CHAPTER 3:

63 6 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na boses ng nanay ko. Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok doon ang mukha ng nag-alala kong nanay.

“Jusko Reinei. Ano itong nabalitaan ko kay Bebang na may sumuntok daw sa'yo. Jusmeyo kong bata ka iyan na nga ba ang sinasabi ko." umupo siya sa tabi ko.

Pinikit ko ang mata ko ayaw ko pa kasing bumangon ngayon masiyado pang maaga at napuyat din ako kahapon.

“Anak, naman. Diba sabi ko sa'yo na ayaw kong masaktan ka. Sino ba iyang sumuntok sa'yo at masuntok din ng nanay? Ano masakit pa din ba?" nag-alala niyang sabi hinawi niya ang buhok ko at hinaplos ang pasa sa mukha ko.

“Ma, ayos lang po ako. Napagkamalan lang po ako kaya ako nasuntok. Pero ayos na naman ako."

“Talaga? Sige matulog kana ulit may pasok kapa."

Narinig ko ang tunog ng nakasaradong pinto kaya bumangon ako at hinanap ang cellphone ko. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko ito mahanap tsaka ko lang natandaan na ibinigay ko pala iyon kay Amanda. Sana naman kinuha niya ito.

Dahil wala ang cellphone ko ay naisip ko na maligo nalang muna. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng damit ay bumaba ako. Nagulat pa ang nanay ko ng makitang maaga akong bumangon kahit alas 8 palang sa umaga. Nasa sala siya ngayon at busy sa mga paninda niya na mga gulay.

“Ang aga mo atang bumangon Reinei. Maaga ka bang papasok ngayon?"umiling ako at lumapit sa tabi niya. Kinuha ko ang nahulog na talbos na kangkong sa sahig at inilagay sa lagayan.

“Aabsent po ako ngayon ma."

“Ano bakit ka aabsent? Nakong bata ka baka masira ang perfect attendance mo, oh baka may miss kang lesson." I gave her an assurance smile that make her sighed.

“Ayos lang po ma. Wala pong mga guro na papasok ngayon busy po sila dahil may program kasi silang gaganapin.” napatango ang nanay ko sa sinabi ko

“Sige ma alis na muna ako. Punpunta lang ako kila Bebang.”

“Oh sige, mag-iingat ka." Pagkatapos sabihin iyon ng mama ko ay lumbas ako sa maliit na bahay namin. At pumunta sa mansion nila Bebang na kapitbahay ko

Nasa harap ako ng malaking bahay nila Bebang. Nag doorbell muna ako at minuto lang ng lumbas ang maldita nikang mayordoma na nakataas ang kilay na nakatingin saakin.

“Anong pakay mo?"

Ngumite ako ng pilit sa kaniya.“ Si Bebang po?"

“At ano ang kailangan mo sa anak ng amo ko?”

“Kukunin ko po sana ang cellphone ko."

Tumaas ang drawing niyang kilay.“Sinasabi mo bang kinuha ng anak ng amo ko ang cellphone mo?"

Ba't ba siya tanong ng tanong.

Tumingin ako ng diretso sa mata niya na ikinabigla niya. Napa ubo siya bigla at umaayos ng tayo.“Hindi naman po sa ganoon. Pinahiran ko lang po kaya kukunin ko sana nakalimutan ko kasing kunin kahapon."

“Pasok." maldita niyang sabi nagpasalamat ako sa kaniya at pumasok sa loob ng bahay nila Bebang.

Pagpasok ko sa bahay nila ay nakita ko si Bebang na nakaupo at may dinidrawing. Lumapit ako sa pwesto niya ng hindi niya napansin ang presensya ko. Nakita ko ang drinawing niya isa itong semi realistic na ibon na may kadena sa paa habang nasa loob siya ng gold na hawla at nakatingin sa labas kung saan lumilipad ang ibang ibon doon na malaya.

“Nice. Pa drawing din ako ng ganiyan sa assignment lang." tumingin siya saakin at ngumisi. “ Sure basta may bayad."

“If you're looking for your phone nasa itaas kukunin ko muna." Dali-dali siyang umakyat sa itaas ng mansion nila.

He's a She: Reinei AugustineWhere stories live. Discover now