CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dalawa!"

Tinaas pa niya ang kanyang paa sa desk.

"Tatlo! Hindi ako nagbibiro, Delgado! Ibabato ko sayo ang mga upuan dito!" Nanlalaking matang banta ko sa kanya. Humikab lang siya. Pagtapos ay tumingin sa akin.

"Goodluck sa pagbato ng mga upuan. Pero gusto ko lang ding malaman mo na naiirita na rin ako sa kaingayan mo. Kapag hindi ka tumahimik, ipagkakalat ko na nahalikan na kita."

Namutla ako bigla.

"Tangina mo ka!" Pinaghahampas ko ang braso niya at tinadtad siya ng mura.

Napadaing siya sa sakit. "Stop it, Rhea."

"Don't call me Rhea! Ang lakas ng loob mong takutin ako!" Patuloy ako sa pagsuntok. Patuloy din siya sa pagsalag. Hinawakan niya ang dalawang braso ko. He pinned me against the armchair.

"Masakit yun, ah." Bigla siyang nagseryoso. Hindi ako nagpatinag. Galit ako!

"Dapat lang 'yon sayo!"

"You know what? Maawa pa naman sana ako sayo pero dahil sinapak mo ako, hindi na magbabago ang isip ko." Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.

"A-anong gagawin mo-hmp!"

It was a brief kiss. Sa sobrang gulat, hindi ako nakareact agad. Umawang ang bibig ko.

"Our second kiss." he smirked. Nawala ang pagkaseryoso.

Tumayo siya pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"I'd rather punish you than have a prize. Prepare for it, Rhea Louisse."

♚ⓛ♔ⓐ♛ⓓ♔ⓨ♚

"Kawawa naman 'yang cake. Minurder mo na."

Break time na. Kasama ko si Anne. Wala akong ganang kumain. Tuluyan ng nasira ang araw ko. Thanks to Delgado. Waging-wagi na naman siya.

Iniisip ko ngang siya ang chocolate cake na inorder ko kaya wala akong ginawa kundi tusuk-tusukin lang ang pagkaing 'to.

"Badtrip ka pa rin kay Ren?" Tanong ni Anne habang nginunguya ang sandwich niya.

"Huwag mo ngang mabanggit-banggit ang pangalan ng hayop na 'yon!"

Napailing si Anne. "Kawawa naman ang mga taong nasa loob ng room. Nadadamay sa away niyo. Feeling ko nga kanina sasabog na ang room sa inyong dalawa."

Yeah, right! Wala kaming ginawa ni Delgado kundi magsagutan ng mga walang kwentang salita. Pilosopo na kung pilosopo. Kung wala nga lang adviser, baka ni-wresting ko na siya.

Nakakabwisit na talaga. Buti nga nakakapagtimpi pa ko, eh. Napakaepal niya. Lahat na lang pinupuna.

"Bakit ba kasi napunta pa sa department natin yung bwisit na 'yon?"

"Ikaw lang ata ang may ayaw na nandito siya." Nakarinig kami ng mga tilian mula sa mga babae. Parehas kaming napalingon sa entrance ng cafeteria. Nando'n ang pinakakinaiinisan kong tao sa mundo. Feel na feel ang atensyong binigay sa kanya ng mga schoolmate namin.

"Oh? Kita mo sila? Baliw na baliw sila kay Ren."

"Pakialam ko? Pare-parehas naman silang baliw! Tse. Feeling naman niya cool na siya ng lagay na 'yan?"

"Hindi ka ba nagagwapuhan kay Ren?"

Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig.

"Tangina! Iyan? 'Yang bakulaw na 'yan magiging gwapo sa paningin ko? Magpapabulag na lang ako!"

Napangiwi na lang si Anne.

"Watch your language, Rhei." Babala ni Anne. "You should stop cussing. Ang pangit pakinggan. Wala talagang magandang resulta 'yang pakikipag-away niyo ni Ren sa isa't-isa."

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon