Sleep 1

14 1 0
                                    

Sleep 1

“Ma, pa... boyfriend ko na po si Asher” puno ng kaba kong pag-amin sa harap ng pamilya ko. Sumulyap ako sa pinto, nagbabaka-sakaling makita roon ang papasok na si Asher. Kaso wala. Kaya napabuntong hininga na lamang ako at umayos ng upo sa sofa ng room ni Ghon.

“Talaga 'nak?” nakangiting tanong ni mama sa akin. I looked at her saka binigyan siya ng isang ngiti, “Yes”

“Aba dapat natin 'yang e-celebrate”

Napalingon ako kay papa na nakaupo sa gilid ng kama ni Ghon nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko ngayon. Biglang nawala ang hiya matapos sabihin na kami na ni Asher.

“Dad” asik ko sabay kamot sa ulo. Natawa silang tatlo sa naging galaw ko.

Nasaan ba kasi si Asher? Ah, baka kasama niya ngayon ang pamilya niya.

“Seryoso, Erian?” Nilingon ko si Ghon na nakaupo sa kama habang nagsisimula na naman akong asarin. Argh. Nakakainis talaga 'tong si Ghon. Lahat na lang kasi ng sasabihin ko, gagawing loko. “Boyfriend mo si Asher? We di nga-” naputol sa pagsasalita si Ghon ng batuhin ko siya ng unan at malakas na tumawa.

“Bakit hindi ba kapani-paniwala?”

Ngumisi siya, “Hindi. Saka paano mo siya naging boyfriend? Huwag mong sabihing ikaw ang nanligaw?”

Napapikit ako sa inis. Itong kambal ko, ang sarap ihulog sa building. Nakakabwesit minsan e.

“Pinagsasabi mo?” naasar kong tugon, “Hindi ka ba naniniwala na kami na ni Asher ko?” tumayo ako at lumapit kay Ghon. Pipingutin ko siya baka sakaling maniwala. “Hoy ka! Ako manliligaw? Nah! Kahit tumigil pa ang ikot ng mundo, never akong manliligaw makuha lang siya. Ew”

Nang makalapit ako sa kama niya ay piningot ko siya. Napa-aray naman siya. Psh. Oa. Ang hina lang kaya ng pagkapingot ko. Kahit minsan nakakainis si Ghon, hindi ko pa rin siya kayang saktan 'no. Mahal na mahal ko kaya ang kambal ko.

Sinita ako ni Mama sa aking ginawa kaya tumigil na ako. Pinandilatan ko ng mata si Ghon na ngayo'y nakangisi na ng malaki.

“Lecheng sakit 'yan. Pagaling kana kasi para mabugbog na kita.” natatawang saad ko.

“Sabi ng Doctor, maaari na raw akong makalabas sa susunod na susunod pa na linggo.”

“True?”

“Anong true?! Malamang lalabas ako! Ayoko na rito!” malakas na reklamo ni Ghon na ikinatawa naming lahat.

Ayaw na ayaw niya talaga rito. Simula bata pa kasi siya rito. Nakakalungkot isipin pero hindi nakakalabas ng malaya ang kambal ko. Alam kong sa kalooban niya, gustong-gusto na niyang tumakas. Sinubukan nga namin noong nakaraan kaso palpak naman.

“Naks! Hindi kana tatakas! Yey!” saad ko, niyakap ko ng mahigpit si Ghon. Hindi niya ako niyakap pabalik kundi binatukan lang. Sumimangot ako at mas lalo ko pa siyang niyakap.

Ilang saglit pa ay napaurong kaming dalawa nang may kumatok. Sabay kaming napalingon ni Ghon sa pinto. At nakita doon si Asher na nakatayo habang nakapamulsa.

“Uy pare!” bati ni Ghon saka umalis sa pagkakayakap ko at lumapit kay Asher saka doon umakbay. Binulungan ni Ghon si Asher.

I know for sure, magtatanong na naman 'yan. Kung sino bang nanligaw sa aming dalawa. Si Asher ba o Ako.

Pinagmasdan ko ang dalawa na nanatiling nakatayo habang nakaakbay si Ghon kay Asher. Napakamot sa batok si Asher at natatawang binulungan pabalik si Ghon. Biglang nanlaki ang mata ni Ghon at bahagya pang napatingin sa direksyon ko.

I'LL SLEEP WHEN I'M DEAD Donde viven las historias. Descúbrelo ahora