Chapter XX

62 10 1
                                    

—-
Warning! Sexual scene and strong language!

Continuing a new chapter with Tephen is challenging. Minsan, inaatake ako ng trust issues ko. Pero nandiyan siya at binibigyan niya ako ng assurance na kailangan ko.

It has been awhile since I felt a genuine happiness. Alam kong medyo minadali ang phase na ito kung saan hinayaan ko ang sarili kong tanggapin si Tephen pero hindi ba't ako rin naman ang magsa-suffer kapag pinatagal ko pa?

Natapos ang unang semester ng junior year ko sa college at muli ay parehas kami ni Tephen na nanguna sa buong department ng management at ganoon din sa buong campus sa sumatotal na markang 1.10.

Tatlong semester na lamang at matatapos na ang college life namin. Parang kailan lang talaga.

"Cheers to us! We survived another semester!" Sabi ko kay Tephen at hindi ko mapigilan na hindi siya yakapin. Dalawang linggo pa lamang kami ni Tephen at sa mga nagdaang linggong iyon ay mas lumalim ang effort na ipinapakita niya. He became more vocal as if he ayaw niyang mag-isip ako ng ikakagalit ko sa kanya at ikakasira ng relasyon namin.

"Cheers!" At niyakap ako pabalik ni Tephen.

We drank two bottles of flavored drinks at pagkatapos ay parehas kaming naligo bago kami matulog. Nakasanayan na niyang dito sa apartment ko matulog at lagi niyang ipinapakita at sinasabi sa'kin na masarap ang luto ko. Ubos niya palagi kahit sabi ko ay kailangan niyang mag-diet dahil malapit na ang nationals na pinaghahandaan nilang tatlo nina Felix at Peter. Kaya naman sa susunod ay puro gulay ang ipapakain ko sa kanya.


"Tang ina si Tephen at Gian, naghalimaw na naman!" Entrada ni Maricar sa unang araw ng aming ikalawang semester.

"Ano'ng mayroon?" Tanong ni Diana.

"Aba'y gold na naman 'yong dalawa. Parehas rank one sa buong department at pati sa school ranking! Relationship goal sana kaso waley naman sila!" Naiinis pa siya sa huli niyang linya kaya tinapunan na naman kami ni Tephen ng tingin ng aming mga kaklase. Wala silang alam.

"Ano pa bang bago sa dalawang 'yan e kumakain ata ng libro 'yang dalawang 'yan!" Kumento naman ni Diana.

"Pogi, mayaman, matalino! Saan ka pa?!" Si Melanie naman ang nagkumento.

"Kaya nga! Unfair naman! Ako nga maganda lang minsan palaisipan pa kung totoo." Biro naman ni Maricar kaya naging tampulan iyon ng halakhakan ng marami.

"At least aminado kang hindi ka matalino," puna ni Melanie.

"Si Ivy din naman ah!" Aniya kaya napatingin ako sa ex ni Tephen na si Ivy ma nakasalampak ang earphones sa tenga.

"Gaga ka! Marinig ka no'n!" Puna naman ni Diana.

"Kita mong nakasalpak na naman ang earphone. Paano ako maririnig niyan?" Ani Maricar.

New semester came with a lot of challenges. Pukpukan ang naging unang week ng aming semestre. Tatlo ang major subject namin at lahat iyon ay six units per subject. Plus dalawang minor subject na Philippine Literature at Banking and Finance.

"Tang ina si Sir Pasco, nauumay na ako sa muka no'n eh. Siya ang prof natin si PhilLit," anas ni Maricar habang nakikinig kami ng seminar about gender and sexuality.

"Tapos siya pa ang speaker ngayon. Umay!" Kumento naman ni Diana.

"Quiet, girls!" Puna ni Melanie kaya tumahimik na ang dalawa.

Sa seminar ay wala namang masyadong nangyari. Nakinig lang kaming lahat dahil required at walang klase.

Ginugol ko ang free time ko kasama si Tephen. Nag-survey na rin kami sa malapit na LGU sa aming campus at hindi naging mahirap iyon dahil sa face card na mayroon kami ni Tephen. Hinihingan lang nila kami ng results or findings dahil vital din daw ang study namin sa study ng Gender and Development (GAD) sa Local Government kung saan kami nagko-conduct ng research.

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now