room mo.
Alex: no it's ok natasha ...masaya akong samahan ka...i mean bilang kaibigan sasamahan tlga kita..(sabay hinawakan nito ang kamay nya.)

"EXCUSE ME..NAKAHARANG KAYO SA DAAN KUNG GUSTO NYO MAG-USAP NG SARILINAN GET A ROOM!!!

*pareho silang nabigla at napalingon ni alex,si katherine..si katherine iyon nakakibit balikat na nakasimangot...nagbigay pa ng daan si alex*
Alex: sorry po..sorry po mam.
At walang lingon lingon na dumaan si katherine ni hindi sya sinulyapan.



*******************************************

End of this chapter guys,hope you like it...
Please follow my fb account and dont forget to like and comment your thoughts for this chapter 😊 ☺️ 🙂

PS. sa mga susunod na chapters ay maghanda na ng tissue...(just a peace of advice 😌?

*Shei lie

At Your Worst Where stories live. Discover now