chapter 4

12 8 0
                                    

"sometimes the best relationships are the ones that never became romantic. Choosing to be friends allows for a deeper connection built on genuine care and understanding."

.
.
.
.
.
.
.

“alis na ako. May klase pa pala ako.” Kiunuha ko lahat ng kalat ko sa table at tumayo  na.

“wait.” He said saka niligpit din mga gamit niya. “saan room mo?” tanong niya.

“doon lang. bakit sama ka?” pabirong tanong ko.

“tara na.” nagulat ako nang nauna pa siyang naglakad papunta sa building namin. Wala ba siyang klase? ang layo ng building nila dito tapos nandito siya. Nauna na siyang naglakad at halos dalawang metro na ang layo niya sakin pero hinayaan ko na lang. Naghanap pa ako ng basurahan para itapon yung plastik na basura ko. Tsk. Hindi man lang ako hinintay. Baka may gagawin siya sa building namin.

“Amara!” napalingon ako don at kumabog na naman ang puso ko nang si Mark ang tumawag sa akin. Mag-isa na siya at pajogged na lumapit sa akin. Ngumiti siya. “may klase ka rin ngayon? Sabay na tayo.” Sabi niya.

“ahh sige.” Maikling tugon ko kasi diko na alam ang sasabihin. Sabay na kaming naglakad pero nang malapit na kami sa bungad ng building ay nandon si Hanimark na mukhang naiinip. Nang makita ako ay ang sama ng tingin niya sakin. Problema nito. Psych ako pero di kami nagbabasa ng isip ng tao kaya diko maintindihan minsan ugali ng lalaking ‘to.

Tinanguan siya ni Mark pero dinedma lang ni Hani. Ramdam ko namang medyo napahiya si Mark nun kaya inirapan ko si Hani at binigyan ng matalim na tingin. Nauna na kaming maglakad ni Mark at nasa likod lang namin siya pero ewan at hindi ako mapakali. Ang init ng likod ko. Nang lumingon ako ay kita kong badtrip na yung isa sa likod.

“ahh Mark, mauna ka na pala may gagawin lang ako saglit.”

Nagtaka pa siya. Pero tumango rin naman agad. Pagkaalis niya ay pagalit akong humarap kay Hani.

“problema mo?” pagalit na tanong ko.

“wala. Mukha ba akong may problema?” casual na sagot niya. Imbes na magalit ako pero kinalma ko na lang sarili ko at tinanong siya. “ano pala gagawin mo rito? Wala kayong klase?”

“saan office ng dean niyo?” tanong niya.

Yun lang pala eh. Pagkatapos kong ituro kung saan yung office ay nagpaalam na rin akong aalis na kasi malelate na.

Days have passed pero wala parin magandang nangyayari sa buhay ko. How could everyone enjoy being in a relationship na puro lang naman away at misunderstandings? Habang ako rito ay nagmumukmok sa kwarto ko, iniisip kung anong pwedeng iregalo kay Mark sa birthday niya sa Friday. 

Dalawang subject lang ang mag memeet kami ngayong araw kaya nag-iisip ako ng gagawin. Nang magchat ang isa kong kakilala.

[nasa school ka? Pasama naman may isusubmit lang ako sa Agri building.] chat niya.

[asa bahay ako. Katamad pumuntang school, mamayang hapon pa klase ko.] reply ko.

[sige na. wala akong kasama at nakakahiyang pumunta ron, wala pa akong kakilala.]

May kakilala lang pero diko close. I know her feelings. Puro kasi lalaki sa Agri, konti lang girls. Kaya pagpunta mo ron, feeling mo napapaligiran ka ng mga barako. While sa amin naman ay konti lang ang boys. May boys nga medyo girly pa. konti lang yung masasabi lalaki.

Kinulit-kulit pa ako ni Jessa. Hayyss, tinatamad akong bumangon sa kama ko, though nakaligo naman na ay bumangon na lang ako para ayusin ang sarili. Habang nag-aayos ay panay ang chat ni Jessa. Wala ba itong pwedeng pagpasamahan.

The Forgotten HeiressOn viuen les histories. Descobreix ara