Kabanata 6: Lusob

5 6 0
                                    

NAKA-UWI na kami, si Santino naman tumakas pa, kinuntsaba pa 'yung driver ng kalesa, kaya ang ending, ayun nasa baba pinapagalitan ni ama, pero mas kawawa 'yung driver ng kalesa kasi muntikan na siyang ma fired.

Maraming bagay pa pala ang tungkol kay Catalina na hindi ko pa nalalaman. Tulad ng sa next month na pala ang kaniyang pasok sa school. Oo, tama. Kung hindi ko pa binasa 'yung diary niya 'di ko pa malalaman ang tungkol duon.

Oo, school! Akala ko ba naman makakapag rest na ako sa studies but wrong pala ako. May all girls catholic school pala dito na tanging mga anak lamang ng opisyal ng gobyerno ang nakakapag aral.

'Yung school na 'yon is Colegio de La Consolacion de Manila. Nakakaloka mga bes! Kunyari may kaya ang family mo but hindi politician ang dad mo, hindi ka makakapag aral doon kahit pa sobrang yaman mo na.

Patulog na sana ako nang biglabg maka rinig ako ng putok ng baril sa labas ng hacienda namin. Naririnig ko mula sa pintuan ng kuwarto ko na nakalimutan ko palang isara na nagkakagulo na pala sa baba. Agad akong sumilip at nakita ko si Ama na pinapa akyat sina Ina at Santino. Samantalang si Kuya Antonio naman ay sinabihan ni Ama na samahan siya.

"Santino anak, ihatid mo na ang iyong ina patungo sa bodega, gayundin ang iyong Hermana Catalina at mga kasambahay. At ikaw Antonio, samahan mo kami ng mga guardia sibil na harapin ang mapangahas na naninira ng ating hacienda" galit at matulin na sabi ni Ama.

Naiintindihan ko kung bakit si Kuya Antonio lamang ang isinama ni Ama, sapagkat si Santino lawyer siya, siguro wala siyang alam about pakikipaglaban, while si Kuya Antonio naman ay Heneral na.

Napatigil ako sa aking iniisip nang bigla akong hilahin ni Belinda, ang isa sa mga katulong rito sa hacienda "Binibini sumama na po kayo sa amin patungong bodega" nag aalalang sabi niya.

Pagkatungo namin sa bodega, naroon sina Ina, Santino, Maya at iba pang mga kasambahay. Bakas sa mukha nila ang takot.

"Anak ko Catalina, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba anak ko?" Nag aalalang tanong ni Ina.

"Ah, h-hindi po... Ayos lang po ako. Kayo po? At ano nga po pala ang nangyari? Bakit po biglang may sunod-sunod na nagpapaputok ng baril sa ating hacienda?" Takang tanong ko.

Yes, sunod sunod. Nag aalala na nga ako, baka napano na si Ama. Nakita ko kasi siya noong isang araw na nahihirapang mag lakad. Balak ko nga siyang I approach pero nahihiya ako. Bukas i'll try na i approach siya.

"Anak, normal na iyan sa amin, marahil ay mga kalaban sa yaman o politika ng iyong ama ang gumagawa niyan. Noong limang taon kang nasa Europa, gabi gabi ang pagpapaputok na aming nararanasan. Sinusubukan ng iyong Ama at mga kapatid na alamin kung sino ang nag uutos na gawin ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy sapagkat mabiljs at planado ang kanilabg mga kilos" sabi ni Ina.

Kawawa naman sila, imagine sa tuwing gabi na sobrang pagod ka na tapos may susugod bigla.

Ang mga katulong naman ay walang tigil sa pagdarasal ng rosaryo. Nakiisa na rin doon si Ina.

"Santino, sa tingin mo anong pakay nila rito? Bakit nila ginagawa sa atin 'to?" Curious na tanong ko.

Kasi, dahil lang sa pagiging rival babalakib mo nang kumitil ng life.

"Ate kahit ako 'yan din ang katanungan. Sa t'wing tinatanong ko naman si Ama hindi siya sumasagot kaya sa tingin ko para malaman kailangan basahin ang kilos ng mga nanlulusob at manmanan ang mga pinagsususpetsyahan" wika ni Santino.

"Pinapaghandaan pa lamang namin nila Ama ito ate. Baka sa susunod kami na ang lumusob sa kanila" seryosong sabi ni Santino sabay ayos sa salamin niya.

"Santino at Catalina, tigilan nga ninyo ang sarili ninyong diskusyon at magdasal" sabi ni Ina.

Ang Diary Ni LolaWhere stories live. Discover now