Chapter 2 - Sparks

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa aking paglalakad ay di ko namalayan sa nandito na pala ako sa iaang maliit na lawa. Mayroong tulay patungo sa isang maliit na masisilungan sa gitna nito na kasya ata ang limang tao.

Naglalad ako patungo roon at dahan dahan na inobserbahan ang mga yapak ko at baka mahulog ako, di ko pa naman alam kung malalim ba ang lawa na ito. Nang makarating na ako sa gitna ay naramdaman ko ang medyo malamig na simoy ng hangin na dumampi sa aking balat. Napakaganda rito.

"Doc"

"Ay kabayo-"

Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Kita ko si Chief Harris na naglalakad patungo sa akin.

"Kayo po pala Chief, ano pong sadya ninyo?"

"Wala, gusto ko lamang lumanghap ng sariwang hangin dito" saad nito.

"Ganon po ba? Sigeh lang po Chief" saad ko.

Namayani uli ang katahimikan nang bigla nya itong basagin.

"Doc, ilang taon ka na?"

Rinig kong pagbulong nya pero di ko maintindihan.

"Ha?"

"Ilang taon ka na?" saad nito.

His voice was like an ice na sobrang lamig at kung sisisirin ang dagat, baka matalo pa yon dahil baka mas malalim pa boses nya. Medyo nakakatakot.

"I'm 26, kayo po ba?" tanong ko pabalik.

"30 na ako, mas matanda pala ako sayo ng apat na taon"

Namayani uli ang katahimikan sa pagitan namin---Akward.

"Ang presko po dito sa lugar ninyo"

Ako na ang nagsalita baka mamaya, bumunot sya ng baril kasi di ko sya kinakasap.

"Oo naman---pinapangalagaan ng mga tao dito ang lugar at ito lang ang lugar na kanilang matitirahan" saad niya.

Malayong-malayo pala ito sa lugar na kinalakihan ko na puno ng tao, mausok dahil sa mga sasakyan at kumpulang mga bahay. Hindi ka makakalanghap ng ganitong presko at masarap na hangin.

This place make you feel safe and peaceful.

Nag-usap pa kami ng medyo may katagalan hanggang sa dumating si Ran at inanyayahan na kami para bisitahin yung medical center na pagtatrabahuhan namin.

"Myloves, bat ka pala nawala kanina? Akala ko ay hihintayin mo ako habang nagpipicture ako sa mga paligid, nagulat nalang ako na wala ka na sa kinatatayuan mo" Si Cain habang nagkakamot ng ulo.

"Pasensya na,di na ako nakapagpaalam"

"San ka ba kase nagpupupunta?"

"Sa lawa, maganda don at presko ang hangin" saad ko.

"Talaga!? Tara puntahan!" excited na sabi ni Cain habang niyuyugyog pa ako.

"Baliw, Kagagaling ko lang don at baka bukas o sa susunod na araw na tayo pumunta tsaka ginigatekeep ko yun" pabiro kong saad at napasimangot ito.

Sa aming pag-uusap ay di namin namalayan na napadpad na pala kami dito sa kung saan kami magtatrabaho. Medyo maliit lang ito na parang tree house dahil nakadikit ito sa puno pero parang hanggang waist ko lang ang taas at may hagdan ito pataas. Maayos naman sya at mukhang matibay naman ang kahoy na ginamit nila at may karatulang nakasulat na "Bahay Pagamutan".

"Doc. Kreid, eto po ang Bahay Pagamutan at mayroon na pong mga medical supplies na prinovide ni Mr. Pysolovich," si Ran habang umaakyat kami.

Kumpleto nga ang mga gamit dito. Merong Medical Bed, aparador na may mga gamot, First Aid Kits, BP Monitors at dalawang medical gown na bago. Pumunta ako sa may lamesa at pagbukas ko ay nakita ko ang bagong Stethoscope, Preskript Pad at kung ano ano pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until The Sunrise|BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon