"Palaro-"

Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Iyon nga lang, hindi na siya makatingin sa 'kin at doon na lang naka-focus sa mga daliri kong pinaglalaruan niya. Namumula na rin ang mga tenga ni MVP!

Pero shit... 4 years ago raw.

Hinalungkat ko agad iyong utak ko. Ano bang ginagawa ko 4 years ago? Anong grade ko no'n? Grade 11? Bigla tuloy akong nahiya. E, dugyot pa ako ng mga panahong iyon!

Paano niya ako nagustuhan no'n?

Nagkalaban ba kami? Sa totoo lang, hindi ko nga maalala kung nakita ko ba siya o kung nagtama man lang ba ang mga mata namin, e.

Hindi lang kasi talaga siya mag-sink in sa 'kin.

Ewan ko pero hindi na ako nakapagsalita kahit ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Naglalakbay na kasi iyong isip ko sa sinabi niya lalo na sa nangyaring aminan sa pagitan naming dalawa. May part sa 'kin na alam na totoo na nangyari iyon pero umeepal pa rin iyong part na hindi pa rin talaga makapaniwala.

Hindi na rin naman nagsalita si number eleven. Nakaupo lang siya ro'n habang may maliit na ngiti sa labi tapos titig na titig lang siya sa kamay ko.

Pero alam mo iyon, hindi awkward iyong katahimikan naming dalawa. Ang... komportable. Ang... payapa.

"You're actually the reason why I'm wearing jersey number eleven now."

Napalingon ulit ako kay number eleven nang bigla siyang magsalita. Iyon nga lang, ang mga mata niya ay nando'n pa rin sa kamay kong pinaglalaruan niya pa rin hanggang ngayon.

"Ako?" Tanong ko.

Tumango siya tapos ngumiti na para bang may masaya siyang naalala. Nagsimula ulit mamula ang mga tenga niya  at feeling ko ay naramdaman niya iyon kaya tumikhim siya.

"Yes. You."

"Bakit ako?"

"I was originally number six. But I decided to change my jersey number the first time I saw you in Palaro so we could be the same."

So, iyon pala ang history ng jersey number niya. Hindi ulit ako nakapag-react kaya tumango lang ako. Pero sa loob, loob ko ay nagka-cartwheel na ako sa saya. Kasi tangina, ako pala iyong reason sa likod sa jersey number niya? All this time, dahil sa 'kin kaya number eleven din siya? Para pareho raw kami?

Wala na. Kinilig na naman ako.

Iyong ngiti mo, Kai! 'Wag mo masyado lakihan please! Nakakahiya naman kay number eleven! Buti na lang talaga at busy sa mga daliri ko itong isa kaya hindi niya napapansin na halos mapunit na iyong labi ko kakangiti.

Tapos isa pa iyang ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong meron sa mga daliri ko at aliw na aliw siyang paglaruan pero hinahayan ko na lang. Feeling ko kasi, e, simula ngayon ay palagi na niyang gagawin iyon. Dapat ay masanay na ako.

Huy, Kai!

Ang landi!

Kung makaasta ka, bakit, kayo na ba?

Nagkaaminan pa lang kayo baka nakakalimutan mo.

Napasimangot tuloy ako. Tsk. Iyon lang pala para mawala iyong ngiti ko. Epal talaga nitong utak ko, e.

"Number eleven," tawag ko.

Tumingin naman siya sa 'kin. "Hmm?"

Grabe. Dati pa bang ganiyan kalambing ang boses niya o ngayon ko lang talaga napapansin ang lahat? O baka naman pinanganak lang akong OA?

"Gusto kita," sabi ko.

Nakita kong nagulat siya at pang-ilang beses na bang namula ang mga tenga niya ngayong araw? Pero hindi ako nagrereklamo, a? Isa kaya iyon sa mga paborito kong view.

"Gusto kita," ulit ko. "At sabi mo, gusto mo rin ako-"

"Yes, I really do," putol niya sa 'kin at turn ko naman ysta na mamula. Tsk.

"Wait, patapusin mo muna ako," sabi ko.

Ngumisi siya. "Why? Are you feeling kilig?"

Napanganga ako sa audacity niya. Hindi ko in-expect na magagamit niya sa sentence ang word na kilig!

"Wow. Nagsalita iyong naka-subscribe sa unli pamumula ng tenga."

Natawa ako nang bigla niyang hawakan iyong tenga niya. "My ears aren't red."

"Pustahan pa tayo, e. 1K. Ano?"

"Gambling is bad, Kai."

"Gusto kita," sabi ko at natawa ako nang malakas kasi hindi lang mga tenga niya ang mamula kundi pati na rin iyong mukha niya. "Kita mo? Ang init ng mukha mo, 'di ba? Namumula nga kasi. Kung nagpustahan pala tayo, e, 'di sana may 1K ako ngayon."

"Fine," pagsuko niya saka ngumuso ro'n at balik na naman  sa paglalaro sa kamay ko.

Tsk. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maku-cute-an sa kaniya, e. Imagine, ang laking tao tapos nakanguso? Para tuloy siyang bibe. Gwapong bibe.

"Pero balik tayo sa sinasabi ko kanina," sabi ko at tumingin ulit siya sa 'kin. "Iyon na nga. Gusto kita tapos gusto mo rin ako. Wait, sure na ba iyon?"

Pero mukhang na-offend yata siya. "Of course, Kai."

"Nagtatanong lang naman," tumawa ako. "Pero iyon na nga... since same tayo ng, you know, feelings," tumikhim ako kasi bigla akong tinablan ng hiya. Ngayon pa talaga ako nahiya, e, 'no. "Another question, uhm, ano... na tayo?"

"Tayo na."

Nanlaki iyong mga mata ko.

Tangina. Hindi ako prepared do'n! Akala ko, e, mag-iisip pa siya ng isasagot niya! Potek na iyan!

Tapos iyong way pa ng pagkakasabi niya, e, sobrang casual at chill lang! Kulang na lang ay magkibit balikat siya na para bang hindi iyon big deal! Tapos bumalik lang ulit siya sa ginagawa niyang pagpisil sa mga daliri ko! Just like that!

Nang hindi ako nagsalita ay nilingon niya ulit ako. Siya naman ang natawa sabay kalabit sa tungki ng ilong ko nang makitang niyang nakatanga lang ako sa kaniya.

"Look whose face is red now," sabi niya.

"S-Seryoso kasi," sagot ko.

"I'm serious, though."

Nagkatinginan kami. Napakurap ako habang siya naman ay diretso lang na nakatingin sa 'kin. Seryoso ba talaga siya? Parang ewan kasi... alam mo iyon. Hindi ba parang... mabilis? Pero saan pa ba kasi papunta 'to? 'Di ba do'n din naman?

Pero wala bang... ligawan stage kapag ganito?

Pero sino naman ang manliligaw sa 'ming dalawa kung sakali? Sino ang liligawan? At kailangan pa ba ng ligaw kung pareho naman naming gusto ang isa't isa? Hindi ba at matik na iyon?

Na kami na?

Shit na malagkit!

Hindi ko na alam!

"Kai."

"H-ha?"

Hindi pa ako nakaka-move on sa mga tumatakbo ngayon sa isip ko nang maramdaman ko iyong mga daliri ni number eleven sa baba ko para hulihin iyong tingin ko.

"If you want to take this slow, it's fine with me. Besides, I'm not going anywhere so take your time to think, okay?"

Umawang ang labi ko. "O-Okay..." tumango ako kahit alam ko namang hindi ko na kailangang pag-isipan 'to.

Boyfriend ko na siya.

Kami na.

"But just to let you know, Kai, for me, I'm your number eleven and you're my baby."

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon