And there she is.

Si tyanak na ngayon ay nililibot ang tingin sa buong klase.

"Looks like you saw an Angel guys." Pabirong sabi ni miss Stella pero ni isa walang tumawa o sumubok na magsalita.

Habang nagsasalita siya sa labas ay nakatingin lang ako sakaniya at nakikinig. Mahirap na ,baka ipahiya ako nito eh kawawa naman ako.

"Mr Jiro , baka gusto mong tumitig nalang kay miss rei buong buhay mo?" nagulat ako nang banggitin ni miss ang pangalan ko ay nakatingin kay Jiro na ngayon ay nakangiti saakin.

"Pwede naman ma'am , ang ganda kasi niya eh kahit apat yung mata." nagsitawanan naman ang iba at ang iba ay nanunukso.

"Shut up everyone , or else bagsak kayong lahat sakin!!"sigaw ni miss kaya nagsitahimik ang lahat.

"I'm sorry ma'am." Jiro apologized.

"Wow, you apologized. That's the first time mr Jiro." Saad ni miss Stella habang nakahalukipkip.

"May inspiration lang ma'am." Jiro said while looking at me.

Medyo kinikilig ako.

"Inspiration to expiration Mr. Jiro." miss Stella rolled her eyes and tumingin saakin.

Tumingin siya saakin ng masama na parang pinapatay na ako.

Omg siguro crush din niya si Jiro.

Hays sa ganda ba naman ni miss siguro siya ang pipiliin ni jiro (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠).

Hanggang matapos ang klase ni miss ay lutang lang ako.

Kailangan ko talagang layuan si Jiro , Lalo na kasi gusto rin siya ni miss. Ayokong maging third party no , ayoko kaya.

Habang inaayos ang mga gamit ko ay nakita ko ang ginawa kong paper ring last time. Kaya nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at gusto ko ibigay 'to kay miss.

"Angel!" Rinig kong tawag saakin ni Jiro.

"Una na ako raven ha , antayin kita sa canteen."tumango nalang ako sa sinabi ni Bernice.

"Ha?" tanong ko sakanya.

Tumingin siya sa kamay ko na may hawak na paper ring at ngumiti saakin.

"Para saakin ba yan?" tanong niya saakin.

"Hindi 'no , ibibigay ko kay miss. Babyee." aalis na sana ako but suddenly he grabbed my wrist.

"I will let you out here in our classroom when you allow me to date you." nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong umiling.

"Ayoko nga." sagot ko.

"one week na date lang raven, promise kapag di ka na in love saakin sa loob ng one week then hindi na kita guguluhin. Promise ko yan." he said while his eyes are begging.

"Hindi talaga ako mahuhulog sayo Jiro kaya bitawan mo na ako." tugon ko pero umiling lang siya.

"Give me a chance raven , please?" napasinghap nalang ako at tumango.

"Pero hindi mo na ako guguluhin pagtapos non ha?" tumango naman siya at niyakap ako.

"Thank you raven." tinulak ko siya konti para kumalas sa yakap niya.

"Welcome , una na ako." kinuha ko na ang bag ko at patakbong lumabas sa room.

Pero wala na si miss.

Pumunta rin ako sa office niya pero wala talaga siya ron.

Saan na ba yon?

Biglang may tumawag sa cellphone ko at si Bernice yon ,kanina pa ata siya naghihintay sa canteen.

"Hello?"

"saan ka na? gutom na ako ihh." tumawa ako sa sinabi niya at agad siyang sinagot.

"Papunta na po. " bago na end ang tawag ay parang may tao sa likuran ko.

"Looking for me?" that voice.

Tumingin ako sa likuran ko and there she is.

"A-ah miss." panimula ko pero nauutal ako.

"What?" she raised her eye brow and she looked to my right hand.

"Ah kasi po.."

"Kasi what?  akin na." she handle her hand in front of me at agad naman akong nagtaka.

"Po?" i asked.

"Is that for me?" alam kong tinutukoy niya yung paper ring sa kamay ko.

"O-opo." gagi nauutal talaga ako.

"ibibigay mo ba sakin o ibibigay mo lang?" dahan dahan siyang lumapit saakin kaya napapaatras ako.

Ano ba raven bakit kasi ayaw mo pa ibigay?
Matapang ka raven diba? tarayan mo rin siya kapag tinarayan ka.

"Common raven give it to me or else..." napalunok nalang ako sa mga sinasabi niya but suddenly she's getting closer in my face.

"M-miss."

And in the end ,nakuha rin niya yung paper ring sa kamay ko.

"Ibibigay mo rin pala ,pinahirapan mo pa ako." umirap pa siya saakin at tyaka tinignan ang paper ring na ginawa ko.

"A-alis na ako miss , hinihintay kasi ako ni Bernice sa c-canteen eh." aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita ulit.

"Pumayag ba ako na umalis ka na?" huminto ako saglit sa harapan niya at nakipag eye to eye sakanya.

Nakakatakot ang mukha niya.

Tumakbo nalang ako at hindi na nakinig sakanya. Nang makalayo sakanya ay tumingin ulit ako sakaniya and she throw away the ring.

"Bakit pa niya kinuha yon kung itatapon rin niya? Siguro tabingi yung pagkakagawa nung ring. Gagawan ko nalang siya ng mas maganda sa susunod." tumakbo ako papuntang canteen at naabutang nakalamon ng burger si Bernice at kaharap si kuya.

"Kapatid mo ba 'to raven , ang pangit ng ugali eh." natawa nalang ako sa sinabi ni Bernice kay kuya.

"Kaibigan mo ba 'to anghel , ang pangit nang mukha eh."sinamaan ko ng tingin si kuya at agad na binatukan.

"Isusumbong kita kay papa , wala kang respeto sa babae." pananakot ko sakanya.

"Bakit ba kasi ang tagal mo raven , ang sungit pa naman ng kuya mong feeling  pogi mukha namang polka dots sa dami ng nunal sa leeg." panlalait ni Bernice.

"Payag ka non kuya ,polka dots ka raw?" tanong ko , nagbabayangan na sila nang tingin eh.

"Hoy babaeng apat ang mata na pareho sa kapatid kong mukhang kalabasa sa sobrang kalinawan ng mata , mukha kayong pinagbiyak na bunga ng upo at papaya." laglag panga akong nakatingin kay kuya ganon din si Bernice.

"Bastos mo kuya, you're grounded!" sigaw ko sakanya.

"Grounded saan?" tanong niya.

"Tanda mo yung gasgas ng kotse mo dahil nakabangga ka ng pusa? isusumbong ko iyon kay papa dahil hindi ka nagiingat sa daan." he raised his eye brows at ngumisi saakin.

"Edi isumbong mo." tumayo na siya at umalis na.

"Gunggong pala nung kapatid mo 'no?" tanong ni Bernice.

"Kapatid ko eh." proud na sabi ko.

"Kaya pala same kayo na maputi , ang pinagka-iba lang maitim yung budhi niya ,yung sayo maputi pa rin."

Natawa nalang ako sa sinabi niya kaya kumain na rin ako dahil sa gutom na rin ako eh.

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now