Chapter 13: Campus Princess

Zacznij od początku
                                    

Hindi ako pwedeng mag kamali, 'yong mga tingin niyang iyon.

"How dare you?! After what I've done for you?!" Galit na sigaw nung babae.

"I don't care." Malamig na sabi ni Kalli palamig.

"No! You can't broke up with-"

"There's no us to begin with!" Tumaas balahibo ko sa sigaw ni Kalli palamig. "I'm ending your delusional here and now! Stop following me and spreading to everyone that you're my girlfriend!" Narinig kong umiyak ng malakas ang babae kasabay ng mga yapak na palapit sa'kin kaya napatakbo ako palayo.

Sana hindi niya ako nakita jusko. Sino kaya 'yon? Nakakatakot palang magalit si Palamig.

Nangilabot talaga ako sa sigaw niya, pakiramdam ko lahat ng balahibo ko sa katawan tumaas.

Siguro kung ako nasa pusisyon nung babae maiiyak din ako.

Inalis ko nalang sa isip ko 'yong nakita ko. Kahit kailan talaga walang puso ang isang 'yon. Kung ako lang talaga kaibigan niya baka nakaltukan na siya saakin.

Mixed signal siguro si Kalli na malamig kaya naging delulu bigla 'yong babae. Nakakamoy pula ang ate niyo.

Naglakad lakad nalang na muna ako hanggang sa medyo mag gabi na din. Hindi na lumitaw si Willa at Paige, hindi ko alam kung nasaan sila.

Palabas na ako ng campus ng biglang may tumawag sa akin.

Agad ko namang sinagot 'yon, panibagong racket din to.

"Oh Kuya Luis?" Sagot ko.

"Busy ka ba ngayon?" Tanong niya.

Napatingin ako sa oras medyo nagulat pa ako kase alas siyete na at may pagkain na din sila sa bahay kase nag dala daw ng grocery sila ate bago umalis kaya nakapag luto si Amaro.

"Hindi naman." Sabi ko. "Bakit?"

"Kailangan ng tao sa bar, punta ka dito." Sabi na eh racket ulet to.

"Sige kuya, papunta na." Sabi ko at binaba na niya ang tawag.

Agad akong pumara ng tricycle at pumunta na sa bar.

Pag dating sa bar agad akong sinalubong si Kuya Pedo, kapatid ni Kuya Luis.

"Nandyan ka na pala." Sabi niya kalapit ko sakaniya.

Ang aga pa pero ang dami na ng tao, mostly saknila mga bata pa.

"Kanina ka pa hinihintay ni Kuya Luis." Sabi niya at nag madaling pumasok.

Hindi pa siya nakakalayo nung may limang kotse na bagong dating. Ang dami ng tao, parang may pa concert sa loob.

Nag madali na din akong pumasok sa loob at tumulong. Pag dating sa loob agad din akong nag suot ng pag waitress na suot.

Bago lumabas huminga muna ako ng malalim.

"Kaya 'to." Sabi ko sa sarili ko at lumabas na.

Ilang customers na din ang na serve ko at ang ilan sakanila kilala pa ako. Student ata sila sa OU, hindi ko nalang sila pinapansin pag inaasar nila ako. Buti nalang mahaba pasensya ko sa mga kagaya nila.

May 30 mins na siguro akong galaw ng galaw pero hindi sila nauubos kase kapag may lumalabas na isang customer may dumadating na lima. Pati sa rooftop puno na din tapos nag lagay na din kami ng mga tables sa labas. Inopen na din namin yung kabilang pwesto na bukas palang sana bubuksan pero kailangan na din namin ngayon.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz