Chapter 51

39 2 0
                                    

Warning: This chapter contains sensitive themes. Reader discretion is advised.

#SYATSKasamaSaHirap

"FINALE na ba?"

Tanong 'yan ni Peter sa akin tungkol sa isang k-drama na sinusubaybayan nga namin pareho na siyang finale next week. Kasalukuyan kaming nandito sa library at gumagawa ng PowerPoint presentation dahil magkagrupo kami sa isang minor subject.

"Oo, finale na."

"Tagal na rin noon nag-air, ano? 24 episodes din siya bale."

Natawa ako. "Truthfully, pero ang buhay natin ay hindi pa finale!"

"More truthfully!"

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" Sumulpot bigla si Nikolai na siyang kaklase at kagrupo rin namin, tatlo lang kaming sa groupings dahil iyon ang sinabi ng Professor namin. Ito ngang si Niko ay matalino 'to at sa katunayan nga'y President's Lister ito last academic year.

"About lang sa k-drama, Niko," sagot ni Peter. Mukhang close sila ni Niko kaya naging magaan na rin ang groupings namin.

"Ah, 'yan ba 'yung trending? Episode 24 na next week ah!"

"Omsim!" natatawang sagot ni Peter kay Niko. "Iyan oh, si Shanaiah... Nakaabang din!"

"Ay pinapanood mo 'yon?" tanong ni Niko sa akin.

"Oo, ikaw rin ba?" tanong ko na natutuwa.

Nung umoo naman si Niko sa akin ay riyan na nagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol sa k-drama na 'yon.

Matapos nga ng isang oras ay natapos na kami sa aming ginagawa at handa na kaming i-report 'yon sa saturday.

Hindi na nga 'ko nakasabay kay Peter, nagsabay na lang sila ni Niko kasi need ko pang dumiretso sa arts club. May meeting daw tapos aasikasuhin pa namin 'yung para sa acquaintance week na gaganapin na nga sa lunes.

Thursday ngayon at fourth week na namin ngayon. Acquaintance week for next week means our fifth week. Mabuti nga, ito na lang ang aalahanin ko, pero exempted sa mga inaalala ko sa buhay at sa acads ko, I mean it is all about the shooting ng movie nina Crystal, natapos na silang mag-shooting dito sa school sa loob ng two weeks. Kahapon ang last day nila kasi sa iba na silang location magta-taping.

Kaya wala na akong iisipin... Kaso nagkakamali ako.

"Ang good news kasi, guys. Ang production team ng movie ng channel 8 ay pagshoo-shooting-an ang acquaintance natin sa lunes! Ang saya, 'di ba?" maligaya at masaya pang balita ni Pres Drake 'yan.

Good news para sa kanila, kaso bad news naman para sa akin. Nung matapos nga ang meeting ay pinagtuonan ko na lang ng pansin 'yung pag-aayos para sa gaganapin ngang acquaintance. Nakita ko pa nga si Austin na siyang isa sa mga nag-aayos din dito kasi isa na siyang student council member ng university namin.

"Enjoy ba, beh?" tanong pa ni Pres sa akin. May dala siyang box.

"Kapagod, Pres!" sagot ko at saka kami nagkatawanan.

Pagkapatak ng 5 PM ay napagdesisyunan nang uwian na namin. Habang may inaayos ako saglit dito sa arts club room ay kinuha ko 'yung cellphone ko at tinext ko si Genji.

Me:
- Tapos na ako, lalabas na ako, jiji ko
- Kapagod haysss :((

Genji:
otw baby mwamwa

Napangiti na lang ako sa message niyang 'yan. Lumabas na ako sa arts club room pagkatapos ko at saka na ako naglakad hanggang sa makalabas ng gate. Pumunta ako sa waiting shed at umupo sa kung saan kaming dalawa naghihintayan ni Genji, this is our favorite place on here.

See You At The StudioWhere stories live. Discover now