“Hindi. Hindi diba Light?” si Cloud, pinanlakihan pa nang mata si Light.

“Ahh  oo nga pala. May gagawin pala kami mamaya.” Light.

Tumayo na ko at inayos ang bag ko. “Osige. Mauna na ko sainyo.”  Paalam ko sakanila.

Papunta ako sa parking lot nang Makita ko si Thunder at Charlotte na naghahalikan sa ilalim ng puno. Well. Napangiti ako. Di na ko nagtaka o nabigla sa nakita ko.

Dali dali akong pumasok sa kotse ko para di nila ako mapansin. Oo may kotse na ko. Syempre galing kay Papa. Ayaw ko sanang tanggapin. Kaya lang pinagpilitan niya. Pati si mama pinilit akong tanggapin tong kotse. Di pa ako masyadong marunong magdrive pero  okay naman.

Dumaan muna ako sa Supermarket para bumili nang prutas tsaka fries bago pumunta sa bahay ni Skye.  Pagkarating ko sa bahay niya ay nag doorbell ako. Pero walang nagbubukas ng gate. Siguro tulog siya. Alam ko wala naman siyang kasama sa bahay niya eh. Babalik na sana ako sa kotse ng Makita kong hindi nakalock ang gate. Kahit nakakahiya man ay pumasok na ko. Baka may nangyari na pala kay Skye e wala pang nakakaalam.

Malaki ang bahay ni Skye. Di mo aakalaing mag isa lang siyang nakatira dito. Tapos may swimming pool pa. Papasok na sana ako sa main door nang may marinig akong mga boses. Boses ng babae at ni Skye. Parang nagtatalo.

“…..Hindi ka na naman pumapasok.  Wala ka nang ginawang matino sa  buhay mo!” Boses ng babae.

“Baket, may nagawa ka na bang matino sa buhay mo? Tsaka bakit ka ba nandito? Nananahimik ako dito tapos bigla kang pupunta at sesermunan ako na para bang totoo. Umalis ka na nga sa pamamahay ko! At wag ka nang babalik pa!” Galit  na sabi ni Skye.

“Aba’t  sumosobra ka na ah! Wala ka nang galang! You Bastard!” boses ng babae.

“You don’t deserved  my respect bitch! Get out of my house! Kung ayaw mong tumawag pa ako ng guard at kaladkarin ka pabalik sa kotse mo!”

“Brat! I’m your Mother for Christ’s sake!”

Ano? Mama ni Skye yung babae? Pero bakit ganun sumagot si Skye? Ang bad niya.

“I don’t need a fucking mother like you! YOU FUCKING SLUT! GET OUT OF MY FUCKING HOUSE!”

“Tandaan mo ang araw na to Skye. Wala kang mamanahin sakin!” Sabi nang babae at tumalikod na kay Skye. Nag tago ako sa gilid ng bahay para hindi ako Makita ng Mama ni Skye.

“I don’t need anything from you! You have nothing! Go to Hell Bitch!” Sigaw pa ni Skye.

Nang Makita kong nakalabas na sa gate yung babae ay ako naman ang pumasok. Nadatnan kong naka upong higa si Skye at hawak ang remote ng TV. Nang mapansin niya akong nakatayo sa pinto ay halatang nagulat siya.

“A-anong ginagawa mo dito P-Paige?” Tanong niya na nauutal.

Ngumiti ako ng mapakla. “Sabi kasi nila Cloud may sakit ka. Kaya dinalhan kita ng prutas at fries. Di ko alam na ganun yung dadatnan ko dito.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “What!? You heard us?”

Bigla akong nahiya sa sarili ko. Sa pakikinig sa away nila. Napayuko ako at humingi ng tawad.” Sorry. Nag doorbell kasi ako, di mo yata narinig kaya tuluy-tuloy na ko sa front door. Kaya lang narinig ko kayong nagsisigawan kaya nag tago ako. Pasensya na kung narinig ko yung pagtatalo niyo ng Mama mo.”

Nakayuko pa rin ako. Di ako makatingin sakanya. Pero bigla niyang hinawakan ang balikat ko at niyakap ako. Hindi ako makapagsalita sa ginawa niya. Pero bakit parang gusto ko yung feeling na niyakap niya ko ng mahigpit. “Sorry Paige.”

“Bakit?”tanong ko. Yumakap narin ako sakanya. Ramdam ko na parang may problema si Skye.

“ Sorry if you heard me saying  those harsh words. Sorry if you saw me again with an angry face.  Sorry if….. Sorry…..” Naramdaman kong basa ang balikat ko. Umiiyak si Skye dahil lang narinig ko yung mga pinagsasabi niya sa mama niya?

“Hushh. Tama na yan. Hindi naman ako galit o natakot sayo. Hindi ko naman kasi alam kung ano yung ugat ng pagtatalo  niyo eh. Pero sana nanahimik ka na lang at hindi mo na pinatulan pa ang mama mo. Ina mo pa rin yun, kahit na anong ginawa niyang hindi mo nagustuhan.” Sabi ko sakanya.

 Lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya sakin. “ Sorry Paige. Sorry.”Tanging nasabi niya.

Bigla nalang kaming bumagsak sa sofa. Inalis ko ang yakap ko sakanya para tignan siya. Nabigla ako ng nakapikit na siya. Nawalan ba to ng malay?  Sinalat ko ang noo niya. Mainit.  Ramdam ko na ang init nang kayakap ko siya. Pero akala ko init lang ng dugo.  Mataas na palang ang lagnat niya.

  Iniayos ko ang pagkakahiga niya sa sofa at dali daling pumunta sa kusina at nagpainit ng tubig,kumuha ng planggana at bimpo.  Pagbalik ko sa sala ay nagsasalita si Skye habang natutulog.”Sorry…. Sorry Paige….. Sorry….”

Nilapitan ko siya at hinimas ang mukha niya.”Hush…Hush. Tahan na.”

Hinilamos ko ang bimpo sa mukha, Leeg, kamay,  at mga binti niya. At hiling ko na sana  gumaling na siya. Pagkatapos kong hilamusin si Skye ay kumuha ako ng kumot sa kwarto niya sa taas ng matingin ako sa bedside table niya ay nagulat ako ng may picture na dun.  At isang stolen picture ko. Bigla akong kinabahan. Bakit nasa kwarto ni Skye ang picture ko? Maliban dun ay wala nang ibang picture sa loob ng kwarto niya.  Lumabas ako sa kwarto niya ng nagtataka.

Pagbaba ko ay kinumutan ko siya.  Inayos ko ang mga nakakalat na magazine sa lamesita at sa  carpeted floor ng marinig ko na naman siyang nagsalita na nakapagpanginig ng tuhod ko dahilan para mapaupo ako…….

”Mahal… kita…… PAIGE”

The other side of PaigeWhere stories live. Discover now