Ngayong lunes, habang nagsi-scroll ako ng mga maishe-shared post ko sa Facebook dahil si Genji ay mamaya pa raw magcha-chat sa akin kasi may trabaho siya nang biglang nag-pop up 'yung announcement message ni Pres sa group chat.

BSBM 2A:

Wattine Austin:
- @everyone May inannounce po sa amin na next week, wednesday kung sino po ang mga face to face ay maging parang banal daw po ang kilos natin, in short maging mabait tayo dahil ang school natin ay pagshoo-shootingan para sa isang movie ng channel 8🥰💖

Then dahil doon ay may pasok tayo ng wednesday kaya makikita natin mga artista

Jeymar:
Halaaa sinong mga artista mhie?? hahahahahaha

Austin:
Makikilala natin mhieee

Bigla namang sumulpot 'yung chat ni Peter sa aming group chat na sese.

Peter:
feeling ko talaga si Crystal yang isa sa mga artista na pupunta rito

Yael:
- hindi yan sus
- dami-daming artista eh

Hindi nga 'ko naniniwala na isa si Crystal sa mga artista... Subalit nung dumating na nga ang araw ng miyerkules kung saan ang araw ng shooting daw nung mga artista sa school namin ay nakilala na nga namin ang mga artista.

"Si Crystal nga!" salita ni Yael habang nakatingin sa lugar kung saan nagsho-shoot ngayon ng movie.

Nandito kaming lahat sa may labas ng building namin, kasama ko sina Yael maging ang mga kaklase ko pati na rin 'yung ibang mga section ay nandito rin. Tinitignan namin ang naglalakad na si Crystal at 'yung lalaki na kasama niyang kapwa artista niya rin. Nanlaki nga ang mata ko nang mapagtanto kong familiar iyong lalaki!

"Putangina! Si Cliford 'yun ah!"

Napatingin nga 'ko sa sigaw ni Peter nang banggitin niya ang 'Cliford'. Napagtanto ko kung sino 'yung tinutukoy niyang 'Cliford'.

"Cliford nga pangalan niya, natandaan ko na," salita naman ni Genji kaya napalingon ako sa kanya.

"Kilala mo pala? 'Di ba, ayan 'yung nag-picture sa atin?" tanong ko kay Genji at tumango-tango lang siya.

Pinanood na nga namin ang shooting scene nila at naglalakad lang naman sila tapos may pinag-uusapan na sa palagay ko'y dialogues nila. Ang mga camera man ay kinukuhanan sila sa iba't ibang pwesto para may mga angle.

Matapos nga nung scene ay umalis si Peter dito sa puwesto namin para lumapit doon sa puwesto sa parang mga production team yata 'yon. Nakita kong papalapit siya roon sa artistang lalaki.

"Gago, ano'ng ginagawa ni Dean doon?" tanong ni Jacques na tinuro si Peter.

"Kilala niya 'yung artista," sagot ni Genji. "Kaibigan niya yata 'yan."

"Kaklase niya nung senior highschool siya, sinabi niya sa akin kanina," sabad naman ni Yael na siyang kapwa ikinagulat namin.

"Weh? Kaklase niya pala 'yung artistang lalaki?!" gulat kong tanong.

Nagkatinginan naman kami ni Genji roon. Kami na lang dalawa nakakaalam nung nangyari sa lumang UST noon kasi ang habang kwento no'n. Grabe, sa nakikita ko sa Cliford na 'yan ay sisikat nang grabe 'yan. Aabangan ko talaga 'yan.

Nagsi-akyatan na nga ang ibang section dahil may mga klase na sila, at mayamaya'y sumunod na rin kami sa pag-akyat dahil oras na ng klase namin. Alas nuwebe na.

"Ang pogi nung artista na 'yon! Nakakamasa ng kiffy, charot!" rinig ko pang sabi ni Jeymar doon.

Pagkapasok namin sa classroom ay pumaroon na nga kami sa aming mga upuan at ang tanging gagawin na lamang namin ay maghintay sa professor namin ngayon.

See You At The StudioWhere stories live. Discover now