At hindi lang basta kung sino. Si Nica Guerrero. Sa IG ko lang siya nakikita pero alam kong siya iyon.

Nandito rin pala siya...

Nakaupo na ro'n si number eleven sa table. Nando'n na rin iyong mga drinks na in-order niya para sa 'min. Habang iyong si Nica Guerrero ay nakatayo sa harap niya. Hindi ko masyadong naririnig kung ano iyong pinag-uusapan nila pero mukhang masaya kasi pareho silang nakangiti.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Nagkukumustuhan ba sila? Gusto ko sanang lumapit pero ayaw ng mga paa ko gumalaw. Nanatili lang akong nakatayo ro'n habang pinapanood sila.

Pero naisip ko lang, ano naman ang sasabihin ko kung lalapit ako sa kanila?

Parang ang awkward naman no'n.

"Girl, is that the volleyball player Roen Alejo?"

Napalingon ako sa isang table na may dalawang babaeng customer malapit sa 'kin. Pareho silang nakatingin kina number eleven at Nica Guerrero. Umawang ang labi ko nang maglabas iyong isa ng phone niya at p-in-icture-an iyong dalawa.

"Ay, oo nga, 'no? Ang gwapo talaga! Pa-picture tayo?"

"Gaga! Nandiyan iyong ex-girlfriend!"

"Ex na ba niya iyan? Akala ko, sila pa? Nanood iyang girl no'ng finals, 'di ba?"

Ex-girlfriend?

Akala ko... friends?

Nalipat agad ang tingin ko kay Nica Guerrero. Nagtagal ang mga mata ko sa kaniya. Maganda. Matangkad. Morena. At ang ganda rin ng ngiti niya.

Sunod ko namang tinignan si number eleven. At automatic na kumunot ang noo ko nang maabutan ko siyang pinapakita iyong signature smile niya.

Shit... kilalang kilala ko ang smile na iyon.

Iyon iyong madalas niyang gamit kapag... tsk.

Ewan ko pero naramdaman ko na lang na nagbuhol-buhol iyong mga malilikot sa loob ng tiyan ko. Hindi iyon iyong tipo na masarap sa feeling. This time, hindi siya maganda sa pakiramdam.

Dahil ba 'to sa paraan ng pagngiti ngayon ni number eleven kay Nica Guerrero? Dahil ba pinapakita niya rin iyong signature smile niya sa kaniya? Dahil ba... akala ko ay akin lang ang ngiti niya na iyon kahit iyon naman talaga ang default niyang ngiti sa lahat?

Nagseselos ba ako?

Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e.

Assume pa, Kai! Akala mo, special ka?

Buti na lang pala ay hindi pa ako nakakapag-confess. Dapat pala ay magpasalamat ako sa sinigang. Sign na pala iyon na 'wag muna.

At bakit ko ba kasi naisip na umamin? Pwede namang hindi. Ito talaga ang mahirap kapag nadadala ka ng emosyon at mga kilig moments, e.

"Uy," tawag ko kay number eleven nang lumapit ako sa kaniya. Mag-isa na lang siya ngayon at wala na si Nica Guerrero. Sa totoo lang, hinintay ko talagang umalis siya. Naninigurado lang kasi ayokong masuka sa harap nilang dalawa dahil biglang pumangit iyong sistema sa loob ng tiyan ko.

"Hey," nginitian agad ako ni number eleven.

Okay. Confirmed.

Iyon din iyong smile niya kay Nica Guerrero kanina.

Parang tanga sa totoo lang. Gusto kong sapakin iyong sarili ko kasi ang layo na pala ng napuntahan ng imagination ko. Mga naiisip ko talaga kapag may nagugustuhan ako, e. Nawawala bigla iyong ability ko na mag-isip nang straight. No pun intended.

"Kai, wala kang receive," sabi ni coach no'ng mag-timeout kami. "May problema ba tayo?"

Hindi ako makasagot.

Shit... kahit ilang beses ko yatang sabihin sa sarili ko na 'wag masyadong isipin si number eleven at ang feelings ko sa kaniya, e, unconsciously ko pa ring nagagawa. Sabi ko pa, buti na lang at hindi ako nakapag-confess. Pero nawawala pa rin talaga ako sa focus at iyon ang nakaka-frustrate.

Sobrang distracted ko to the point na nakalimutan kong may battle for bronze pa pala kami. Tapos sumabay pa iyong finals week namin na nawala na rin sa isip ko!

Hindi ikaw iyan, Kaizen!

'Wag mo muna isipin si number eleven please!

Hindi ka naman gusto no'n. Hindi ka naman iniisip no'n. Tignan mo, ni hindi nga nanonood ngayon sa game n'yo. Wala akong karapatang mag-demand na manood siya pero... pero kahit na! Tsk.

Friends lang daw... sus!

Pwede namang sabihin na ex niya.

At posible ba iyon? Na maging kaibigan mo ang ex mo?

"Wala kang kapalitan, Kai. Ikaw lang ang libero ng team. Ayaw mo ba mag-podium finish?"

"Bawi po ako, coach," sagot ko kahit ako mismo ay hindi sure sa mga ginagawa ko ngayon sa court.

"Drew, tulungan mo na si Kai sa receive ha? Jerome, quick play kung maganda ang hatid sa 'yo. Spikers, diskartehan n'yo. Kapag established na ang blocks, pa-check n'yo lang o i-reset ang play. Maliwanag?"

"Yes, coach!"

"Re-receive ako guys," sabi ko sa team.

Ginulo ni Jerome iyong buhok ko at binigyan ako ng thumbs up. At dahil kilala ko na ang captain namin, alam kong naiinis na iyan kasi kanina ko pa siya pinapahabol para sa second ball.

"Dalawa lang ang lamang nila ha? Habulin natin iyan!"

"Creston!"

"U!"

Nagpatuloy iyong game at nakabawi naman ako. Napaabot namin ng 5 sets iyong game 1 against Northville. Buti na lang ay naipanalo namin iyon via reverse sweep.

Pero hindi ako satisfied sa nilaro ko. Lately, napapansin kong ang dali kong ma-distract. Kailangan ko ng distraction mula sa dumi-distract sa 'kin ngayon.

Tss. Ano nang nangyari sa bakit mo ba kasi ginagawang distraction ang dapat ay inspiration mo, Kai?

Ay, ewan.

Matapos lang talaga itong off-season tournament at finals week namin, uuwi muna ako sa Baguio para makapagmuni-muni.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now