CHAPTER 2

8 0 0
                                    

MOVIE MARATHON

Ara's POV:

5:30 am palang ay gising na ko, gusto ko kasi na maaga rin akong matapos sa pag-aayos kahit mamayang 3pm pa namin sila pupunta rito.

After my morning routine, bumaba ako at dumiretso papunta sa kusina para magbreakfast.

Pagkapasok ko sa kusina ay nakita ko si Kuya, maaga rin siyang gumising para makapagluto ng breakfast, siya kasi ang nagluluto tuwing weekend. Magaling siyang magluto gaya ni Mama kaya hindi na nag-abala si Mama na kumuha ng kasambahay.

"Good morning, Kuya. " bati ko sa kaniya.

"Good morning, mahal na prinsesa." Bati niya sa 'kin. Ang bilin kasi ni Mama kailangan tuwing wala sila ay dapat hindi kami mag-away lalo na kapag wala sila, kaya ang sabi ko naman sa kaniya kailangan niya 'kong sundin para hindi kami mag-away, biro ko lang 'yon sa kaniya pero hindi ko naman alam na seseryosohin niya.

"Umalis na po ba sina Mama at Papa? " tanong ko sa kaniya, ang tagal kasi niyang magluto naiinip na ko, kaya chikahin muna natin 'tong si Kuya.

"Yeah, kanina pa'ng 4am." sagot nya.

"Eh 'yang niluluto mo, Kuya, sure ka ba'ng masarap 'yan? " tanong ko ulit.

"Of course, ako nagluto eh. " he answered.

"How 'bout girlfriend, Kuya? Kailan mo balak magkaroon ng girlfriend?" I asked him again. Malay niyo naman may jowa na pala 'tong si Kuya pero ayaw niya lang sabihin sa 'kin.

"I don't have a girlfriend, I was planning to have a girlfriend once I got a job. " he answered. Wow matagal-tagal pa.

"Eh Kuya-" magtatanong pa sana ako kaso 'di ko pa naitatanong ay pinutol na agad niya ang sasabihin ko.

"Can you please stop asking too many questions? " aniya. Hindi po siya galit niyan, slight lang.

∘∘∘
Andito kami ngayon ni Kuya sa isang grocery store malapit samin para bumili ng snacks namin mamaya, and maybe I'll buy something for Kuya Seb too. Sabi ko nga sa kaniya ay sa convenience store nalang kami pumunta, pero ang sabi niya mas okay daw kung sa grocery store nalang para makapag-grocery rin siya, wala na rin daw kasing laman 'yong refrigerator sa bahay.

"Ito na ba lahat? Wala ka na ba'ng nakalimutan?" tanong ni Kuya.

Tinignan ko ang cart namin halos chichirya lahat ang mga kinuha ko and in can na softdrinks.

"Okay na po siguro 'yan, Kuya." sagot ko sa kaniya.

"Sigurado ka ba? Eh puro chichirya 'yang mga kinuha mo. " aniya.

"Okay lang 'yan Kuya. " sabi ko naman.

"Mahal na prinsesa, malalagot ako kay Papa kapag nalaman niya'ng hinayaan kitang kumain ng ganiyan karaming chichirya. " sermon niya sa'kin.

"Kuya, hindi lang naman po ako ang kakain niyan eh." Sabi ko.

"Okay fine, ngayon lang 'to ah. " pagsuko niya. Takot niya lang na mag-away kami.

Friends to Lovers?Where stories live. Discover now