Chapter 12: Ideal Girl

Start from the beginning
                                    

Napabilib ako lalo nung tumalon si Yelo kahit wala pa 'yong bola sakaniya nung malapit na siya sa ring biglang pinasa ni Manyak 'yong bola sakaniya ng pag kalakas lakas. Nasalo naman 'yon ni Yelo at buong lakas na nag dunk.

"Wow." 'yon lang ang nasabi ko.

Nag patuloy ang laban nila hanggang sa umabot ng 4th quarter. Hindi na pumasok si Yelo at Manyak sa last quarter, nag damit na sila kaya napailing ako. Medyo mayabang parin talaga sila.

"That's our duo." Sabi ni Rhya.

Napatingin ako sa score board, halos mapanganga ako nung makita ko 'yong score.

"10 - 60 ampota." Gulat kong sabi.

"Impressive as always." Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pag sulpot ni Paige.

Saan ba galing ang isang 'to. "Ano ba, Paige!" Inis kong sabi sakaniya na kinatawa lang niya ng mahina.

"Hindi ka pa nasanay." Napairap nalang ako sakaniya na kinatawa ni Noelle kaya napatingin ako sakaniya.

Nakatingin pala siya sa amin. "You haven't changed, Paige." Sabi niya.

"Same goes for you, Noe." Bakit pa ako magugulat? Mag pinsan nga pala sila si Yelo kaya matik na mag kakilala sila.

"Waaaaahhhhhhhh! Gooo Iannaaaaa!!" Napatakip ako ng tenga nung biglang tumili si Willa.

"Bunganga talaga nito eh." Sabi ko.

"Well she's really loud since elementary." Sabi ni Rhya.

So kilala pala talaga nila 'tong dalawa. Akala ko kase dati sakanilang apat lang umiikot mundo nila. Parang wala silang pakealam sa mga taong nakapaligid sakanila.

Ang ingay na tapos ang init pa.

"Here." Napatingin ako kay Noelle, inabot niya sa akin ang isang bottled water tapos panyo.

Tinignan ko siya ng nag tataka. "Drink it then use this." Turo niya sa panyo.

Hindi ako kumilos at nanatili lang akong nakatingin sakaniya, ngumiti siya at kinuha 'yong panyo sa akin tapos pinunas niya ang pawis ko sa may noo. Hinayaan ko lang siya na gawin 'yon.

Hindi ko alam pero para akong kinilig ng konti sa ginawa niya. Pwede pala akong kiligin sa babae.

"There." Sabi niya at nginitian ako ng pagkatamis-tamis.

Napangiti na din ako, nakakahawa ba naman kase eh.

"Kalli,  I'm starving!" Biglang sigaw ni Rhya kaya napatingin sakaniya halos mga taong nandito.

"Here we go again." Rinig kong sabi ni Noelle habang napapailing.

Nagkatinginan naman si Yelo at Manyak tapos tumango sa isa't-isa bago tumayo at lumapit sa amin.

Nag taka naman ako kase hindi pa tapos 'yong game nila pero umalis na sila.

"Tara." Ang lamig parin talaga. Kailan ba matutunaw 'tong yelong to.

Hindi ko na sila pansin at tinuon 'yong atensyon ko sa pinapanood ko pero pota may biglang humila sa akin.

"Let's go!" Shuta, si Rhya.

"Teka lang sila—" napatigil ako nung makita kong hinihila din pala nila si Willa at Paige.

"Time out! Nanunuod ako eh!" Pumiglas ni Willa mula kay Manyak.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Where stories live. Discover now