Chapter 3: First Disaster

4.3K 189 10
                                    

5 years ago

Tala Amara's POV

"Good morning Philippines!!" Sigaw ko saktong kagising ko.

"Ang ingay mo ate!" Napatingin ako kay Tarah, yung bunsong kapatid ko.

"Aba tama lang ano! Bumangon kana dyan!" Sigaw ko sakaniya.

"Ate maingay kapa sa tilaok ng manok" sabi naman ng pangalawang bunso namin na si Amaro.

"Mag sibangon na kayo!" Sigaw ko ulet at iritang nasipag tayo naman sila na kinatuwa ko.

Tumingin ako sa salamin, bigla kong namiss si papa at mama. Kamukhang kamukha ko kase si Mama tapos nakuha ko yung brown eyes ni papa.

"Good morning ate!" Bati ko sa ate ko na si Amira, kahit papaano nakakangiti naman siya kahit hindi nakakapag salita.

May disabilities si ate kumbaga inborn then yung paa niya payat hindi niya magalaw pati mga kamay niya, ni close open nga hindi niya magawa sa kamay kumbaga hindi fully developed kaya naka wheelchair siya ngayon.

Nakakapag salita naman siya pero putol putol kaya minsan  itataas niya lang ung kamay niya para ituro kung saan niya gustong pumunta minsan naman tatango siya pag tinatanong namin, maayos yung mukha niya parang sa normal na tao lang kaya makikita mo yung ganda niya.

"Ate mag luto ka ng itlog" rinig kong sigaw ni Amaro mula sa banyo.

"Ikaw Tarah anong gusto mo?" Pasigaw na tanong ko naman.

"Hotdog!" Sigaw niya.

Oo ganto talaga kami pag umaga nag sisigawan.

"Ang aga aga nag sisigawan kayo" lumabas si Lolo kaya agad na lumapit ako sakaniya.

Medyo mahina na din si Lolo simula nung namatay si Lola two years ago. Hindi kase kinaya ni Lola yung pagkamatay ni mama kaya nanghina siya nang nanghina hanggang sa sumunod siya kay mama.

Maaga kaming naulila, tatlong taon palang si Tarah nung nawala sila mama. Alam namin pareho silang may inaplayan na trabaho sa ibang bansa at sabay silang umalis.

Ilang araw lang nakalipas nabalitaan namin na nag crash yung eroplanong sinasakyan nila at isa sila sa mga namatay. Tatlong taon na din yung nakakalipas simula nung nawala sila pero parang kahapon lang din yung lahat, masakit paren.

"Musta ka lo?" Tanong ko sakaniya.

"Okay naman" napangiti ako ng tipid. Alam ko mahina na din si Lolo hindi niya magawang mag pahinga dahil iniisip niya kami.

Hindi naman sa ayaw ko siya mawala pero ayaw ko kaseng nahihirapan siya.

"Ikaw lo, anong gusto mong almusal?" Tanong ko sakaniya.

"Pandesal apo, meron?" Napasampal ako sa noo ko.

Nakalimutan kong bumili, hindi din kase ako agad nagising.

"Teka lang lo bibili ako" sabi ko at nag madaling lumabas ng bahay.

Tumakbo na ako para makapag luto din ako agad buti nalang hindi masyadong malayo ung bakery.

"Ang aga mo naman" sabi ni manang.

"Nay, anong oras na ba?" Tanong ko sakaniya.

"Alas kwatro palang" napakunot naman yung noo ko, akala ko alas cinco nako nagising.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now