INITIUM

23 4 0
                                    


TAGLISH

Sa aking pag kaka-alam ay pag na c-coma ang Isang tao ay namumutla ito maging ang kuko ay nagiging asul, may iba pang tumatanda ang itsura dahil sa mahabang pag tulog nito.

Ngunit.

Ang babaeng yon ay tila walang pinagbago. Sa kalahating taon nitong na-coma ay maamo parin ang kanyang mukha at tila hindi na m-mutla maging ang kanyang itsura ay bagamang hindi tumanda, nanatili ang angkin nitong ganda.

Ang babaeng ito ay nasaksak ng isang istudyanteng hindi kilala at nahulog Mula sa 3rd floor ng terrance sa aming pa-aralang Lanyera national  senior high school.

Ang kanyang pangalan ay Joharah Mae T. Nizalea oh mas Kilalang 'Harah' ito ang aming Grade 12 secretary. Ang chismis na kumakalat sa aming paaralan ay nung bumalik daw si Nazalea ay tila nag bago ang pakikisama nito hindi na daw ito pala ngiti at palakaibigan, ng pumasok itong muli ay para itong bagong istudyante na walang kilala na kahit sino.

Pag ang mga mata nito ay iyong naka salubong ay may mararamdaman kang yanig sa buong katawan sa bagsik ng mga titig nito. Lahat ng mga istudyante ay nag simulang umiwas sakanya, maging ang mga guro na dati'y paborito sya ay hindi narin nakipag halubilo sakanya. Dahil sa kakaibang pakiramdam pag ika'y tinigigan nito.

Ang babaeng ito ay dati kong hinahangaan dahil sa masigla nitong personalidad ngunit lahat ng ito ay nag laho ng sya ay ma-comatose.

Ako si Tristan B. Monastreal, Isang normal na istudyante sa Lanyera kilala bilang pinakatahimik at pinaka wirdo sa lahat.

BEWARE OF HER

~ C A M I L L A ~

Beware of herWhere stories live. Discover now