Chapter 2 - Sparks

12 2 2
                                    

Kreid Nickzen Lewiz POV

Matagal kaming nagkatinginan ng matipunong lalaki nang biglang magsalita si Ran.

"Ahh Doc, si Chief po" saad nito habang nakatingin pa rin ako sa mukha ng lalaki.

"Maganda araw Doc, Chief Napoleon Harris" saad nito at inabot ang kanyang kamay.

"Doc. Kreid Lewiz" saad ko at agad na inabot ang kanyang kamay.

Lumipas ang ilang sigundo ay hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko. Nanatili kaming magkatitigan hanggang sa ako na ang sumuko at tumingin palayo.

"Ah Chief Harris, I'm Nurse Cain Ichiru Hayashi, Assistant ni Doc. Kreid" saad ni Cain at hinawi ang kamay naman para sya ay makipagkamay rin sa kanya.

"Tayo na ay maupo at baka Lumamig na ang pagkain" sabi naman ng isang lalaki na naka-uniporme ring sundalo.

"Ah Doc, Si Chief Rexo po pala" saad ni Ran at nakaipagkamay rin kami sa kanya.

Umupo na kami at nagsalin ng mga pagkain sa kanya kanya naming plato.

Medyo akward ang paligid dahil sa mga nangyari at katahimikan lang ang namayani hanggang sa magsalitang muli si Ran.

"Ah Doc, Kamusta naman ho pala ang byahe? Hindi po ba nakakapagod dahil malayo-layo rin ang baryo namin sa bayan?"

"Medyo nakakapagod pero nang makarating ay medyo naginhawaan rin dahil ngawit sa pag umupo sa sasakyan, may mga dala kaming pagkain mula sa bayan para ibagay sa inyo mamaya." saad ko at kita ko sa ekspresyon ni Ran na natutuwa sya.

"Talaga po ba? Naku nag-abala pa kayo, Maraming salamat Doc!" si Ran.

Habang kumakain kami ay napag-usapan ang lugar na tutuluyan namin ni Cain.

"Ihahatid ho namin kayo sa bahay na matutuluyan nyo mamaya, bale dalawa pong kubo iyon" saad ni Chief Rexo.

"Ha? Ayos na sa amin ang isa, kasya naman ho ata sa amin yon," si Cain sabay tingin sa akin at nagtaas baba pa ng kilay.

"Hindi ayos ang magsiksikan kayo sa iisang kwarto dahil bisita namin kayo, masyadong maliit kung magsasama kayo sa isang kwarto lamang dahil sa katunayan ay pang-isahang tao lang yon. Wag kayong mag-alala at magkalapit lang naman yung bahay na tutuluyan ninyo at malapit rin si clinic na inyong kung saan kayo ay magtatrabaho." Gulat ako nang magsalita si Chief Harris. Medyo natahimik ang lugar at akward uli ang paligid.

"Mauna na ako, may mga kailangan pa akong gawin." Sabi nyang muli sabay tayo at umalis.

Dahil tapos na rin naman kaming kumain ay napagpasyahan nila Chief Rexo at Ran na ilibot kami sa lugar.

May mga bata kaming nakakasalubong na naglalaro ng habulan at turumpo. Hindi pa ako nakalaro non pero napapanood ko naman dati nung elementary ako. May mga residente rin na nakakasalubong kami at yumuko ako bilang paggalang at pagbati sa kanila.

"Ahhh Doc, Mauna na po muna kami at kailangan na po naming magreport sa Headquarters. Malaya po kayong mag-ikot-ikot babalikan nalamang po namin kayo," Paalam ni Chief Rexo.

"Ayos lang Chief, kaya na namin to," saad ko at umalis na rin sila.

"Uy Kreid, bebetime na pala natin"

"Tumigil ka Cain, baka masapak kita!" saad ko at tumakbo naman ito.

"Lalabs punta lang ako don babye!"

Mas gugustuhin ko pang makasama sila Chief Rexo at Ran. Dapat pala pumayag na ako agad para di ko na nakasama yung mokong na yun.

Naobserbahan ko mula sa aking paglilibot na mababait ang tao dito. Kada may nadadamaan akong residente ay bumati sa akin. Simpew ang kanilang pananamit at ang bahay ay bahay kubo. Maaliwalas ang lugar dahil aa malinis na lugar at mga punong nakapaligid rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until The Sunrise|BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon