"Andito sya Josh. Nakatitig sya sakin." Takot na sabi ni Pablo. Nagsimula na ring tumulo ang luha nito.
Iginala ko ang aking paningin upang hanapin ang taong sinasabi ni Pablo pero wala talaga akong ibang makita kundi mga puno lang buhangin at karagatan.
Medyo liblib din kasi ang kinaroroonan namin at walang mga kabahayan.
"Pau, wala akong nakikitang ibang tao dito. Ano bang sinasabi mo." Nag aalala ko nang sabi.
Itinaas ni Pablo ang kamay nya at itinuro ang bandang likuran ko. Nang lumingon ako dito ay tanging malaking puno lang ng nyog ang nakikita ko. Wala ng iba pa.
"Ayan sya, nakatitig sya sakin. Hindi mo ba sya nakikita." Umiiyak nyang anas. Medyo nagiging hysterical na si Pablo.
"Pau walang ibang tao dito. Ikaw lang at ako ang nandito." Hinawakan ko ang muka ni Pablo at pilit ko syang pinatingin sa akin. "Pau, tayo lang ang nandito. Walang iba."
"No, andito sya. Nakikita ko sya. May hawak syang manika. Nakatitig sya sakin Josh. Ano ba."
Ramdam ko ang panginginig ni Pablo. Bakas na bakas ang takot sa muka nito. Ilang sandali pa ay biglang umatras si Pablo palayo sa akin. Pagkatapos ay sumigaw ito ng napakalas. Nakakabingi. Humawak ito sa kanyang tiyan at namimilipit sa sakit.
"AAAAHHHH--TAMA NA." Daing ni Pablo. Napaluhod na sya dahil sa iniindang sakit. Namumula ang balat nito na animo ay napapaso. Nang hawakan ko sya ay subrang init ng balat nito. Ganitong ganito ang itsura nya sa tuwing magbabago ito ng anyo. Pero babae ngayon si Pablo? Bakit sya nasasaktan?
Damn, ano bang gagawin ko?
Nagpalingon lingon ako sa paligid, nagbabakasakali na makita ko rin ang taong sinasabi ni Pablo pero bigo ako. Wala akong ibang makita. Tanging mga puno lang talaga at buhangin ang nakikita ko at wala ng iba pa.
YOU ARE READING
Girl From Nowhere - Pablo's Secret
Mystery / ThrillerA Girl From Nowhere Na Bibihag Sa Puso Ng MAHALIMA/SB19. Pero bakit tuwing nakikita nila si Bebe Girl ay hindi naman nila mahagilap si JOHN PAULO NASE? SB19 AU StellJun/PabStell Pabken SeJosh Pinunso/PabTin
PART 32
Start from the beginning