Kasi tignan mo naman siya. Diyan ako nahulog, 'di ba? Sa mga simpleng tingin niya na may laman. Sa mga mata niya na may something kapag nakatingin sa 'kin.

"Number eleven..."

"Hmm?"

"Paano kung..." gusto kita?

Hindi siya nagsalita pero titig na titig pa rin siya sa 'kin. Hinihintay iyong sunod kong sasabihin. Iyon nga lang, saglit na nalipat ko iyong tingin ko sa mga libro at reviewers niya sa table namin.

Pagkatapos na lang siguro ng hell week niya ako aamin.

O baka bago mag-umpisa ng in-season tournament.

"What is it, Kai?"

Ngumiti lang ako at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa phone ko at sa iced coffee na in-order kanina.

Hindi. Ganito na lang.

Aamin ako kapag nanalo kami sa una naming game. Easton University iyon at alam kong mahirap silang kalaban pero gagawin ko na lang na extra motivation ang confession ko para matalo namin sila. Oo, tama. Gano'n nga dapat, Kai.

Kasi gusto ko na talagang sabihin kay number eleven na gusto ko siya. Hindi ko siya tatanungin kung gusto niya rin ba ako. Basta masabi ko lang iyong feelings ko sa kaniya.

Bigla tuloy akong kinabahan.

Pero mas lamang iyong excitement.

"Wala," sagot ko. "May hangover pa yata ako sa hell week," sabay tawa kunwari.

Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin lang sa 'kin su number eleven pero nagkunwari akong unbothered do'n. Uminom ako sa iced coffee ko at p-in-lay ulit iyong video ng highlights ng Easton sa phone ko.

"Uy, aral ka na," sabi ko nang hindi niya pa rin ako tinantanan ng tingin. Kung ako sa kaniya, magre-review ako nang magre-review kasi no'ng tignan ko iyong mga inaaral nila, nahilo ako, e. Doon ko napatunayan na hindi talaga ako ginawa para sa engineering.

"What are you watching?" Sabay silip sa phone ko.

Shit. Ang lapit niya. Ang bango talaga ni number eleven.

"Mga past games ng Easton. Pinag-aaralan ko mga galaw nila kasi sila una naming game, e."

Tumango siya. "I see."

"Baka naman may mga tips ka riyan kung paano sila tatalunin."

"Heavy serves, ba-" natigilan siya saka tumikhim. "Heavy serves, Kai. So their setter wouldn't be able to create plays."

"Parang hindi naman effective iyon. Puro magagaling sa out-of-system plays ang mga spikers nila, e."

Natapos ang araw namin na hindi na nakapag-review si number eleven at nag-analyze na lang kami ng mga galaw ng Easton players. Pero sinabihan ko siyang mag-review, a? Ayoko namang ako pa ang maging dahilan ng pagbagsak niya. Pero ang sabi lang niya, e, kaya na raw niya iyon. Tss. Nakalimutan kong bukod sa rich kid, e, bright kid din nga pala ang number eleven. Kaya hindi na rin ako nagulat no'ng malaman ko na dean's lister siya, e.

"Ano na, Kai?" Sabi ni Jerome no'ng nagwa-warmup na iyong team namin.

Ang bilis talaga lumipas ng mga araw. Parang pumikit lang ako, e, game day na agad?!

Pero bukod sa mismong game against Easton, e, mas kinakabahan ako kung sakaling matalo namin sila. Kung, emphasis sa word na kung, mananalo kami, aamin na ako kay number eleven!

Iyon talaga ang mas iniisip ko.

Iba rin talaga minsan ang hierarchy ng mga priorities ko sa buhay, e.

Pero syempre kailangan muna naming manalo. Uphill battle pero sabi nga nila, bilog pa rin ang bola.

"Ano na ang alin?" Tanong ko kay Jerome.

Dumarami na ang mga tao rito sa arena. Maglaro ba naman sa isang araw ang Westmore at Easton, e. And speaking of Westmore, sila ang unang game kanina at nanalo sila against Southern University.

Si number eleven pa nga ang Player of the Game.

Hindi naman na nakakagulat pero nakaka-amaze pa rin talaga siya kapag nasa loob na ng court. Akala mo, e, hindi nagpahinga nang ilang buwan. Nakanood ako nang kaunti ng game nila kanina at wala iyong gentle giant na Roen Alejo na kasama ko sa Baguio last year.

At aaminin ko... ang hot niya kapag naglalaro.

"Umamin na ba si Alejo sa 'yo-"

"Cap! Ang ingay mo!" Putol ko sa sinasabi niya sabay takip sa bibig niya.

Narinig ko siyang natawa at tinaas ang dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko. Napapatingin na nga iyong iba sa 'min, e. Tsk!

"Sorry na," sabi niya nang tanggalin ko na iyong kamay ko sa bibig niya. "Pero wala pa rin? Wala pa ring aminan na nagaganap?" Bulong niya.

Sumimangot ako. "Wala."

"Kailan pa? Naku, Kai, kapag iyan naagaw sa 'yo..."

Automatic na tinignan ko siya nang masama. Pero syempre, tinawanan lang ako ng team captain namin. Epal talaga nito, e. Utusan ko nga mamaya si Vince na takutin 'to sa dugout habang naliligo.

"Nakakatakot ka pala magselos, Kai," sabay hagikhik niya at pisil sa pisngi ko. Ang sarap batukan talaga nito. Pasalamat talaga siya at captain ko siya kundi kanina pa 'to nakatikim sa 'kin.

Kinakabahan na nga ako, e.

Ngayon lang naman ako matapang kasi wala pa sa harap ko si number eleven. Pero may feeling ako na matataranta na ako mamaya kapag sasabihin ko na talaga.

"Gusto mo, pabilisin natin ang pag-amin niya sa 'yo?"

Kumunot lalo ang noo ko. "Ha?"

Ngumisi lang si Jerome saka ako inakbayan. Maya-maya pa ay nilapit niya iyong mukha niya sa 'kin at nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi!

"Gago-"

Hindi ko na nagawang itulak si Jerome nang tumunog na iyong buzzer. Sign na iyon na tapos na ang official warmup ng team at magsisimula na ang game. Tsk! Siraulo talaga ang isang iyon! Wala nang captain, captain! Babatukan ko na talaga siya!

Sinamaan ko siya ng tingin pero malaking ngisi lang ang binigay niya sa 'kin habang tumatakbo palayo. Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang may ituro kaya napalingon ako.

At nanlamig na lang ako sa kinatatayuan ko nang makita si number eleven sa audience na nakakunot ang noo habang seryosong nakatingin sa 'kin.

Umawang ang labi ko.

Shit.

Nakita ba niya?

Galit ba siya?

Hindi ko alam na manonood pala siya!

"And wearing jersey number eleven, Creston University's starting libero, Kaizen Reyes!"

Nagsigawan ang mga supporters ng Creston pero wala sa sarili akong pumunta sa court kasama ang iba pang starting players namin. Hindi kasi mawala sa isip ko iyong tingin ni number eleven kanina! Lalo na iyong kunot ng noo niya! Feeling ko tuloy, lagot ako kahit wala naman akong kasalanan!

"Kai, okay ka lang?" Nakangising tanong ni Jerome.

Sinimangutan ko siya pero tinawanan niya lang ulit ako. Siya talaga ang may kasalanan nito, e! Mamaya talaga sa 'kin 'to sa dugout!

"Binu-bully mo na naman si Kai, cap," sabi ni Vince.

"Pagong kasi," sabay pisil ulit ni Jerome sa pisngi ko.

Tsk. Imbes na magko-confess lang ako kay number eleven, e, mukhang magpapaliwanag pa ako sa presinto.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon