Pang-Anim

10 4 0
                                    

Pang-anim na Sekreto

Someone's POV

"WHAT NOW?"

"What do you mean?" Walang pakialam na tanong ng isa. Ganyan talaga sya kaya hindi ko nalang pinansin ang tono nya.

"Tsk. Shut your dirty mouth." Ingos ng isang babae sa tabi. Ngumisi naman 'yong lalaking sinabihan nito.

"My mouth is really good at something dirty."

Inunahan ko nalang ang mga gustong magsalita bago pa tumagal ang lahat ng ito. "Sisimulan na ba ang plano?" I clarified. Ako nalang talaga ang mabait dito.

Bumuga ng usok ang isang lalaki mula sa sigarilyong hawak nito. He is sitting in a lazy manner, "Start then. I'm so bored 'yah know."

"Pft! Hehehe...but you look having fun!" Sabi naman ng isang babae na may lollipop sa bibig. Her playfull eyes glance at some direction.

Sinundan ko din ang mata nya. Nakatitig kami sa taong nakatayo sa harap ng malaking bintana. Makikita ang bilog at maliwanag na buwan dito. Nakatalikod sya sa amin kaya tanging boses nya lang ang maririnig sa loob ng kwarto.

"Let's start this play."

Dahil sa sinabi nya, samu't saring halakhak at mahinang ungol na parang matagal na hinihintay ang salitang ito. Tanging ngiti lang ang nagawa ko pero hindi ko mapigilang dilaan ang aking sariling labi.

Masyado na kaming matagal nagtitiis. Hindi na namin kaya ang mga nangyayari. Sa mga tulad namin, imposible na makapaghintay pa ulit kami.

Our long wait is finally over.

Cathy's POV

May kakaiba akong nararamdaman ngayong araw. Gusto ko itong hindi pansinin pero sadyang may bumubulong sakin na alamin ito. Ngayon lang ito nangyari sa tanan ng buhay ko, siguro ito ang unang pagkakataon.

Hindi ko sya maipaliwanag. Pero alam ko na hindi ko iyon magugustuhan. Alangan naman na maramdaman ko bigla 'yong good news, diba? Kung meron man....sana ito nga 'yong nararamdaman ko.

Ngayong araw na kasi ang balikan sa school, meaning may pasok na ulit. Hindi ako ang tipong gustong magaral at ayaw magaral na estudyante, ako ang neutral sa lahat ng bagay. Lagi akong nasa gitna, gaya nadin ng opinyon ko maliban nalang kung may magugustuhan ako o magpapabago sa opinyon ko.

Parang panibagong araw na naman na papasok sa school, maliban nalang sa nadarama ko dahil sadyang hindi ko talaga ito pinapansin.

Nang maayos ko na ang sarili ko, kaagad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, agad kong pinuntahan si mama na nasa kusina. Nadatnan ko syang nagluluto at nakatalikod sa akin.

Dahan-dahan naman akong kumuha ng hotdog at balak na sana umalis ngunit,

"Kumain ka dyan, Cathy. Huwag mo akong tatakasan." Napasimangot ako bigla, malakas talaga ang radar ni mama dahil agad nya ang napapansin. O ganon talaga kapansin-pansin ang presensya ko?

Hindi ako umupo, "Pero ma, mali-late na ako kung kakain pa ako." Pagdadahilan ko dahil totoo naman talaga ito. Hindi ako ang tipong estudyanteng nali-late.

Hindi padin humaharap sakin si mama at patuloy lang sa niluluto. "Wala akong pakialam. Ang mahalaga, may laman ang tyan mo bago umalis ng bahay."

Wala naman akong magawa. Hindi ko namna kayang makipagsagutan at ipilit ang gusto ko dahil ginagawa lang naman ito ni mama para sa kapakanan ko. Ako din naman ang makikinabang dito.

Tahimik na umupo nalang ako bago nagsandok ng pagkain. Sakto ang oras na ito para umalis ng bahay at bumyahe pero kasalukuyan akong nandito padin sa bahay, kumakain. Bawal ko naman kasing kontrahin si mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KaibiganWhere stories live. Discover now