CHAPTER 3 - Scrambling

5 1 0
                                    

BEWARE OF HER

3

Isang oras ang naka lipas ngunit nandito parin kaming dalawa ni Salegas sa loob ng school library. Wala nang ibang istudyante sa loob dahil nag si uwian na lahat. At ito ako ngayon naka-tuon sa pag pu-punas ng paa nito!

"Ayusin mo lang Tristan. Ang sakit kaya ng pag banga mo!"
Galit na sambit ng babae

"S-sorry."
Mahinahon kong sambit pabalik.

"Tumingin ka din kase sa dadaanan mo"
Hindi ko na siya sinagot at nag pa tuloy sa pag punas ng paa nito.

Maya maya ay may malakas na nag bukas ng pinto ng library kung saan nasa loob kami nito. Tinanaw ko kung sino ang walang ingat na nag bukas nito at sa gulat ko nandoon si Harah naka tuon ang pansin saakin. Lumapit ito at hinila ang aking bisig upang makatayo.

"Tara na." Matipid nitong Sabi

"H-huh??"
Nalilito kong sagot.

Maya maya ay pikon na nag salita sa likod ko si Salegas.

"What do you think you're doing Zalea?"

Mataray na humarap dito si Harah at nag bigay ng mahinahon kasabay ng bagsik ng atensyon ng mga mata nito.

"Bringing him out of danger."
Natawa si Salegas at hinila ang kabila kong bisig. Hinila ako pabalik ni Harah bilang sagot dito.

"Hoy Nazalea. Bitawan mo si Tristan."

"Why would i?"

Mahinahon kong hinihila ang aking mag ka-bila-ang bisig ngunit sa higpit ng kanilang pag hawak ay hindi ko magawang tumakas maging ang aking mga kamay ay hindi ko magawang pakawalan. Sa sitwasyon na ito ay tila isa akong tali na pinag-aagawan upang manalo sa isang palaruan.

"You're out of your mind Nazalea."
Pikon na sambit ni Salegas.

"Alam mo? Nag tataka ako kung bakit mo na gawang mabuhay kahit na-saksak ka at na-hulog sa 3rd floor? And speaking of luck, baka malambot lang talaga yung na-landingan mo sa basurahan kaya mo na-gawang mabuhay? "

Binitawan nya ang aking bisig lumapit ito at humarap kay Nazalea.

"Oh baka hindi na Ikaw yan Joharah?"

Bakas sa mukha ni Harah ang bahagyang ngisi nito.

"Maybe."
Matipid nitong sagot

"Well that's so interesting. Are you a demon? Oh multong sumapi?"
Tumawa ito.

"B-bitawan m-mo na ako Harah."
Medyo natatakot kong sagot.

Tumalikod si Harah at tuluyan na akong tinangay palayo kay Salegas.
"Motherfucker."
Mahinang sambit ni Salegas na hindi manlang pinansin ni Harah.

Kami ay nasa labas na ng paaralan at hinihila parin ako nito at hawak parin ang aking kaliwang bisig.

"H-Harah uwi na ako."

Binitawan niya ako at tumungo na sa kabilang direksyon na pu-puntahan ko lumayo ito na parang walang ginawang kalokohan.

Wow ang galing.
Asar ng aking utak.

Lumayo na nga ako at nag lakad na patungo sa bahay. Habang ako nga ay nag lalakad ay may nararamdaman akong sumusunod sa akin agad ko naman itong nilingon pero wala naman. Ngunit mabigat ang aking pakiramdam at feel ka na meroon talagang sumusunod saakin.

Nag-simulang manikip ang aking dibdib at nahirapan akong huminga.
Napa sandal ako sa gilid ng hallway at mahigpit na hinawakan ang aking dibdib. Tumingin ako sa aking gilid at may isang babaeng naka hawak sa aking ilong at mahigpit itong pinipisil. Sinubukan ko itong hampasin pero tumagos lang ang aking kamay ko dito dahilan ng pag taas ng balahibo ko sa takot.

"Ginagawa mo dyan?"
Ako ay nagulat at napa tingin sa kabila at nandoon si Salegas.
"Bat ka hinihingal?"
Tanong nito.

Biglang nawala ang babaeng humawak sa aking ilong dahilan ng pag hahabol ko ng hininga. Hindi ko nasagot ang mga tanong ni Salegas dahil nga sa hingal na hingal ako.
Lingon ako ng lingon sa paligid.
Nag taas ng kilay si Salegas habang pinag mamasdan ang mga kilos ko

"Nag d-drugs kaba?"
Nagulat ako sa tanong nito at napa sagot nalang ng
"Huh?"

"Sabi ko kung nag d-drugs kaba?"
Tanong nito ulit

"Nang hi-hingal lang ako ate... Hindi ako nag gaganon!"

Tumawa ito
"Nag bibiro lang ako. Bakit kase nandyan ka tumakbo kaba?"

Alam kong hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kaya nag sinungaling ako dito.
"Oo."
Mahina kong sagot

"Well mister dumbhead napa sobra ka!"
Hinila ako nito papuntang park at pinaupo ako nito sa pinaka malapit na upuan.

"O-okay lang ako."

Kumurap kurap ito.

"Alam kong hindi."

Napatingin ako sakanya at ako'y nalinawan sa ganda nito. Simula sa bagsak na buhok nito kasunod ng mga magaganda nitong mata na konektado sa matangos na ilong nito pa baba sa ma-pupula nitong labi at nag ta-tapos sa matulis nitong jawline.

Napailing ako. Ano ba ang iniisip ko??!

Lumapit si Salegas sa kalsada upang pumara ng tricycle at pinapasok ako sa loob.

"Uwi na."

Nag bigay ito ng isang daan sa manong driver at umalis na.

"Huy! Ako na! Salegas!!"

Umalis na ito at umandar na Ang sasakyan hindi ko manlang naibalik ang pera nito.

Bakit ba kase parang ako yung babae dito?? Diba usually dapat lalaki yung gumagabay sa babae?

"ANO BAYAN KAINIS NAMAN KASI!"

C    A    M    I     L    L    A





Beware of herWhere stories live. Discover now