Prologo

181 22 12
                                    

Ang sinag ng hugis suklay na buwan ay nagbukas sa bawat hakbang niya, isang langitang tapete na buo ng mga pilak na sinulid na kumikislap habang siya’y dumadaan sa makipot na eskinita. Ang liwanag ay nagtitipon sa kan’yang paligid tulad ng likidong ilaw, nagbibigay ng mahinang kislap sa mga semento sa ibaba. Ang kan’yang puting tradisyunal na kasuotang Hanfu, at asul na belo ay waring umuubos ng esensya sa buwan, anuman ang nagiging buhay na pagpapahayag ng langit sa gabi.

Mga maingat na alahas sa kaniyang buhok ay nagdudulot ng kahalumigmigan, bawat piraso ay kumakapkapan ng mga sinag ng buwan habang siya’y naglalakad sa loob ng mapanaginip na eskinita.

Sa kan’yang mga kamay, may hawak siyang dalawang patalim na hugis suklay na buwan, ang mga kutitap ng kanilang mga talim ay sumasalamin sa liwanag ng buwan. Sa bawat hakbang, itinatali ng babae ang mga patalim sa isang nakakaaliw na sayaw, ang mga pilak na bahagi ay naglalakbay sa isang kaharian ng kakaibang disenyo sa ilalim ng tahimik na pagtatanghal sa gabi. Ang malambot na tibok ng mga kutsilyo ay nakipag-ugma sa himig ng gabi, nililikha ang isang nakakalibang na melodiyang kumakalat sa buong paligid.

Habang itinutuloy niya ang kan’yang paglalakad, ang kaniyang kasuotan ay umaagos tulad ng seda sa hangin. Ang kan’yang presensya ay tila nagtatawag ng mga bulong ng sinaunang alamat, na nagsasama ng katotohanan, at ang kaharian ng mahika ng nakaraang panahon.

Ang kan’yang paglalakbay sa loob ng maliit na eskinita ay naging isang pangkalangitang sayaw, iniiwan ang mga bakas ng mapang-akit na iluminadong landas sa ilalim ng tela ng liwanag ng buwan.

“The Nightfall Seraph!” Umalingawngaw ang sigaw ng isang takot na takot na lalaki habang tinitignan ang naglalakad na babae.

“Run!” wala sa sariling sigaw ng isa pa, at mabilisan nilang kinuha ang dalawang sako ng pera, na ninakaw nila sa isang mayaman, at kilalang tao sa lugar nila.

Pawis, at hindi maipinta ang mga wangis ng dalawang lalaki habang hinihingal na tumatakbo papalayo sa kaniya. Malalakas ang kabog ng mga dibdib nito, panay ang lingon sa kanilang likod, nababahala na baka nakasunod na sa kanila ang kinatatakutan nilang babae.

“Bakit ba kasi kinuha mo itong misyon na ‘to ng walang kasamang mga opisyal sa grupo?!” paninisi ng lalaki, habang hinihigpitan ang hawak nito sa isang sakong mga salapi.

“Wala tayong magagawa, t*nga ka ba?! Mapapatay tayo ng pinuno kapag nagmatigas pa tayong dalawa! Nakatali ang buhay natin sa kanila...” Natigilan saglit sa pagsagot ang isa, ngunit agad naman niya itong binawi at tinitigan sa mata ang kasama niya. “...kaya manahimik ka nalang diyan!” dagdag nito. Hindi nakaimik ang isa dahil tama ang iniwika ng kaniyang kasama. Wala silang magagawa, sapagkat isa lang silang kapiraso sa mga plano ng kanilang pinuno.

Umangat ang kanilang ulo sa itaas ng may nakita silang anino na para bang isang paru-paro na lumilipad sa himpapawid, at nang masilayan nila ito ay kumurba ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

“Nasundan niya tayo!” may halong pangambang sambit ng isa, at nagkakandarapang tumakbo ng mabilis.

“Bilisan mo! Nandiyan na siya!”

Sa pagtalon ng babae sa itaas ng bubong, parang hangin ang kan’yang galaw, malaya, at maingat. Ang kan’yang matang puno ng determinasyon ay naglalarawan ng hangaring habulin ang dalawang lalaki. Ang katawan niya’y parang isang paru-parong lumilipad, bumabaybay sa gabi na puno ng misteryo.

Ang kan’yang mga galaw sa ere ay kaakit-akit, tila ba ang sarili niyang sayaw ang naglalaro sa kalangitan. Sa bawat pagtalon, ang kasuotan niya ay umaalon tulad ng mga pabukadkad na bulaklak, nagdadala ng kariktan sa kan’yang paglakbay sa ere.

Sa pagtapak niya sa huling bubong, ay parang kidlat ang kan’yang pagbagsak mula rito hanggang sa lupa.

Napahinto ang dalawang lalaki, at takot na takot na hinarap ang babaing kaharap nila ngayon.

“Saan po ba ang punta ninyo?” magalang nitong tanong sa dalawa habang pinapa-ikot ang dalawang patalim niya sa kaniyang dalawang kamay.

“H-Hindi mo makukuha ang aming pinaghirapan, bruha!” matapang na usal ng lalaki, habang inilalabas ang baril nito na galing sa kaniyang tagiliran.

“Oo! Magkakapatayan muna tayo, bago mo ito makuha sa amin!” Gano’n din ang ginawa ng isa, hinugot nito ang kaniyang baril saka itinutok sa babae.

Sumilay ang pilyang ngisi sa mga labi ng babae sa ilalim ng kaniyang manipis na kulay asul na belo, habang pinagmamasdan nito ang nanginginig nilang mga kamay. Tumaas naman tingin nito sa dalawa.

“Tila yata nagtatapang-tapangan kayo kahit na alam niyong wala kayong laban sa akin, mga uhugin,” mapang-asar nitong pahayag habang kinakagat nito ang mga labi.

Umasim naman ang mga mukha nila sapagkat akala nila’y nagmamayabang lang ito sa kanila.

“Bakit tayo tumatakbo kanina? E, ang payat naman pala ng sinasabi nilang malakas na assassin?” natatawang saad ng isa kaya natawa na rin ang kasama nito.

“Oo nga’t nahihibang na tayo kanina!” buwelta pa ng isa, at parehas silang nagtawanan dalawa.

“Then, shall we end this night? May pasok pa po kasi ako bukas e,” walang ganang sagot ng babae habang pinagsasangga niya ang kaniyang dalawang sandata na wari ba’y pinapatalim niya pa ito ng husto.

Sandaling namahagi ang katahimikan, hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay isang nakakabinging putok ng mga baril ang iyong maririnig sa maliit na eskinita na iyon.

Sa pagputok ng mga bala mula sa dalawang lalaki, napuno ng ingay, at sirena ng takot ang paligid. Ngunit, parang isang susing taglay ang babae, isinusulong niya ang kan’yang sarili sa madilim na sulok ng eskinita, sa ilalim ng ulan ng putok. Sa isang madilim na pasikot-sikot, napabilis niyang iwasan ang bawat bala, nagdudulot ng takot sa mga mata ng dalawang lalaki.

“Bakit ayaw niyang matamaan, bw*sit!”

Sa bawat galaw, tila nagiging isang pelikula na may genreng aksyon ang kan’yang pag-ikot-ikot. Ang kaniyang mabilis na mga galaw ay para bang sumasayaw sa tunog ng putok. Isang pirouette dito, isang mabilis na sidestep doon — ang babae ay tila nagiging isang anino, isang seraph sa gitna ng kaguluhan.

At pagkatapos ng lahat ng iyon, biglang lumitaw sa harap ng dalawang lalaki ang babae. Sa mabilis na galaw, ginamit niya ang kan'yang mga patalim upang hiwain sa dalawang bahagi ang mga baril na hawak ng dalawang lalaki. Ang mga lalaki ay nagulantang sa bilis ng panyayari, ang kanilang pagiging matapang ay napalitan na ng takot.

Sa mga segundong ito, ang babae ay tumayo doon, itinituk ang kaniyang dalawang patalim na hugis suklay na buwan sa mga leeg ng mga lalaki.

“Now, it is time to meet your demise,” ang tahimik na pahayag ng babae, kasabay no’n ang kahindik-hindik na taginting ng pagsirit ng dugo mula sa leeg ng dalawang lalaki, at ang pagbagsak ng dalawang katawan sa sahig. Tumalsik ang kaunting dugo sa kaniyang mukha, at damit, ngunit hindi na niya ito inalintana pa.

“Sa mundong ito, ang mga magnanakaw ay mayroong kaakibat na kaparusahan,” aniya, walang kahulugang damdamin na dumarampa sa kan’yang mukha. Habang humahakbang papalayo sa walang buhay na katawan ng mga lalaki, ang mga mata niya’y tila naglalabas ng hindi malinaw na kagalakan sa tagumpay.

“Sana ay magampanan ninyo ang kaukulang parusa,” dagdag na babala ng babae.

Iniwan niya ang lugar nang may hangganang dilim, may kakaibang pagpapakita ng kagalakan sa kan'yang mga mata, ngunit walang damdamin sa kan’yang puso, isang assassin na naging sugo ng katarungan.

Masaya akong makilala ka... ikaw? Nasiyahan ka ba?

× × ×

The Progeny Of Oblivion (Mitolohiya Series #7)Onde histórias criam vida. Descubra agora