CHAPTER 2 - Knockout

10 1 0
                                    

BEWARE OF HER

2

"What do you want?"

Kalmado ang kanyang boses ngunit tila merong bagsik nakatingin parin ito saakin at hindi lumilingon kahit saan. Nag taas ito ng kilay na mas lalong nag pabagsik sa mga titig nito.

"D-don't look at me s-so sternly. S-sabi ko lang may nag tuturo na ate..."
Manginig-nginig kong sabi.

"So?"
So? Anong so? Wala bayang paki sa klase? Anong meron dito sa babaeng to? Siguro nga may sira sa ulo to pero parang wala naman tarantada lang ata talaga.

Ibinalik nya ang tinggangal nyang earpod kanina at tumingin ulit sa bintana.

Pyewww akala ko mangangagat na. Bahala sya diyan wala yang talino nya mamaya sa short quiz sa math. Even smart people needs to study.

Nang ibigay na ang sagutang papel ay nag simula na ang lahat mag sagot. Nakita ko si Harah sa gilid patamad na nag sasagot kalmado ito ngunit mabilis. Maya maya ay nilapag nya ang papel sa ibabaw ng lamesa ko at tumingin na muli sa bintana.

Hah? Ang bilis naman nitong sumagot eh hindi naman to nakinig?? Atsaka bakit nya nilapag dito hindi nya ba naisip na baka kopyahin kotong sagot nya?!? Hindi ba sya nag i-isip na baka tarantado ako??

Tinignan ko ang papel nya at nagulat sa mga sagot nito. Batid kong lahat ito ay tama pero hindi ako gantong klaseng tao kaya hindi ako kumopya.
Ang bunga ay lahat kami zero at si Harah lang ang naka perfect. Na mangha ako sa ka-kayahan nito dahil kahit hindi ito nakinig ay madaming na-i-tambak na stock knowledge!

Lunch time na namin at lumabas na ako hindi para bumili ng pagkain kundi para mag skincare sa cr. Pang babae ang mga kilos ko pero hindi ako bakla! Sadyang si nanay lang talaga ang pinaka close ko at nag iisang nag palaki saakin dahil ang tatay ko ay sa abroad nag t-trabaho bilang Isang professional surgeon kaya ito hindi ako lumaking ganon ka tapang.

Kinuha ko ang sunscreen ko at ng pag harap ko sa salamin ay may babaeng nakatingin saakin. Hindi ko ito pinansin dahil alam kong nag h-hallucinate lang ako para akong Isang estatwa sa loob ng Cr na nakatingin lang sa sariling pagninilay.

Maya-maya ay ngumiti ito ng napaka laki at nakakapangilabot. Hinawakan ko ang ulo ko at mariin itong pinisil sa takot pinagpapawisan na ako kahit malamig naman. Thankfully may pumasok na group of friends sa loob kaya tumigil ang pag h-hallucinate ko.

"Oy mga pre Nakita nyo si Nazalea? Grabi boy swabe ang ganda parin! Lalo ata syang gumanda pre?"
Nag kwentuhan ito at tuluyan na akong umalis sa Cr at pina-bayaan ko nalang na hindi makapag lagay ng cream sa mukha. Dali dali akong bumalik sa upuan ko at napansing walang ka tao tao maliban sa aming dalawa ni Harah!

Hinanap ko ang aking panyo
upang punasan ang mga pawis ko pero wala akong nakita mukhang nawawala pa ito nako Naman! "Hala?? Nasaan nayun??"

Nang ako'y gumilid ay Isang mabangong kamay ang lumitaw sa harapan ng aking mukha na may hawak na panyo na hindi naman saakin.

"Use this." Matipid nyang sambit
"Hala pero sayo yan" Wala syang sinabi pabalik at inihulog nalang saakin ang kayang panyo edi wow cold but kind sambit ng aking utak.
"S-salamat Harah."

Wala manlang akong narinig na welcome oh kahit ano pero hinayaan ko nalang ito at nag punas na ng pawis ng biglang may pumasok na guro sa classroom at sa bintana lang naka tuon ang pansin.
"Ahhh good morning po"
Marahan kong pag sa-salita ngunit wala akong natanggap na salita pabalik. Ang guro ay naka steady lamang at nakatingin lang sa bintana. Weird.
"Ahh hello po?"

Maya-maya ay tinapik ako ni Harah at nilagay nya ang kanyang Isang daliri sa kanyang namumulang labi

"Shhhhh."

Signal nito saakin na manahimik
Maingay ba ako? Eh ang hina-hina ko lang mag salita atsaka nag greet lang naman ako sa guro na simbolo ng pag-galang.

Tumingin ako ulit sa guro pero bigla nalang itong nawala nagulat ako at agad na tinignan si Harah.
Ngumiti ito na labis ko din na i-ki-nagulat.

"Huh?"

Tumingin na itong muli sa bintana as usual.
Ako? Nginitian ni Nazalea?? Yung villain of the campus? Nginitian ako? weh. Pataka-taka kong pag iisip.

Nag simula na din na mapuno ang klase at naging maingay.
May guro na pumasok at nag announce na suspendido daw ang klase dahil sa meeting na magaganap ng mga guro at school principal kaya maaga kaming pina-uwi.

"Baby ko? Hatid na kita pauwi baby ko!" Nagulat ako hala ano yun?
Isang gwapong lalaki ang lumapit kay Harah at inakbayan ito. Walang emosyon ang ipinakita ni Harah dito.

May bf na pala sya akala ko single eh. Luh teka bat ko ba iniisip yun eh wala naman akong pakealam.

Ilang segundo lang ng titigan kong muli si Harah ay mukha na itong na p-pikon sa lalaking naka akbay sakanya kaya inikot nya ang kamay nito sanhi ng pag sigaw ng lalaki sa sakit.
"Aaghh!!"
Sabay naman ang pag sipa nya sa likod ng tuhod nito dahilan para ma out of balance ito.
Nanlaki ang mga mata ko gayun din ang nga istudyante sa likod ko dahil sa ginawa ni Harah. Marunong syang makipag laban.

Matapos nyang saktan ang lalaki saka na ito umalis na parang walang nangyari.

Nakahiga parin ang lalaki at nakahawak sa kayang inikot na kamay na pa pa-ungol ito sa sakit.

"A-aggghh! Buysit na babae to!"


Umatras ako at hinawakan ako sa balikat ni Lyro

"Uwi na tayo pre wag mo na panoorin yan HAHA" Natatawa ito. Napa-ngiti  nalang din ako sa dahilang kayang mang knockout ng isang babaeng katulad ni Harah ng lalake sa i-ilan lamang mga sumusunod na segundo.

Lumabas na kami ng may ma-bangga akong babae "Ouch!" Galit na pag sigaw nito sakin nagulat naman ako ng makita ang aking na bangga ay si Shanelle L. Salegas!

C   A   M   I    L   L   A

Beware of herWhere stories live. Discover now