FACE TIME
[Anong oras ka matutulog niyan? Ang dami pa niyan oh.] sabi ni Sero sa kabilang linya. Nakadapa lang siya sa kama niya habang nakatapat sa mukha niya ang camera.
[Ewan ko, baka umaga na. Next wednesday pa naman yung midterms pero inaagahan ko nang mag-review, ayokong mag-rush no!] sagot ko naman.
Inistand ko ang cellphone ko sa phone stand habang inaayos ang ibang papel sa lamesa dahil nakakalat na.
[Bakit ka na nag-aya ng face time? Madaling araw na, itulog mo na lang kaya?] tanong ko sakaniya.
[Ayoko, bantayan kita.] umayos siya ng higa at huminga ng malalim. [Dyan na lang kaya ako matulog?]
Agad akong napatingin sakaniya at kumunot ang noo. [Siraulo! Itulog mo na lang, kung ano-ano nanamang simasabi mo.]
[Teka, may gagawin ako. Huwag mo papatayin ah.] sabi niya sabay patay ng camera.
Ilang minuto ang nakalipas ay may pumindot ng door bell ko rito sa condo.
[Buksan mo yung pinto, Ava.] utos niya sabay open ng camera.
Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita siyang naka pajama na.
![](https://img.wattpad.com/cover/359073517-288-k588286.jpg)
YOU ARE READING
a chance
Teen Fictiona chance ava and sero are friends when sero finds himself liking his friend, ava ••• solliary, 2024