Chapter 00:

9 1 0
                                    

00:

"I'M coming home next week." Wala sa sariling napatingin ako sa kalendaryo nang marinig ang sinabi ni Almond sa kabilang linya. Friday ngayon.

"Anong araw?"

"Monday."

"Alright. Noong isang araw pa nga ako kinukulit ni Nessy, miss ka na raw niya." Almond chuckled as I brought up Nessy. Malapit si Nessy kay Almond kaya naman halos araw-araw ay bukam-bibig ito ng anak ko.

"Si Nessy lang ba ang nakaka-miss sakin? How about the mother?" Napairap ako. Bakas sa boses nito ang panunudyo. Kung hindi ko lang kilala ang lalaking ito, ay baka tiklop din ako dito. Sa gwapo at lakas ba naman ng karisma nito, ay suskuporudeh.

"Amaccana, Bish. Batak ako sa ganyan. Sa isa lang naman ako tumitiklop e." Silence enveloped the both of us at parang gusto ko na lang talagang magpalamon sa lupa. Shit, ano bang pinagsasasabi ko? "HAHAHA, sige, chat mo na lang ako pag byahe ka na. Bye-"

"He's coming with me, Estelle." My knees wobbled as soon as I heard that. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawang kumalma.

"N-No-"

"Yes, Estelle. Sai...Isaiah Trigueros, is coming with me on Monday."

I shook my head kahit alam kong hindi iyon nakikita ni Almond. That can't be.

"A-Almond..."

"It's been 7 years, Elle." Hindi ako kumibo. "Don't you think, its finally time to settle this matter?"

"Almond, it's not for you to decide. Buhay ko 'to. Buhay namin ng anak ko. You just can't do that. Para saan pa ang pagpunta ko dito para iwasan siya kung gagawin mo rin ang bagay na'yan?"

"C'mon, Estelle. You are now, Atty. Cameon. Hindi ka na bata para hindi maintindihan ang gusto kong gawin. Alam kong buhay mo - nyo ni Nessy ang nakasalalay dito. Pero hanggang kelan ka magtatago? Buhay din ni Sai ang isa pang nakasalalay, Elle. In short, buhay ninyong tatlo. Mahirap pa rin ba para sa'yo? Paano si Nessy? Lumalaki na ang bata, Elle."

Napakapit ako sa mesa ko para masuportahan ang nanginginig kong katawan. Tama si Almond. Nitong nakaraan nga ay laging nagtatanong si Nessy kung nasaan at sino ba ang Papa nya. Pero hindi pa ako handa. Sa mga nangyari dati, hanggang ngayon, parang kahapon lang.

"Hindi ko alam, Almond. Hindi ko alam. Anong gagawin ko?" I sobbed. I can hear Almond hum to hush me from crying.

"I'm with you, Elle. Naaawa lang ako kay Sai. Isipin mo rin si Nessy. Pinagkakait mo sa bata ang makilala ang Ama niya. Pagod na rin ako magsinungaling. And I know na mahal mo pa rin siya. It's time to unveil the truth now."

"Who are you talking to, Al?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isang napakapamilyar na boses sa kabilang linya. Isaiah.

"What truth are you talking about?" Tanong pa nito muli.

Bago pa man ako makapagsalita ay namatay na ang tawag. Damn, Almond. Hindi pa ako handa but I guess, this is it.

May tama si Almond. May tama siya sa utak. Big time.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CALLOUSEDWhere stories live. Discover now